[x]

 

Considered as one of the hottest love teams in the country today, Dingdong Dantes and Marian Rivera celebrated their birthdays with a free birthday show at the Araneta Coliusem last night, August 27.

Photo: Noel Orsal

Sa kabila ng kontrobersiya na bumalot kaugnay ng birthday concert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera—ang Let's Celebrate: The Dingdong-Marian Birthday Blowout!—matagumpay itong naidaos kagabi, August 27, sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Matatandaang naging malaking isyu ang pagtatapat ng birthday concert nina Dingdong at Marian sa first day of showing ng pelikula ng kapwa Kapuso star nila na si Richard Gutierrez kasama si KC Concepcion, ang For The First Time ng Star Cinema. Pero ganun pa man, parehong naging successful ang dalawang malaking events na ito. Ayon sa balita, umabot sa P14 million ang kinita ng For The First Time sa unang araw nito samantalang well-attended naman ang birthday concert nina Dingdong at Marian.

Halos puno ang Araneta Coliseum kagabi hanggang sa bleacher, maliban sa Upper Box A kung saan maraming bakanteng upuan. Ayon sa mga taga-GMA-7 ay may ilang ticket holders ang hindi nakarating kaya kahit na marami pang tao sa labas ay hindi rin sila pinapasok dahil mahigpit na ipinatupad ng Big Dome ang no ticket-no entry policy.

Halos magsisiksikan naman na sa patron at lower box section sa dami ng tao at may ilan pa ngang tumayo na lamang para lang mapanood ang show.

Except for Atty. Felipe Gozon and Mr. Jimmy Duavit, full force ang GMA-7 executives led by Ms. Wilma Galvante and all its program managers and executive producers. Tila itinigil muna yata lahat ng tapings that night para sa birthday blowout nina Dingdong at Marian.

Bukod sa kanila ay namataan din namin ang creative consultant ng GMA-7 na si German Moreno, MTRCB Chairman Consoliza Laguardia, Dra. Vicki Belo, at ang mga pamilya nina Dingdong at Marian.

Seven p.m. ang sinabing simula ng Let's Celebrate, pero eksaktong alas-nuwebe na ito nagsimula. The whole show highlighted Dingdong and Marian's dancing prowess, although meron din silang mga song numbers.

Nagsimula ang programa with a grand production number involving throngs of dancers at ang La Diva ng SOP na sina Aicelle Santos, Maricris Garcia, at Mae Flores. Pagkatapos nito ay dumagundong ang buong Araneta nang lumabas sina Dingdong and Marian in a silver luxury car. Parehas ding naka-silver ang stars ng Dyesebel. Dito na sinimulang ipinamalas ng magka-love team ang husay nila sa pagsasayaw.

After this ay bumalik ang La Diva singing a medley of "Sweet Escape" and "Queen of the Night." Later on the show ay nagkaroon ng separate spot numbers sina Aicelle at Maricris, both GMA Records artists, rendering their hit songs "Ikaw Pa Rin" and "Bakit Ikaw Pa Rin," respectively.

After the La Diva medley, Dingdong did a Latin-inspired dance number with six of the most sought-after young actresses in GMA-7: Iza Calzado, Sunshine Dizon, Yasmien Kurdi, Bianca King, Iwa Moto, and Diana Zubiri.

Kung si Dingdong ay napaligiran ng mga magaganda at seksing babae, hinarana naman si Marian ng Kapuso male stars na sina Mark Anthony Fernandez, Paolo Contis, Dr. Hayden Kho, Alfred Vargas, Marvin Agustin, at ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid, who also celebrated his birthday yesterday. Bawat pasok ng mga nagharana kay Marian ay grabeng tilian ang natanggap nila mula sa audience.

Isang sexy dance number ang isinunod agad featuring Dingdong and Marian to the tune of "Careless Whisper."

Binigyan din ng spot number ang dance groups na Maneouvers at Speed bago ang dance number ni Marian, kung saan sinayaw niya ang mga pinasikat nitong tracks mula sa kanyang dance album—"Chiquita," "Walk Like An Egyptian," at "So Sexy." Sinamahan siya rito nina Rochelle Pangilinan, Regine Tolentino, at ng Abztract Dancers.

Bago ang song number ni Dingdong na "This Thing Called Love" ay may ipinakita munang VTR kung saan nag-reminisce at bumati ang mga nakasama niya before sa trabaho. Nagsalita rin ang ina ni Dingdong at ikinuwento ang pagsisimula ng young actor showbiz. Nagpakita rin ng rare clips ng mga commercials at audition ni Dingdong, who started appearing on TV commercials at the age of four.

After Dingdong's song number ay isany sexy number naman ang ginawa ni Marian, na naka-nightgown lang, habang kinakantahan ni Jay-R sa saliw ng awiting "Love Won't Let Me Wait." But before this, ay meron ding VTR na inihanda para sa kanya kung saan nagbigay ng mensahe ang mga malalapit sa puso niya.