Angelika dela Cruz takes two for kissing scene with Wendell Ramos

Nora V. Calderon
Saturday, August 30, 2008 @ 07:43AM  |  37 views

 

"First time ko pa lang siyang makakasama at first time na makaka-partner, hindi pa talaga kami close. Natawa nga ako nang pagkatapos ng first take sa kissing scene, sabi ni Direk Joel sa amin, ‘Hindi ko sinabing magtukaan kayo, sabi ko, maghalikan kayo!' Na-take two kami and after that, naging maayos na ang taping ng eksena namin," relates Angelika dela Cruz about her first kissing scene with Una Kang Naging Akin leading man Wendell Ramos.

Photo By: Enie Reyes














A true professional, kahit may fever at medyo paos ang boses, um-attend pa rin si Angelika dela Cruz ng presscon ng Sine Novela na Una Kang Naging Akin ng GMA-7, noong Huwebes, August 28, sa Sapphire Room ng Mandarin Suites sa Gateway, Cubao, Quezon City. Nagpaliwanag naman si Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Umaga na po kasi kami natapos ng taping. This morning," nakangiting sagot ni Angelika. "Sa Monday [September 1] na po kasi ang pilot telecast namin, after ng Vaklushi season ng Daisy Siete and we need to promote it."

Alam ba niyang ang character na Vanessa ay nagbigay sa unang gumanap dito na si Dawn Zulueta (sa Viva Films movie version ng Una Kang Naging Akin) ng Best Supporting Actress award mula sa FAMAS noong 1992?

"Yes po, kaya nga medyo kabado ako sa simula ng taping namin. Pinapanood po sa amin ang original story, pero hindi ko po kailangang gayahin ang acting ni Ms. Dawn. Siyempre po sarili ko po kung paano ko i-tackle ang kanyang character. Dahil siguro po, hindi namin kayang lampasan ang husay ng acting nina Ate Sharon [Cuneta] at Gabby [Concepcion]. At very supportive po naman si Direk Joel, gagawin ko na lang kung ano ang best ko."

UNHAPPY RUMOR. May intriga kay Angelika, nasulat na hindi raw siya happy na from primetime slot—sa Babangon Ako at Dudurugin Kita, ang unang soap niya pagbalik niya muli sa GMA Network—ay biglang inilagay siya sa afternoon slot. How true?

"Hindi po totoo 'yon, kasi noong nasa ABS-CBN pa ako, ginawa ko ang Bituing Walang Ningning na nasa primetime din, at bago ako lumipat dito, ang ginawa ko naman, yung Sine Serye na Prinsesa ng Banyera na ipinalabas din every afternoon.

"Ano po ang dapat kong ireklamo, samantalang kahit afternoon slot ang Una Kang Naging Akin, pareho pa rin naman ang talent fee ko? Pareho pa rin ang pagtatrabaho na nagti-taping ng three times a week. Pareho pa ring mataas ang rating ng mga afternoon shows ng GMA-7.

"At ano pa ang mahihiling mo kung si Direk Joel Lamangan naman ang direktor mo? Siya rin ang direktor ko sa Babangon Ako't Dudurugin Kita kaya natuwa ako nang siya muli ang magdidirek nito. Kaya kahit siguro sa madaling-araw ipalalabas ang bago kong soap, tatanggapin ko pa rin," mahabang paliwanag ni Angelika.

Dagdag niya, "Saka may bago akong sisimulang dramedy sa primetime slot, ang La Lola. Next month [September], hindi ko pa lang alam ang exact date, magsisimula na po kaming mag-taping."

FIRST TIME. First time lang lahat makakasama ni Angelika sina Maxene Magalona, Wendell Ramos, Alfred Vargas, LJ Reyes, Mel Martinez, Raquel Villavicencio, at Gina Alajar. Kumusta naman katrabaho si Wendell? Magkasintahan kasi sina Wendell at Angelika sa istorya. Si Angelika ang unang minahal ni Wendell at pinangakuan ng kasal na naunsiyami naman, nang dahil sa isang sakuna na naglayo sa kanila at nagbura ng alaala ni Wendell.

"Medyo nga po nailang ako kasi first taping day pa lang namin ni Wendell, kissing scene na agad!" natatawang wika ni Angelika. "First time ko pa lang siyang makakasama at first time na makaka-partner, hindi pa talaga kami close. Natawa nga ako nang pagkatapos ng first take sa kissing scene, sabi ni Direk Joel sa amin, ‘Hindi ko sinabing magtukaan kayo, sabi ko, maghalikan kayo!' Na-take two kami and after that, naging maayos na ang taping ng eksena namin.

"Sa ngayon kasi, wala pa kaming chance ni Wendell na mag-bonding dahil after that, wala pa kami ulit taping na magkasama, mas madalas kong kasama sa eksena sina Mel at Tita Gina. Si Maxene, hindi ko pa rin nakakasama sa taping. Ang madalas niya pang kasama ngayon, si Wendell, sa mga taping nila sa Morong, Bataan. Ako naman dito lang sa Metro Manila at saka sa Subic."

ORION'S SAY ON KISSING SCENES. Hindi ba nagseselos ang boyfriend niya of two years na si Orion Casareo, na may mga kissing scenes at bed scenes siya? Sinasabi ba niya kung anong eksena ang gagawin niya?

"Hindi po siya nagseselos. Hindi ko na rin dapat sabihin sa kanya kung ano ang gagawin ko. Given na po kasi na bilang artista, kasama ang mga ganoong eksena sa shooting o taping. Naiintindihan po niya ang trabaho ko."

Sa sunud-sunod na trabaho ni Angelika, hindi na muna matutuloy ang nauna niyang balak noon na dalawin ang mga lolo at lola niya sa Vienna, Austria.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name