Naging masayang-masaya ang young star na si Iwa Moto sa ginanap na 20th birthday celebration niya yesterday sa Jiao Ming Café sa A. Bonifacio corner Araneta Avenue Quezon City.
Naging abala sa pagharap sa mga bisita ang kanyang Mommy Precy, at stepdad na
si Jerry pati na ang dalawang kapatid na sina Miki at Zennith. Dumalo rin
sa naturang okasyon ang kanyang mga kamag-anak, kaibigan at mga taong
nagmamahal kay Iwa, specially ang boyfriend niyang si Michael Ablan.
Kabilang din sa mga panauhin sina Chariz Solomon,
ang bandang K247 ni Mark Gamboa, ang grupong Art & Soul ng kapatid ni Jessa
Zaragoza na si Lloyd Zaragoza, at iba pa. Hindi na nakahabol ang mga taga-GMAAC
na mayroong benefit show sa Zirkoh Timog.
Na-late pa ang aktres ng more than two hours dahil galing pa siya sa isang
taping na typical na ugali ng aktres—ang pagiging priority lagi ang trabaho.
Pero pagdating na pagdating ni Iwa ay nagpaunlak na agad siya ng interview
sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
"Ang birthday wish ko, sana ay more work at saka sana ay gumaling iyong dad ko,
iyon lang," panimulang pahayag ni Iwa.
Mayroon ba siyang wish na para sa sarili niya talaga?
"Actually, wala, e. Lahat puro para sa family ko,
e, sa mom ko, sa dad ko, sa mga kapatid ko, iyon... puro ganoon lang. ‘Tsaka sabi
ko nga, iyong trabaho, importante iyon siyempre. Para kapag may pera ako,
may panggastos din sa bahay, so, para rin sa family ko, e, ha-ha-ha-ha!"
nakatawang saad pa niya.
GOODBYE TO "TEENS." Sinabi rin ni Iwa ang kaibahan ng 20th
birthday celebration niya sa mga nakaraang celebration niya.
"Ang kaibahan nitong birthday ko ngayon, hindi ba last year, sinorpresa nila
ako? So, for a change, ako yung isa sa mga tumulong mag-organize at
mag-isip nitong party ko ngayon. Kaya lang, si Mark [Gamboa] pa rin iyong
gumawa ng lahat. For a change din, hindi ako na-surprise, yung hindi nila
ako ginugulat na lang, dahil alam ko na may party, e. At alam ko kung ano yung
mangyayari.
"Isa pa sigurong kaibahan ngayon, kasi ngayon dalaga na ako talaga, e. I
mean hindi na ako teen dahil 20 na ako, e. Kaya dalaga na talaga at mas matured
na. Kasi noon, tipong bata pa talaga na makulit.
"Pero iba na talaga ngayon, like dito nga sa FHM September issue na
cover ako, makikita ninyo na mas sexy ako rito. Actually, malaki ang
kaibahan doon sa unang naging cover ako noong 2006, e. Dito sa September
issue, mayroon pa nga na topless ako, na ang nakatakip lang sa dibdib ko ay
yung parang lambat lang," dagdag pa ni Iwa.
NO CHANCE OF GOING JAPANESE. Sa naturang okasyon din, sinabi ni Iwa na
baka malabo na siyang magkaroon ng dual citizenship.
"Parang hindi na po ako magiging Japanese citizen. Hindi na raw umabot. Sabi
kasi, 20 years old na ako, e. Kailangan daw, below 20. Dapat, pupunta raw
ako ng Japan, dapat ay nasa Japan ako by now para asikasuhin yung papers
ko.
"Nung last na nag-meeting kami, sabi ko, sige give-up na ako, yung kapatid ko
na lang. Actually ang benefit lang naman na makukuha ko roon, is anywhere
I want to go sa Japan ay madali lang. Pero, dahil nga parang medyo malabo
na, ang kapatid ko na lang. Malay natin, maipetisyon niya ako, he-he-he.
"Okey lang po sa kin na yung kapatid ko na lang, siyempre po, yung gusto ko, yung mga bagay na hindi ko nakukuha, ay makuha naman ng mga kapatid ko, na kung may mga bagay-bagay na ako na hindi maa-achieve, gusto ko ay yung family ko ang makakuha nun."
Pero sinabi naman ng Mommy Precy ni Iwa na may chance pa rin na maging Japanese
at Filipino citizen ang kanyang anak at hindi pa lang naaabisuhan si Iwa.
Nagpasalamat din si Iwa sa lahat ng mga tumutulong at patuloy na sumusuporta sa
kanya kabilang na ang GMA-7, GMA Artist Center, ang FHM, ang mga
taga-press, ang kanyang "Tatay" Rommel Gacho at sa lahat ng fans na
walang-sawang nagmamahal sa kanya.