Michaela Melania (left) and Erika Padilla (right) join other 18 hopefuls who were launched as members of Star Magic Batch 16.

Photo: Courtesy of Star Magic

 

Kabilang sa Batch 16 ng Star Magic ang mga newcomers na sina Erika Padilla at Michaela Melania. Ipinakilala sila kasama ng labing-walong iba pa sa entertainment press noong September 2.

 

ERIKA PADILLA. Achiever in her own right si Erika. She's a graduate of Political Science, Ateneo de Manila.

 

Isa rin siyang model at host. In fact, she was chosen as one of Metro magazine's Top 10 models at nakalabas na sa mga morning show ng Studio 23 na Breakfast at Wazzup, Wazzup.

 

Mahilig din siya sa sports at isa na rito ang surfing. Dahil sa surfing, nakilala niya sina Jericho Rosales at Heart Evangelista.

 

Erika's father is the Regional Director of Region 4 Calabarzon, si General Ricardo Ilagan Padilla. Si Gen. Padilla ang head ng investigating law-enforcer group sa naganap na heist at patayan sa isang bangko sa Laguna. Businesswoman naman ang kanyang ina.

 

Si Erika rin ang namamahala ng business ng pamilya na Ice Monster sa Sta. Lucia at Mini Stop sa Makati.

 

Noon pa raw niya gustong mag-aral, pero hindi pumayag ang pamilya niya.

 

"Struggle talaga ako noon. Nag-aaral ako, ‘tapos nag-aasikaso ng tindahan namin. That time, may mga kumukuha na rin sa akin. But it's a requirement talaga ng family ko na tapusin ko muna ang pag-aaral ko," kuwento ni Erika sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

Apat silang magkakapatid at bunso si Erika. Hindi raw siya sure kung kamag-anak nila si Robin Padilla at iba pang artista sa Ilagan side niya. Pero kung magkamag-anak nga sila ni Robin, siguro raw ay malayung-malayo na.

 

Nagdyi-gym din si Erika sa Slimmer's World kaya napasali siya sa Miss Bikini Philippines 2008. Hindi nanalo ng major award si Erika, but she was chosen as Miss Photogenic. Her vital statistics: 36-27-36.

 

Dahil dito, tinanong namin si Erika kung payag ba siya na mag-pose nang sexy sa cover ng isang men's magazine.

 

"Parang bago pa ako para gawin ‘yon," sagot niya. "Kailangan ipakita ko muna ang kalidad ko as an actress, what can I offer sa televiewers bago ko gawin yun. Kailangan ko ring isipin siyempre na hawak ko rin ang pangalan ng pamilya ko. Ipinaglaban ko rin kasi sa kanila kung ano yung gusto ko at ayaw ko naman na may masabi sa kanila."

 

Kasabay ni Erika na sumali sa Miss Bikini Philippines ang natsismis na girlfriend ng Wowowee host Willie Revillame na si Nadine Ignacio.

 

"She's [candidate] No. 19, No. 18 naman ako. Nag-guest po kami noon sa Wowowee. Doon din ako nakita ni Mr. M [Johnny Manahan] at pinalista niya yung name ko para mag-audition sa Star Magic. Ang alam ko po, kasama rin doon si Nadine, pero nung audition na, hindi po siya dumating," kuwento ni Erika.

 

Hindi ba siya napansin ni Willie that time?

 

"Hindi, e, kasi baka po yung pattern niya na gusto niya sa babae mapuputi. Morena po ako, ‘tsaka laging sinasabi ng mga friends ko, strong ang personality ko."

 

Pero kung napansin ba niya ni Willie, okey sa kanya ang TV host?

 

"Ang crush ko po kasi si Edu Manzano. Kahit nung kabataan ni Edu, mas guwapo pa rin siya kesa kay Luis [Manzano] ngayon," diretso niyang sagot.

 

Meron na raw siyang boyfriend at first time daw niyang magkarelasyon nang seryosohan.

 

"Isa pa lang, yung talagang parang I'll be your girlfriend. Pero yung fling, mga sampu. Buwan-buwan po ‘ata dati nung nag-aaral ako sa Ateneo, lagi akong may karelasyon," pag-amin ni Erika.

 

Sino ang boyfriend niya ngayon?

 

"Dati po artista siya, ngayon medyo hindi na. Si Anton dela Paz, first batch po ng StarStruck. Mga two years na po kami.

 

"Sinagot ko siya nung January 26, 2006. Nagkakilala kami through our common friend. The next day, tinext niya ako. Sinundo niya ako sa party, ‘tapos nag-kiss na agad kami on our second day of meeting," kuwento ni Erika.

 

MICHAELA MELANIA. The daughter of a Filipina mother and a German father, Michaela Melania, is one of the 20 promising new talents of ABS-CBN's Star Magic.

 

Ipinanganak si Michaela sa Pilipinas. Sad to say, namatay ang daddy niya nung four months pa lang siya. Naka-base ang daddy niya that time sa Indonesia at nagtatrabaho bilang engineer sa Mercedes Benz. Namatay ang kanyang daddy nang bumangga ang sinasakyan nitong speedboat sa isa pang speedboat.

 

"Dinala ako ng mommy ko sa Germany dahil I will have a better life there. ‘Tapos, hindi na nag-asawa ang mommy ko," kuwento ni Michaela na ang tunay na apelyido from her German father ay Meinecke.

 

Habang lumalaki ay umuuwi ng Pilipinas si Michaela. "Pero bakasyon lang, ‘tapos babalik din ng Germany. Dati kapag pumupunta ako dito sa Pilipinas, ayoko nang bumalik ng Germany. Lagi akong naiiyak kapag aalis na ako ng Pilipinas. Gusto ko na rin mag-artista noon, pero bawal. Until I came home here na last year," kuwento niya.

 

Anytime now ay babalik na raw sa Germany ang mommy ni Michaela at maiiwan siya sa Pilipinas to try her luck in showbiz at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

 

"Basta sabi ni Mommy bago niya ako pinayagan mag-artista, tapusin ko ang high school, e, graduate na ako ngayon. Pero sabi niya, ituloy ko pa rin ang college ko. I'm first year student now sa SOFA [School Of Fine Arts] sa Makati."

 

Ipinakilala raw siya sa best friend ng kanyang ina sa manager nina Sam Milby at Richard Poon na si Erick Raymundo. Kaya tulad ni Sam, co-manager din ni Michaela si Erick.

 

Sino ang crush niya sa showbiz?

 

"Si Piolo [Pascual] at si Mickey Perz, kasi magaling siyang sumayaw kahit mataba. Si Sam din crush ko, si Robi Domingo, and yung Taiwanese actor na si Wu Chun," pag-e-enumerate ni Michaela.

 

Kade-debut lang ni Michaela three weeks ago na ginanap sa Plaza Ibarra. Nandun daw sina Sam at si Richard. Wala siyang escort, pero pagpasok daw niya sa venue, in-escort-an siya ni Sam.

 

Hindi kaya si Michaela ang dahilan ng nababalitang hiwalayan ngayon nina Sam at Anne Curtis? Matatandaan na nung isang taon ay naging isyu kina Sam at Anne ang pagkaka-link ng Fil-Am actor sa Brazilian model na si Marianna del Rio.

 

"Ay, hindi! Doon lang kami nag-meet ni Sam," sabi ni Michaela.

 

Nagkita na ba sila ni Anne?

 

"Ipinakilala lang ako ng RM [road manager] ni Sam kay Anne. Nag-hi lang siya sa akin."

 

Paano kung nagselos pala sa kanya si Anne?

 

"Hindi siguro," sabi ni Michaela.