Newcomer Kristel Moreno was introduced along with 19 other hopefuls as part of the newest batch of Star Magic. She will be seen in the upcoming ABS-CBN primetime series I Love Betty La Fea. 

Photo: Courtesy of Star Magic

Dating child star ang isa sa miyembro ng Star Magic Batch 16, si Kristel Moreno. Pansamantalang nawala si Kristel sa showbiz dahil nag-concentrate siya sa kanyang pag-aaral. Nang bumalik siya ay naging miyembro siya ng SexBomb, pero hindi nagtagal ay umalis din siya sa grupo para i-pursue ang kanyang solo career.

           

Sa kanyang pagbabalik, mas confident na siya at may potensiyal na maging susunod na leading lady sa telebisyon. Kasama si Kristel sa all-star cast ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang I Love Betty La Fea, na magsisimula na sa September 8.

           

"Isa po ako sa mga kasama sa Eco Moda ni Betty.  Ako po yung may putok [body odor] na officemate niya," simula ni Kristel nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

           

Hindi ba siya na-turn off sa role niya sa I Love Betty La Fea?

           

"Nung una ko pa lang malaman yung role ko, natuwa na po ako. Natuwa po ako sa role, kasi maganda yung role ko and very challenging."

           

Magkakaroon ba siyang leading man sa I Love Betty La Fea?

           

"Hindi ko po alam kung magkakaroon ako ng boyfriend o manliligaw sa show. Siguro kung meron, dapat yung boyfriend ko laging may sipon o may nakaipit sa ilong niya para hindi maaamoy!" natatawang sabi ni Kristel.         

 

Bukod sa I Love Betty La Fea, regular din si Kristel sa bagong show sa TV5 na  Goals and Girls. "Kasama ko po doon sina Empress Schuck at Dino Imperial. Best friend ko po si Empress," banggit ni Kristel.

           

Masaya ba siya sa takbo ng career niya ngayon?

           

"Opo, mabilis nga po, e. At least, marami po akong trabaho. MWF po taping namin sa Betty La Fea. TThS naman po sa Goals and Girls. ‘Pag Sunday, nag-a-ASAP po kami minsan."

           

Very vocal si Kristel na ang ultimate crush niya ay si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. Bukod kay Sen. Bong, crush din ni Kristel ang co-star niya sa I Love Betty La Fea at lookalike ni Piolo Pascual na si Joem Bascon.

           

"Sobrang manly po kasi siya. Hindi po kami nagkakasama sa set, kasi iba po yung mga kaeksena namin."

           

Nakatapos na rin si Kristel ng isang independent film, na idinirek ng beterano at kilalang direktor na si Eddie Romero, ang Teach Me To Love. Kasama niya rito si Nathan Lopez, na bida sa Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.

           

PRISONER'S DAUGHTER. Kahit halos walang tulog si Kristel okey lang daw sa kanya na magtrabaho nang magtrabaho.

           

"Gusto kong makatulong po sa papa ko na nakakulong po sa Davao. One year na po siya doon," malungkot na sabi ni Kristel.

           

Nadalaw na ba niya ang tatay niya sa Davao?

           

"Hindi pa po ako nakapunta sa Davao. Puro text lang po ako doon sa nagbabantay sa papa ko. Kapag gusto ko po siyang makausap, nakikiusap po kami doon sa nagbabantay para payagan ang papa ko."

           

Ilang taon na sa kulungan ang kanyang ama?

           

"Mga seven to 12 years po yung kailangan niyang i-serve na sentence."

           

Ipinahayag ni Kristel na wala siyang sama ng loob sa kanyang ama kahit mag-isa siyang binuhay ng kanyang ina.

           
"Ay, walang-wala po! Siya pa rin po ang papa ko."

           

Kung sakaling lumapit sa kanya ang papa niya kapag lumaya na, tatanggapin ba niya?

           

"Oo naman po. Kahit dati pa po, willing akong tumulong sa kanya. Pero siyempre, may mga kapatid po ako. Pati si Mama, kailangan ko munang malaman ang sagot nila. Pero kung kaya pa po namin, pwede pa," pagtatapos ni Kristel.