Judy Ann Santos inspired to produce more movies after Oscar recognition for "Ploning"


 
"May pina-project na kami, mas iba lang. Gusto ko kasi, iba-iba rin ang tema ng pelikulang pinu-produce para hindi lang isipin ng mga tao na porke sa drama ako nakilala ay puro drama na lang ang gagawin ko. So, para mabigyan din ng trabaho ang ibang taong nangangailangan ng trabaho," says Judy Ann Santos about producing more movies.

Judy Ann Santos inspired to produce more movies after Oscar recognition for "Ploning"

Rose Garcia

Rating

TAX-EVASION CASE. Kinamusta rin kay Juday ang kaso naman niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR), kung saan sa huling kaganapan ay ibinasura ng Supreme Court ang apela ng aktres na idismiss ang kaso niyang tax evasion.

 

"Okey naman siya!" natatawa na lang niyang sabi. "Well, ‘ayun, nasa BIR pa rin siya."

 

Paano nga ba niya hinaharap ang kaso sa BIR?

 

"Ipinagdarasal ko na lang. Ayoko namang sabihin na hindi ko sineseryoso yun. Siyempre, hindi ko naman puwedeng hindi seryosohin yun. Pero siyempre, may mga oras na kapag masyado mong dinibdib ang mga bagay na yun, ikaloloka mo nang bonggang-bongga!

 

"So ako, idinadaan ko na lang siya sa dasal. Idinadaan ko na lang talaga sa tawa. Na sana, maayos na. Na kung ano't anuman po ang mangyari, handa naman ako na harapin at handa rin naman akong humarap sa kanila kung ano yung mga bagay na gusto nilang malaman dahil wala naman akong itatago."

 

Hindi na ba niya iniyakan nang lumabas ang nakaraang desisyon ng korte?

 

"Hindi na, maybe because I was already expecting for the worst. Siguro yun din ang tamang attitude na ibigay, especially kapag may mga ganitong kaso na concerning yung gobyerno, you expect for the worst. Kasi, puwede silang magbato ng mga isyu na hindi mo ine-expect na darating, e. Puwedeng dumating siya sa pinakamasayang pagkakataon ng araw mo. Babatukan ka na, ‘Uy, hindi puwede! Hindi ka puwedeng maging masaya today!'"

 

MISSING RYAN. Ilang linggo nang wala sa bansa ang boyfriend niyang si Ryan Agoncillo dahilnasa Argentina ito ngayon para sa taping ng programa nito sa ABS-CBN, ang Pinoy Fear Factor. Pero ano naman ang naging suporta ni Ryan kay Juday ngayon?

 

"Ano naman, tinanong lang niya ako kung kumusta na ako. Actually, hindi naman niya tinanong ang kaso, tinanong lang niya kung kumusta na ako," sabi ng aktres.

 

This Friday, September 12, ay pauwi na raw si Ryan sa bansa. May nakahanda na ba siyang pang-welcome rito?

 

"Ngiti ko lang at saka hug!" tawa niya.

 

May bilin ba siyang pasalubong dito?

 

"Wala naman siyang mabibili run. Every day talaga ang trabaho niya. Kaya ang bilin ko lang, umuwi lang siya ng buo at saka safe."

 

Since they announced their engagement, marami na ang nag-i-speculate na next year, 2009, na talaga ang magiging kasalan nila. May plano na ba sila?

 

"Wala pa po...wala pa talaga. Sa totoo lang, hindi sa nagtatago, hindi pa kami nagkakausap. Unang-una, wala rito si Ryan. Pangalawa, ang daming issues na dapat alamin at ayusin. Pangatlo, ano na muna, steady na lang muna kami sa pagiging ganito. Siguro naman kung mangyayari next year, malalaman at malalaman n'yo rin," pagtatapos ni Juday.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement