Posible ba na ma-in love siya sa isang foreigner?
"Ay, oo. Kailangan," nakangiting sabi ni Sarah.
Bakit kailangan?
"Para makabawi. Hi-hi-hi."
Nabanggit din ni Sarah na gusto niyang makasama sa concert niya on November 8 ang international artist na si Billy Crawford.
"I love performing with him. Halatang....oo nga. Napapasaya niya ako kapag nagpe-perform. Pero hindi si Billy, ha [yung crush niya]," lahad ni Sarah.
Bakit siya napapasaya ni Billy?
"Ano, I admire him. The way he performs, talagang very entertaining."
Alam ni Billy na may paghanga siyang ganyan?
"Ay, oo. Lagi ko pong sinasabi sa kanya. Kaso nga lang aalis siya, e. Sayang."
"DESIGNER'S DRESS" ISSUE. Lastly, nagpaliwanag si Sarah sa unang pagkakataon tungkol sa fashion designer na gumawa ng gown niya para sa taping ng birthday special ni Dolphy, pero pinahubad daw ng kanyang Mommy Divine.
"Ah, yun po. Ang totoo pong istorya noon, yung damit po, parang maluwag siya. Basta may diperensya po. E, magsisimula na po. Opening po ako, e. Mabuti naman po, yung mommy ko, may dalang damit from Rajo Laurel.
"So, hindi na po aabot kung hihintayin pa po naming maano [maayos] yung damit. So, yun nagbihis na po ako. Lumabas na po ako ng stage. Hindi totoo na hinagis ng mommy ko yun [damit]. Pero naramdaman ko na magkakaro'n ng isyu yun at ie-exaggerate."
Hindi niya sinabi sa mommy niya na magkakaroon ng isyu?
"Ay, sinabi ko po sa kanya. ‘Ay, naku, Mommy. Hintayin mo lang. Meron ‘yan.' E, ‘yun nga, in-exaggerate.



0

