Sarah Geronimo to Ronnie Liang: "Make a move."


 
"Maniniwala na sana ako, kaya lang may mansion pa at saka may swimming pool," says Sarah Geronimo about Ronnie Liang's interviews saying he has a crush on her.

Sarah Geronimo to Ronnie Liang: "Make a move."

Julie Bonifacio

Rating



Balik-recording scene ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo. Aatupagin naman ngayon ni Sarah ang promotion ng bago niyang album mula sa Viva Records, Just Me, pagkatapos ng blockbuster movie nila ni John Lloyd Cruz na A Very Special Love.

 

"Proud po ako sa album kong ito. May duet pa po kami ng Backstreet Boys member na si Howie [Dorough], yun pong carrier single ng album ko na 'I'll Be There'. Sa U.S. ko po ni-record yung song. Darating po si Howie dito sa Pilipinas sa September 23 para personal na makita ninyo siya," biro ng masayahing si Sarah sa launch ng Just Me album sa Pier 1, Tomas Morato, Quezon City, kahapon, September 10.

 

Ang 16-track album ni Sarah ay production ni Christian de Walden. Inamin ni Sarah sa album launching na si Nick Carter na member din ng Backstreet Boys ang crush niya.

 

"Sayang nga po hindi ko siya naka-duet," sabi ni Sarah.

 

Kasunod ng paglabas ng album ni Sarah, may malaking konsyerto naman siya sa Araneta Coliseum on November 8. Ididirek ito ni Johnny Manahan at si Louie Ocampo naman ang musical director.  Isa sa kumpirmadong   special guest ni Sarah sa concert si John Lloyd.

 

Pagkatapos ng concert, magsisimula na si Sarah na mag-shoot para sa pinakahihintay na follow-up movie nila ni John Lloyd. Posible rin na ang second movie nina John Lloyd at Sarah ang maging opening salvo for 2009 ng Star Cinema.

 

"Parang for now, si John Lloyd po talaga yung hinahanap ng tao, e. Masasabi ko lang po yun kapag nagsimula na kami. Kasi ganyan din po yung nangyari noon, gagawa na ng pelikula pero na-delay nang na-delay."

 

SARAH AND LLOYDIE'S FRIENDSHIP. Nang kumustahin namin ang friendship ni John Lloyd kay Sarah sa presscon ng I Love Betty La Fea, sinabi ng aktor na hindi na sila masyadong nagkakausap ngayon. Hindi na gaya ng dati, noong ginagawa pa nila ang movie. Lagi raw kasing busy si Sarah kapag nasa ASAP ‘08.

 

"Ay, hindi naman po sa ganun. Kasi may chance po na maging close kami nung pelikula dahil palagi kaming magkasama. Pero ngayon...understood," eksplika ni Sarah.

 

Sa tingin ba niya, dapat si John Lloyd ang mag-reach out sa kanya?

 

"Dapat dalawa po kami. Okey naman po kami. Nakakausap ko siya. Nakaka-text ko siya. ‘Pag ASAP po kasi, wala naman po kasing chance na makipagkulitan kasi nagtatrabaho ka. Yung mga kinakanta ko, kailangan kong aralin yung mga sayaw. Kaya siguro parang minsan, parang hindi ko na siya napapansin. Parang, uhm...walang time.  Pero okey naman po kami kapag nagkikita kami."

 

MOVIE WITH PIOLO. May balita rin na naka-line-up na susunod na makakapareha ni Sarah si Piolo Pascual.

 

"Ah, talaga po? Hindi ko po alam. Isa po yun sa munting kahilingan ko rin na makatrabaho si Piolo. Maganda po yun. Pero ang alam ko po may gagawin sila ni Angel [Locsin]."

 

Kung sakali, kay Piolo niya ba ipagkakatiwala ang kanyang first kissing scene sa pelikula?

 

"Yung kissing scene po kasi, napatunayan sa A Very Special Love na hindi naman kailangan na makita na nag-touch yung lips ng dalawang tao. I think magagawa ‘yan second time around. Kasi si PJ, maraming factors ang dapat i-consider. Yun nga po, yung aking market, yung mga supporters ko po, mga bata. ‘Tsaka once na maumpisahan ko na po ‘yan, naku, magtutuluy-tuloy na po ‘yan. So, darating na yun sa love scene, hala! ‘Di ba po totoo ‘yan?" pag-fast forward na pahayag ni Sarah.

 

SARAH'S SECRET CRUSH. Muli ay inungkat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sinasabing crush ni Sarah na kasama niya every Sunday sa ASAP '08. Hanggang ngayon ay di pa rin nagbabago ng crush si Sarah, na ayaw pa rin niyang banggitin kung sino.

 

"Secret na lang po. Pero close po kami sa ASAP. Lagi po kaming nagkikita every Sunday sa show."

 

Ka-age ba niya?

 

"Hindi po."

 

Si Piolo ba ito?

 

"Ay, hindi. Iba pa po si Piolo."

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  4  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
1 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement