Tuluyan nang kinasuhan ng libel ng dalawang miyembro ng all-female group na Mocha na sina Mocha Uson at Hershey delas Alas ang pahayagang Pinoy Parazzi. Anila'y hindi na nila puwede pang palampasin ang pambabastos na ginawa sa kanila ng naturang pahayagan.
Kasama ang kanilang abugado na si Atty. Rado Dimalibot, isinampa nina Mocha at Hershey ang kasong libel kontra sa Pinoy Parazzi at sa mga officers at staff nito kahapon, September 11, sa Office of the City Prosecutor, Quezon City.
Nag-ugat ang kasong ito sa malisyosong paratang diumano ng Pinoy Parazzi sa mga miyembro ng grupo bilang mga lesbiyana. Sa tatlong issues ng naturang pahayagan ay lumabas ang mga litrato ng grupong Mocha na kuha sa isang private party ng naturang all-female group. Kita sa mga nasabing larawan ang malinaw na paghahalikan nina Mocha at Hershey na nagresulta sa pagkuwestiyon sa kanilang pagkababae at katauhan; sa isang issue ng naturang tabloid ay tahasan silang tinawag na mga lesbian.
Hindi itinanggi nina Mocha at Hershey ang nangyaring halikan ngunit laking-gulat nila nang kumalat ang mga naturang larawan dahil ayon sa kanila, "girls night out" sa isang pribadong resort sa Laguna kuha ang mga ito ilang linggo lang ang nakararaan.
Labis ding ipinagtataka ng grupo kung paano sila nakunan at kung paano nailabas yun ng Pinoy Parazzi. Wala naman daw sa kanilang grupo na kumukuha ng litrato that time, lalo pa nga't puro babae silang magkakasama noon. Kaya imposible raw na isa sa mga kagrupo nila ang gagawa noon at ibibigay pa sa tabloid para ilathala.
Hindi na raw nila pwedeng palampasin ang kontrobersiyang ito dahil apektado na pati ang kanilang mga pamilya at kaibigan, bunsod ng mga negatibong paratang na kanilang naririnig bunga ng "malalaswang larawan" na inilabas ng anila'y mapanirang tabloid.
Para matapos na ang paninira umano sa kanila ng Pinoy Parazzi ay nag-file na nga sina Mocha at Hershey ng kasong libel kontra dito.
"Unang-una wala kaming ginagawang masama. Pangalawa, kailangan siguro kapag inaapi ka na, dapat ay ipagtanggol mo naman ang sarili mo. Hindi naman puwede yung hayaan mo na lang na mabastos ka ng ganun-ganun. Sa totoo lang mas madali para sa amin na tumahimik na lang kami, mag-relax na lang kami, hayaan na lang namin sila. Pero, why are we going through all this painstaking process, pati yung pressure? Gusto lang naming ipagtanggol yung mga sarili namin," may diin na pahayag ni Mocha sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), matapos ang kanilang pag-file ng kaso.
"Naiyak po kami dahil pinaratangan kami na lesbians," maluha-luhang sabi naman ni Hershey. "Wala po kaming sinasabi na against kami sa mga lesbians. Wala rin kaming sinasabi na masama yung pagiging lesbian. Actually, may mga kaibigan po kaming lesbians. Pero hindi po talaga kami lesbians."
Dagdag pa ni Mocha, "At saka yung feeling po namin na may namboso sa amin sa isang pribadong lugar, yun ang pakiramdam namin na na-invade yung privacy namin. Hindi lang po yun, e. Ang mas disturbing, lumabas pa sa Pinoy Parazzi. At hindi lang isang beses nila ginawa. Tatlong beses, tatlong issues yung lumabas na sinasabing lesbians kami."
Hiningan din ng PEP ng pahayag si Atty. Dimalibot tungkol nga sa isinampa nilang kaso.
"Nilapitan nga ako nina Mocha to help them sa legal process. We just filed for a criminal case. Libel nga ang kasong isinampa namin against the officers of the publication including the publisher, editor-in-chief, managing editor, creative director and circulation manager. This is just the start of the cases we intend to file. We're still discussing nga about the civil cases. Because when you file for civil liability, we have to quantify in monetary amount yung mga damages that have been caused.
"We are not in a rush to file civil liability. In fact naman sa batas, once you filed a criminal complaint, deemed filed na rin naman yung civil liability unless you reserve it in court. So there's really no hurry.
"But kung mapapansin n'yo yung na-file naming criminal complaint, doon lang sa mga officers muna, kasi meron pa kaming balak i-file against certain individuals. We are still accumulating information because we believe na imposible na yung Pinoy Parazzi lang by themselves ang nakakuha ng larawan. There should be one or two persons who are actually the real source of the pictures. We intend to file additional cases pa rin."
Ayon naman sa manager ng Mocha na si Byron Cristobal, "Ang sa akin lang ibang usapan na ito, pambababoy ito. Ilalaban talaga namin ito, to the point na gusto naming maipasara yung publication. Kaya gusto rin naming lumapit kay Mayor Alfredo Lim, para humingi ng tulong. Kasi nasasakupan niya ang Manila kung saan nandun ang office ng Pinoy Parazzi.





