PEP EXCLUSIVE: Marian Rivera: "Matagal na akong jologs!"

Rose Garcia
Tuesday, September 16, 2008 @ 01:27AM  |  77680 views

 

"Yun ang maganda, e. Kasi si Dingdong, sosyal! Tapos ako, jologs! At aminado ako riyan na jologs ako. Aminado ako na kung malakas man ang boses ko, kung prangka man ako, doon ako minahal ng tao. Kaya ako minahal ng fans ko dahil sa pagiging totoo ko sa sarili ko at wala akong itinago sa kanila," says Marian Rivera about comments that she is "jologs."

Photo By: Noel Orsal













Pero maagap ang naging tugon ni Marian sa bagay na ito. Aniya, "Yun ang maganda, e. Kasi si Dingdong, sosyal! Tapos ako, jologs! At aminado ako riyan na jologs ako. Aminado ako na kung malakas man ang boses ko, kung prangka man ako, doon ako minahal ng tao. Kaya ako minahal ng fans ko dahil sa pagiging totoo ko sa sarili ko at wala akong itinago sa kanila."

Dahil ba sa mga natatanggap na comment ay plano niyang baguhin ang naturang personality?

"Ay, hindi!" mabilis niyang tugon. "Kasi ako, kung kailangan sa isang okasyon na maging sosyal, kaya kong maging sosyal, why not? Kung jologs din ang pag-uusapan, kaya kong maging jologs. Kahit saan mo ko ipunta, a-attend ng party at puro mga sosyal, why not? Bakit naman hindi ko kaya? E, eto ako. Eto ang normal ko. Kaya ako minahal ng mga tao, kaya go!"

Ano naman ang message niya sa mga nagsasabi sa kanyang jologs siya?

"Ay naku, ang tagal ko nang jologs! Ang tagal ko nang straight to the point. Manood sila ng Happee toothpaste [commercial] ko, matapang at palaban ang mga Caviteña! So, kanya-kanyang pagkatao lang din ‘yan!" natatawa niyang sabi.

Tingin nga raw niya, yung magkaibang personalidad nila ni Dingdong ang dahilan kung bakit nagki-click din sila.

"E, sosyal si Dong, e! Aminin natin yan! Actually, hindi siguro sosyal kundi mas finesse siya. Kumbaga, ako ang baligtad niya. Kaya kami magkasalungat. May mga bagay na hindi niya alam na itinuturo ko sa kanya. At may mga bagay na hindi ko alam na itinuturo niya sa akin. Hindi kami parehas na sosyal. Hindi kami parehas na jologs. So, mas maganda na magkasalungat kami," pahayag ni Marian.

« Prev  1  2  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name