Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang former beauty queen na si Carlene Aguilar pagkatapos ng kanyang performance sa Celebrity Duets 2 noong nakaraang Sabado (September 20). Nagkataon na walang natanggal sa araw na iyon kaya tuwang-tuwa si Carlene dahil inamin nitong ninerbyos siya sa kanyang naging rock number.
Maganda ang naging comments sa kanya ng mga judges na binubuo nina Freddie Santos, Danny Tan, at Tessa Prieto-Valdes. Si Carlene na nga lang kasi ang natitirang babae among the celebrity contestants kaya malaking hamon sa kanya ang makalaban ang mga lalake.
"Siyempre nakakanerbiyos pa rin kahit papa'no. Noong una kasi, tatlo kaming girls ‘tapos biglang nawala si Ms. Melanie [Marquez)] ‘tapos si Ms. Cory [Quirino]. Ako na lang ang magtatayo ng bandila ng kababaihan sa contest.
"Mabuti na lang at walang na-eliminate. Mukhang okey naman kasi kaming lahat na nag-perform. Siguro nanghinayang silang magtanggal kaya buo pa rin kami next week."
CARLENE'S "BENEFACTOR." May nakarating nga kay Carlene na may benefactor daw siya na siyang gumagastos para sa kanyang mga text votes sa Celebrity Duets. Natawa nga si Carlene dahil ang alam niya ay gumagastos ang kanyang pamilya pati na ang mga kamag-anak niya't mga kaibigan para mapanatili ang kanyang standing sa naturang singing contest.
"Ano bang benefactor ‘yon? Gay o DOM [Dirty Old Man]?" sabay tawa niya. "Nakakaloka naman ‘yan. Kung alam lang nila kung gaano kahirap mangalap ng boto sa text, di ba?
"Kung totoo nga yang benefactor na ‘yan, e, di sana hindi na lang ako sumali sa Celebrity Duets. Siya na lang ang bahala sa mga gastusin ko at magbuhay-reyna na lang ako.
"Kaso nga wala naman kaya nakakagulat naman ang balitang ‘yan. Noong may nagtanong nga sa akin niyan, talagang natawa ako. Mas maganda siguro kung magpakilala sa akin ang benefactor na ‘yan. Para pasalamatan ko at sabihin sa kanya na damihan pa niya ang text votes ko para di ako matanggal agad."
CALIX'S BIRTHDAY. Nagkuwento rin si Carlene tungkol sa naging birthday party ng anak nila ni Dennis Trillo na si Calix Andres last September 13 na ginanap sa may Valle Verde in Pasig City. Sabi ni Carlene, wala nga raw media coverage ang first birthday ni Calix dahil napag-usapan na raw nila ni Dennis na magiging strictly family affair ang lahat.
"Yun naman talaga rin ang gusto ko. After all kasi sa nangyari sa amin ni Dennis last year, siguro naman we both deserve a break para ma-enjoy namin ang birthday ni Calix.
"Talagang wala kaming pinayagan na media from any network na mag-cover noong birthday ni Calix. Gusto kasi namin na tahimik at maayos ang first birthday niya. ‘Tsaka ang mga bisita naman ay halos mga bata. We just want a quiet celebration for our son."
DADA DENNIS WAS IN CHARGE. Hindi nga raw nagkasama sa birthday party ni Calix and kanyang mommy at daddy. Noong mag-start ang party ay nasa GMA-7 pa si Carlene dahil may Celebrity Duets pa siya. Si Dennis daw ang nag-asikaso ng lahat habang wala pa siya.
"I really appreciated his efforts. May Celebrity Duets kasi ako noong mga oras na iyon at talagang nagmadali akong umalis after ng show. Noong makarating naman ako sa venue, kakaalis lang daw ni Dennis.
"Sinabi naman sa akin ng mommy ko na naging host si Dennis sa mga bisita ni Calix. ‘Tapos karga-karga pa niya si Calix the whole time. That's good kasi maganda na ang bonding nilang dalawa. Tawag na nga niya kay Dennis ay ‘dada.' Kapag nakikita nga niya sa TV si Dennis, ‘dada' ang tawag niya.
"Gusto ko naman siyang pasalamatan because of the time that he gave kay Calix. Alam ko na may mga lakad din siya noong araw na iyon but he made good his promise sa anak niya. For me, tama na yung he was there ng ilang oras habang wala ako. At least, na-feel ni Calix that his dad was there to celebrate his first birthday."





