PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tanya Garcia and Mark Lapid's daughter celebrates first birthday

Tanya relates her feelings as a new mom.
Published Oct 11, 2008
"Ang wish ko siyempre, maging masaya siya. Sana magiging mabuti akong mommy sa kanya kasi ginagawa ko naman ang best. At saka sana, makuha niya lahat ng magaganda sa life. All the best that life can offer, yun ang pilit kong ibibigay sa kanya. Siguro ganoon talaga yun kapag may anak ka na," says Tanya Garcia when asked about her birthday wish for daughter Mischa Amidala.

Last Sunday, September 21, ay idinaos ang bonggang-bonggang first birthday celebration para sa anak nina Mark Lapid at Tanya Garcia na si Mischa Amidala Lyttle Lapid sa clubhouse ng Wack-Wack Golf & Country Club sa Mandaluyong City. Walang-duda na pinaghandaan ngang mabuti ng mag-asawa ang unang kaarawan ng anak nila.

Nakakuwentuhan na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tanya bago pa man naidaos ang birthday party ni Mischa, kaya kahit paano ay may ideya na kami kung anong preparations ang pinagkaabalahan niya at kung sinu-sino ang kanyang nasa guest list. Sumobra ang bilang ng mga bisitang inaasahan nilang darating. Pero masaya naman daw si Tanya dahil ibig sabihin, marami ang nagmamahal sa kanila.

"Actually, nagulat din ako!" natatawa niyang sabi. "Gumawa rin kasi ako ng RSVP, pero alam mo naman dito, hindi uso ang RSVP so okey lang. Pero masaya naman, at least, marami ang nagmamahal sa amin at sa anak ko, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Tanya, pareho namang nakarating ang mga pamilya nila ni Mark. Nakita nga ng PEP doon ang mga magulang ni Mark na sina Senator Lito Lapid at Mrs. Marissa Lapid at mga kapatid ng dating governor ng Pampanga. Sa side naman ni Tanya, nandoon ang kanyang mga magulang, kapatid, at ang kanyang lola.

"Masaya nga kasi lahat talaga nandito. Yung wala lang sa side ni Mark, yung isang sister niya dahil nasa States," dagdag ni Tanya.

Naging hands-on daw si Tanya sa preparation para sa unang birthday ni Mischa.

"Yes, super hands-on, although kumuha rin naman ako ng party organizer, ang Party Line Plus. Mga friends ko kasi sila kaya pati yung binyag ni Mischa, sila rin yung nag-asikaso. Hanggang sa susunod niyang mga birthday, sila pa rin."

Mickey Mouse Clubhouse ang naging theme ng party. Si Mickey Mouse daw kasi ang paboritong pinapanood ni Mischa. Pati ang giveaway sa mga bisitang kids ay isang Mickey Mouse-inspired director's chair, bukod pa rito ang mga loot bags na punung-puno naman ng imported chocolates from Duty Free. Ayon kay Tanya ay may nag-sponsor daw ng mga ipinamigay na chocolates.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Walang-duda na nag-enjoy nang husto ang mga bisita, mapa-bata man o matanda, dahil sa more than 10 kiddie booths na added attraction ng party: snow cone, cotton candy, Mickey hotdog, Trolley Treats, Dippin' Dots ice cream, Mickey Mouse photo souvenir, tattoo, face painting, carousel, at Starbucks coffee.

Tanya and Mark even hired a high-priced magician na doble-doble ang talent fee kumpara sa mga ordinary magicians na hina-hire tuwing children's party.

Feeling ni Tanya, ramdam na ng anak na ang birthday party ay para sa kanya.

"Actually, kaya ako ang unang dumating dito, wala pa si Mischa, dapat kasi matutulog muna siya. Kaso, ayaw niyang matulog. Parang excited na excited na siya kaya pinasunod ko na rin siya agad. Dapat matutulog muna siya kasi baka antukin siya. Pero nakita n'yo naman siguro kanina, masayang-masaya siya at nakikipalakpak siya," masayang kuwento ni Tanya.

PROUD MAMA. Mabilis na "of course!" ang sagot ni Tanya nang tanungin siya ng PEP kung very proud ba siya bilang ina. "Ang ganda-ganda ng baby ko!" natatawa niyang sabi. "Naglalakad na siya at nagsasalita na siya. Nasasabi na niya ang 'Dada, Mama.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang wish niya for her daughter?

"Ang wish ko siyempre, maging masaya siya. Sana magiging mabuti akong mommy sa kanya kasi ginagawa ko naman ang best. At saka sana, makuha niya lahat ng magaganda sa life. All the best that life can offer, yun ang pilit kong ibibigay sa kanya. Siguro ganoon talaga yun kapag may anak ka na.

"I also wish her good health. Nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi naman siya nagkakasakit nang serious talaga. Sana patuloy pa rin yun na maging healthy siya at maging mabuting anak."

Kung may problema man daw siya sa health ni Mischa ay masyado itong prone sa skin allergy. Noong mismong party nga ni Mischa ay may rashes ito sa mukha dahil daw sa allergy.

Kumusta naman ang pagiging ina ni Tanya?

"Masaya na nakakapagod, pero siyempre, kapag nakikita mo naman ang anak mo na malaki na siya, lalo na ngayon na nagsasalita na, ‘tapos malambing, parang nawawala lahat yun. Yung pagpupuyat, kasi hanggang ngayon, nagigising pa rin siya sa madaling-araw. Five-thirty pa lang in the morning, gising na siya kaya seven-thirty pa lang ng gabi, tulog na kaming dalawa!" natatawang kuwento ni Tanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What about Mark, how is he as a father?

"Wala naman akong reklamo sa kanya. Nagagampanan naman niyang mabuti ang responsibilidad niya as a father, as a provider," sagot niya.

BACK TO WORK. Aminado si Tanya na kahit siya raw sa sarili niya, hindi niya inakala ang mga bagay na matutuklasan niya nang maging mommy na siya. Nahihirapan daw siyang humiwalay sa anak. Ilang oras pa lang daw na hindi niya ito nakikita o nakakasama, parang nagkakaroon na siya ng separation anxiety attack.

"Oo! Well, nagwo-work naman ako. Nagte-taping ako ng Utoy sa ABS-CBN, pero nami-miss ko pa rin siya. Ang hirap! Pero sabi nga, dapat matuto na rin akong humiwalay sa kanya, kasi nga, one year old na. Next year, mag-aaral na, di ba?

"Kaya lang talaga, feeling ko, habang tumatagal, feeling ko, mas lalo akong nagiging attached sa kanya. Lalo na ngayon na marunong na siyang maglambing. Minsan nga, kapag nagagalit ako and I say no, iki-kiss ka niya! Marunong na talaga siyang maglambing. Kaya minsan, kapag nasa taping ako na the whole day na, nalulungkot ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam n'yo, akala ko dati, parang ang OA, pero hindi talaga, totoo pala talaga! Hindi ko talaga alam na magiging ganito pala akong mommy. Pero ganoon pala yun, kapag nagka-anak ka na, doon mo malalaman if you're capable of doing this or not," lahad niya.

As early as now, susuportahan naman daw niya ang anak kung anuman ang gusto nitong gawin in the future. Kung susunod man daw ito sa yapak nila ni Mark na mag-artista o mag-pulitika.

"Siyempre kahit ano naman ang gusto niya, susuportahan ko. Ganoon din naman ang parents ko sa akin, kung ano ang gusto ko...So, ako rin, ganoon din ako sa anak ko kung ano ang gusto niyang maging, kung ano ang gusto niyang gawin. Basta alam ko na ikabubuti niya, why not? Susuportahan ko siya. Kung talagang may kukuha naman sa kanya, why not?"

Ngayon daw, mas magiging visible na si Tanya sa showbiz career niya at mas ready na tumanggap ng mas maraming projects unlike before na personal choice niya talagang huwag pang maging full blast ang kanyang pagbabalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May tinatapos lang daw siya sa ABS-CBN, pero hindi itinanggi ni Tanya na wala ring problema sa kanya to do another project sa GMA-7, kung saan siya unang nabigyan ng malaking break sa pamamagitan ng soap na Sana Ay Ikaw Na Nga opposite Dingdong Dantes.

"Well, sana soon, kaya nanawagan po ako sa GMA!" biro niya. "Pero seriously, may mga pag-uusap na rin naman na ginagawa sa GMA. Hindi pa nga lang talaga tapos ang ginagawa ko sa kabila [ABS-CBN]."

Bago manganak si Tanya ay napanood siya sa Super Twins ng GMA-7.

UNRESOLVED CONFLICT. Sa ngayon, masaya raw si Tanya sa kanyang buhay. Although, hindi naman niya itatanggi na may mga panalangin pa rin siya na sana raw ay matupad na.

"Oo naman siyempre, lahat naman. Yung isang bagay na yun na sana ay matapos na," sabi niya.

Hindi man direktang binanggit ni Tanya kung ano ang tinutukoy niya, alam naman ng marami ang isyu tungkol sa isang Koreana na sinasabing pinakasalan daw ni Mark at meron silang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, actually yung pagsasalita ko, bonus na lang yun," patuloy ni Tanya. "Ako, I honestly feel that I don't have to explain naman to the people na ganito-ganyan-ganyan. Alam ng Diyos kung ano ang totoo. Alam ng pamilya namin. Alam ng nagmamahal sa amin kung ano ang totoo.

"Ano lang din yun, para na rin magkaroon ng peace of mind kung sinuman yung mga involved, di ba? Kasi kami naman, ever since nga, palagi kong sinasabi, wala kaming ginagawang masama. Alam namin kung ano ang totoo. Alam ng Diyos kung ano ang totoo at yun ang importante."

Kapag natapos na ba ang lahat ng ito ay mauuwi na sa happy ending ang lahat?

"Oo, sana. Lahat naman tayo, yun ang gustong mangyari, especially ako, di ba? Yun na lang ang ipinagdarasal ko at hinihiling ko para matapos na, di ba?

"Pero siya [Mark] na rin ang nagsabi na, ‘Pero huwag na lang natin gawing kumplikado ang mga things. Malapit nang maayos, e. Kaya maghintay na lang tayo at magdasal.' Ako, naniniwala ako that everything has a reason, e. Lahat ‘yan, meron na, so siguro para may mga matuto. So, yun na lang, hintayin na lang natin," nakangiting pakiusap ni Tanya.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang wish ko siyempre, maging masaya siya. Sana magiging mabuti akong mommy sa kanya kasi ginagawa ko naman ang best. At saka sana, makuha niya lahat ng magaganda sa life. All the best that life can offer, yun ang pilit kong ibibigay sa kanya. Siguro ganoon talaga yun kapag may anak ka na," says Tanya Garcia when asked about her birthday wish for daughter Mischa Amidala.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results