Nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na ginanap na ang story conference ng bagong featured story sa Komiks ng ABS-CBN na pinamagatang Dragona: Ang Superhero na May Ibubuga noong September 19. Bida sa Dragona si Shaina Magdayao, makakapareha niya si Jake Cuenca, at kasama rin sa cast si Carlos Agassi.
Pasok din sa cast si Alessandra de Rossi as the main villain; ordinaryo siyang tao na naging dragon. Naka-schedule ang taping ng Dragona, na ididirek ni Trina Dayrit, sa late October at ipalalabas ito sa December.
Second regular show na ito ni Alex sa ABS-CBN mula nang siya'y lumipat mula GMA-7. Una siyang lumabas sa I Love Betty La Fea na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.
Bukod sa Dragona, may gagawin ding primetime soap opera si Alex. Kaya sandali lang siya Betty La Fea dahil sa soap na isa siya sa mga bida.
Masaya si Alex sa itinatakbo ng career niya ngayon sa ABS-CBN. Bukod sa mga nabanggit na shows, kasama rin siya sa TV remake ng Pieta. Wala siyang pakialam na tinanggap ang role niyang young mother ni Ryan Agoncillo, na sa pagtanda ay gagampanan ni Cherie Gil.
Busy rin sa pelikula si Alex dahil pagkatapos ng indie film na Manila, kasama si Piolo Pascual, ginagawa naman nito ang One Night Only. Ito ang entry ng OctoArts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival.
Kasama rin sa cast ng One Night Only si Jennylyn Mercado. Kaya curious ang marami kung nagbabatian ba sila o nag-uusap ng young actress, na kakapanganak pa lang, sa shooting. Bago kasi si Rhian Ramos ay si Jennylyn ang nakabangga ni Alex at wala pang closure ang "word war" nila.
Present din sa presscon ng Dragona si Carlos Agassi na medyo pumayat, pero bagay sa kanya at guwapo pa rin. Pinatutunayan ng muling pag-active niya sa showbiz na he's okay, at mali ang paulit-ulit na balitang may grabeng sakit dala ng pagti-take ng steroids para mabilis magka-muscle at magka-abs.