PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos on working with Piolo Pascual again: "Panahon na lang ang makapagsasabi."

Juday's new soap opera in ABS-CBN will finally be aired.
by Rose Garcia
Published Sep 23, 2008
"Kalma na muna tayo. I mean, I'm happy for him because Angel [Locsin] is there. He has a new love team. And I hope, you know, it would click," says Judy Ann Santos about the possibility of working with former screen partner Piolo Pascual.

Next week ay aalis muli ng bansa si Judy Ann Santos para mag-lobby para sa kanyang pelikulang Ploning, ang official entry ng Pilipinas for Best Foreign Language Film sa Oscar Awards.

Malamang na sa October 1 opening ng kanyang bagong pelikula sa Regal Entertainment, Mag-ingat Ka Sa...Kulam, 1 ay wala siya. Kaya naman masipag ngayon pa lang si Juday sa pagpo-promote ng kanilang horror film ni Dennis Trillo.

"Ang tagal ko na kasing hindi nananakot sa movie. Yung last horror ko, Ouija [2007], pero hindi ako nananakot do'n, ako ang tinatakot. So, ang maganda lang, sa Regal din yung last horror movie [Regal Shockers] ko na nananakot ako, then ngayon sa Regal pa rin yung parang comeback ko sa ganoong genre. Siyempre, wish ko na suportahan ng mga tao, panoorin nila dahil sinisigurado naman namin na maganda at matatakot sila!" natatawang pahayag ng aktres sa second presscon ng Mag-ingat Ka Sa...Kulam last Sunday, September 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"HUMINGI AKO SA LANGIT." Kinumusta rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Juday ang tungkol sa Nurserye nila ni Derek Ramsay, Humingi Ako Sa Langit. Hopefully raw ay maipalabas na ito.

Worth the wait naman ba, sa tingin niya, ang naturang series?

"Yes, its worth the wait! Sobrang ibang-iba ‘to! Siyempre, sa lahat naman ng artistang nagpo-promote ng show nila, sinasabi nilang ibang-iba. Ako kasi, sa part ko, masasabi ko na iba ito sa akin. Kasi yung pinanggalingan ko, yung Ysabella na ang background ko ro'n, culinary. E, dito, wala akong background ng medical."

Nahirapan daw siya talaga sa role niya bilang isang clinical instructor.

"Mahirap kasi kailangan tama ang hawak ko ng mga gamit, pati mga terms. May mga terms na ang haba-haba ng linya ko talaga. So, nagbabasa-basa ako habang naghihintay ng take. May doctor at nurse din na nakaantabay sa set namin para kapag may term akong hindi alam, tatanungin ko sila," lahad niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil sa naturang series, bigla raw nanood ng mga Hollywood series si Juday, ‘tulad ng Grey's Anatomy at House. Naging instant fan daw siya ng mga naturang serye.

Naisulat naman mismo ng manager ni Juday na si Alfie Lorenzo sa column nito na instead na sa primetime programming mapapanood ang Humingi Ako Sa Langit, magiging pre-primetime programming ito ng ABS-CBN. Ano ang masasabi ni Juday rito?

"Okey lang sa akin kung doon sila masaya, e, di sige, di ba?" napapailing na natatawa niyang sabi.

Pero ayon naman sa nakausap ng PEP na konektado sa ABS-CBN, sa pagkakaalam niya ay primetime talaga ang timeslot ng Humingi Ako Sa Langit. Malamang na ito raw ang papalit sa timeslot ng Iisa Pa Lamang ni Claudine Barretto.

ON PIOLO PASCUAL. Tinanong din ng PEP si Juday kung kumusta na ang pakikitungo niya sa dating ka-love team na si Piolo Pascual.

Sa isang event kasi ay na-interview ng PEP si Piolo at nasabi nga nito na okey na silang dalawa ni Juday, although nalulungkot din ito na tipong "hi and hello" na lang silang dalawa. May mga instances daw kasi na nagkikita sila, 'tulad noong nasa Dubai sila at nang magkasabay rin sila sa isang flight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Juday ba ay may ganun ding pakiramdam sa kinahinatnan ng friendship nila ni Piolo?

"Ako, naniniwala kasi ako na kung ano ang gusto ni Lord, yun ang mangyayari," sabi ni Juday. "Kumbaga, gaya nga ng sinabi ko sa interview, ang pakikipagkaibigan ko naman sa mga nakaka-partner ko, wala naman akong sinu-showbiz. Siguro naging maganda rin naman ang pagkakaibigan namin ni Piolo at maraming tao ang nakakita noon. Ako naman, whatever friendship we had, hindi naman mawawala yun."

Hindi man direktang sinabi ni Piolo, mukhang na kay Judy Ann pa rin ang susi kung magsasama silang muli sa isang project. Ano ang masasabi ni Juday rito?

"Well, ako kasi, panahon na lang ang makapagsasabi. Pero sa akin ngayon, ipag-mature muna natin ang mga taong nakapaligid. Kasi mas nagiging kumplikado kapag yung mga taong nakapaligid ang hindi pa talaga nakakatanggap ng mga katotohanan.

"So, ano na muna, kalma na muna tayo. I mean, I'm happy for him because Angel [Locsin] is there. He has a new love team. And I hope, you know, it would click," pagwawakas ni Juday.
Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos, Piolo Pascual
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kalma na muna tayo. I mean, I'm happy for him because Angel [Locsin] is there. He has a new love team. And I hope, you know, it would click," says Judy Ann Santos about the possibility of working with former screen partner Piolo Pascual.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results