Marami ang nagtatanong kung ano na ang susunod na mangyayari sa career ni Jon Avila pagkatapos mabigyan siya ng break sa Kapitan Boom. Naka-focus muna si Jon sa paggawa ng pelikula at mayroon siyang pinagkakaabalahang dalawang proyekto sa ngayon.
"Sabay kong ginagawa, both for Direk Joey Reyes. The one is for Viva, with Rufa Mae Quinto, titled Civil Status: Single; and the other is for OctoArts, One Night Only, in which the story happened in just one day. It's kind of a fast-paced movie," sabi ni Jon.
AFTER KAPITAN BOOM. Ito'y habang pinag-iisipan pa sa ABS-CBN ang follow-up sa Kapitan Boom. May alam na si Jon sa mga detalye, pero mas mabuting manahimik na muna siya habang hindi pa tiyak ang pagtatrabaho niya para rito.
"It's going to be a surprise, but for sure, matutuwa ang mga tao, bata o matanda," nangingiting sabi ni Jon.
Mabilis ang mga pangyayari sa career ni Jon pagkatapos na maging sensation siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition.
"I consider everything a blessing. Hindi ko naman na-plan ang mga bagay na ito. Experiencing everything so fast is overwhelming for me. Sa London kasi, roon ako lumaki, and I'm not used to get a lot of attention," kuwento pa ng binata.
Pero, sa ngayon ay talagang nalulunod siya sa atensiyon ng mga tao, at mabuti na lang, marunong ding humarap sa ganitong sitwasyon ang baguhan.
"It's a nice feeling, just to know na kahit paano, I can inspire people. I know the responsibility when people already look up to you," dugtong ni Jon.
Ginagamit na rin niya yun sa kanyang advantage, at para makatulong na rin daw sa ibang tao, sa paraang makakayanan niya.
TALKING TAGALOG. "Nag-aaral na ako ng Tagalog, sa bahay ko," wika ni Jon sa garil na Tagalog.
"Wala akong time na mag-aral ng Tagalog when I'm at work. Tiyaga lang talaga. I'm doing my best. Lalo na if you got used to a certain language, you can't do that naman overnight.
"Ngayon, mga role ko sa movies ko, sa TV, puro Tagalog ang lines ko. Kahit sinasabi ng mga direktor ko na mag-English ako, okey lang, hindi pa rin. I would really work hard on that para matuto ako," pahayag ni Jon.
ZANJOE AND MARIEL. Naging interesado tuloy kami sa working relationship nila ni Zanjoe Marudo. Magkasama sila sa grupo ng Coverboys, at mukhang nagkakasundo naman sila.
"Walang problema sa amin ni Zanjoe," depensa agad ni Jon. "Akala nila, because na-link ako kay Mariel [Rodriguez] sa PBB, hanggang ngayon, puwedeng maging conflict sa amin yun ni Zanjoe. We're okay.
"There's nothing to settle. Lumang isyu na nga 'yan. One year na, ah. Marami nang nangyari for the past year, It doesn't affect our work naman."
For the record, tinanong namin si Jon kung ano ba ang eksaktong namagitan sa kanila ni Mariel, lalo na noon sa loob ng Bahay ni Kuya.
"No, there was no romantic affair. We just had a connection. A good connection between two people.
"I believe in destiny, and obviously, it wasn't meant to be. May ibang plano siguro para sa aming dalawa," natatawang sabi ni Jon.
MAJA SALVADOR. Ano na ang nangyari sa kanila ni Maja Salvador? Pagkatapos na magkasama sila sa Kapitan Boom, wala na bang progress yung sinabi ni Jon na type niya ang dalaga?
"She's a beautiful person, inside and out. As to a possible relationship sana, wish ko lang na we could have done something about it. Pero, pareho na kaming naging very busy."
Hindi ba umabot sa puntong inanyayahan ni Jon si Maja for dinner sa bahay na tinutuluyan niya?
"Walang ganoon," sagot ni Jon. "Noong Kapitan Boom days, mas marami kaming time together, kasi, sa trabaho. Sa tingin ko, magaling siyang makipagkaibigan.
"She's a good friend, a really nice person. It would be very nice to have her in my life.
"At the moment, wala akong love life. I'm too busy focused with my work. Work is my girlfriend right now," at saka pinakawalan ni Jon ang isang matamis na ngiti.