Noong kasagsagan ng second season ng Pinoy Dream Academy (PDA), hindi lang kung sino ang mananalo ang inaabangan dito ng publiko, kundi aamin ba sina Nikki Gil at Billy Crawford tungkol sa lumalabas na usap-usapan na may special relationship diumano na nabubuo sa pagitan ng dalawa?
Samu't saring mga balita ang lumabas na lalong nagpatibay na may espesyal ngang relasyong namamagitan kina Nikki at Billy. Kabilang na rito ang celebration ng singer-TV host, kasama si Billy at ilang malalapit na kaibigan nila. Lumabas din ang kuwento na si Nikki daw ang pinagselosan nang husto ng ex-girlfriend ng international singer.
Hiningi ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon si Nikki tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Billy. Bagama't inamin niyang lumabas sila ni Billy, nilinaw ni Nikki na marami silang kasama noon
"Hindi lang si Billy, siyempre gimik ng PDA yun," diin niya. "Kami ni Billy we're friends, we go out, we see each other a lot. Pero nagkakakilanlan pa rin kami.
"I can say naman na mabait siyang tao, he's really a very nice person, he's very down to earth for someone who is so big. Kay Billy, hindi mo mararamdaman na may ere yung tao. Basta it's my honor, it's my pleasure hosting with him, singing with him sa ASAP," sabi ni Nikki.
Para kay Nikki, mas maganda kung si Billly na lang ang tanungin tungkol dito lalo't sa ganitong kaso ay mahirap nga naman maglagay ng malisya o kulay sa parte ng mga babae.
"Mahirap magsalita kasi nga, just like I've said, we're getting to know each other and I don't know what his intentions are. Ewan ko sa kanya. Tanungin n'yo na lang si Billy. Let him speak," saad ng dalaga.
Nasulat din na si Nikki raw ang pinagselosan nang husto ng ex ni Billy from the States. When we asked Nikki about this, may punto ang singer nang sabihin niya sa PEP na isa itong bagay na hindi na niya sakop o hindi na siya dapat ma-involve pa.
"Ganun naman talaga, basta may ma-link lang na pangalan, pagseselosan na. Ako, I never met her. Sa issue na ‘yan, I can say na out na ako dun. I may have been in this business not that long, but alam mo naman, alam ng tao na hindi ako lapitin ng mga intriga. I'm a kind of person na di pinapatulan ang mga ganyan. Kung nagselos siya, that's not really my problem anymore, I leave it up to them," pahayag ni Nikki.
Open naman si Billy sa pagsasabing hanggang September lang siya ng bansa at pagkatapos ng kontrata niya sa ABS-CBN ay balik-States na siya. Kung mauuwi talaga sa isang tunay na relasyon ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Nikki, it would be a long-distance affair for them. Given the choice, Nikki the is honest to admit na hindi siya gaanong aprubado sa ganitong klase ng relasyon.
"Wala namang formula sa buhay, sometimes it works, sometimes it doesn't. Given the choice, I'd rather have a person here. Ako pa, sobrang selosa ako! Gusto ko 24/7 nakikita kita, hindi lang sa lalake, kahit sa mga friends ko. Siyempre, it's more convenient in any relationship if you live in the same continent, at least," paliwanag ni Nikki.
RUMORED RIFT WITH TONI. May mga balita ring lumabas na may alitan daw na namamagitan kina Nikki at Toni Gonzaga. Nagsimula raw ito sa comparison ng style sa paghu-host ng dalawa; si Toni ay kasama ni Billy sa PDA Season II samantalang si Nikki naman ay solong hinu-host ang PDA Little Dreamers.
"It's part and parcel of the business," sabi ni Nikki. "Pinasok ko ito, alam kong may ganyan. But I really think na magkaiba naman kami ng style of hosting. Some are more seasoned, some are more experienced, but nevertheless, we have different styles to offer.
"Kami naman ni Toni, we say 'hi' everytime we see each other. We're not close kasi hindi naman kami ganung nagkakasama. Sa PDA, hindi kami masyadong nagkikita kasi I hosted the kids, she hosted the PDA adults."
As a host, advantage para Nikki na kahit papaano ay nasisingit pa rin naman niya ang kanyang singing career.
"Parang dito [hosting] nga ako nilalagay. Hindi na ako masyadong pinapakanta sa ASAP. That's fine, it's still work after all, it's still a break. I still do my homework, I also work to better my craft. I don't mind if they put me in hosting.
"I still have naman my album, I still do corporate shows. ‘Pag may corporate shows naman ako, may segue na singing. At least kahit saan ka itapon, okay lang," pagtatapos ni Nikki.
