FIRST READ ON PEP: Marian Rivera keeps mum on rumored breakup with non-showbiz boyfriend

Rose Garcia
Thursday, September 25, 2008 @ 09:56AM  |  28393 views

 

"Ayoko namang isipin na walang pressure kasi lahat naman ng trabaho, may ganoon talaga. So, imbes na isipin kong nape-pressure ako... Kumbaga, ang maganda na lang, isipin ko na magawa naming maganda ang movie na ito. Mapasaya ulit namin ang mga manonood na iba ang movies, iba ang soap," replies Marian Rivera when asked if she feels any pressure about her first movie with perennial screen partner Dingdong Dantes.

Photo By: Noel Orsal














Sa isang magandang bahay sa Vermont Park, Antipolo City ginanap ang first shooting day ng One True Love kahapon, September 24. Tampok sa pelikulang ito na joint venture ng GMA Films at Regal Entertainment sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, at Iza Calzado. Ito ay mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Ayon kay Marian, bagamat nakagawa na sila ni Dingdong ng dalawamg magkasunod na serye na parehong No. 1 one sa ratings, Marimar at Dyesebel, iba pa rin daw ang excitement kapag pelikula ang ginagawa nila.

"Actually, ibang-iba talaga ang movies sa soap, e. Yung movie, dibdiban talaga kung dibdiban. Parang hindi mo puwedeng ibalewala lahat ng eksena mo," paliwanag ni Marian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pagkatapos maurong nang maurong ang shooting ng One True Love, finally ay nasimulan na rin ito at may playdate na nga sa November 19. Sa palagay kaya ni Marian ay mas maganda ang timing ng pelikula ngayon kumpara sa original playdate sana nito na August?

"Siguro, kasi lahat ng schedules din, inayos at naayos siya ng mabilis," nakangiti niyang sagot.

May pressure na ba silang nararamdaman ni Dingdong? Sa tingin kaya nila ay madadala nila ang lakas ng hatak nila sa telebisyon sa pelikula?

Si Iza, na katabi lang ni Marian noong kausap namin siya, ay nagbiro kay Marian at sinabing, "Kayo na ang bahala ha, yung mga fans n'yo ha!"

"Uy, hindi a! Damay ka rito!" natatawa namang sagot ni Marian.

Pero naniniwala si Marian na may pressure talaga sa kanila ni Dingdong kung ano ang kasasapitan ng unang pelikula nila sa takilya.

"Ayoko namang isipin na walang pressure kasi lahat naman ng trabaho, may ganoon talaga. So, imbes na isipin kong nape-pressure ako... Kumbaga, ang maganda na lang, isipin ko na magawa naming maganda ang movie na ito. Mapasaya ulit namin ang mga manonood na iba ang movies, iba ang soap," pahayag ng young actress.

LOVE SCENES. Mag-asawa raw ang role nila ni Dingdong sa One True Love kaya siguradong may love scenes na mapapanood sa kanila ang mga tagahanga nila.

"Actually, hindi naman siya heavy love scene. Yung attack ko rito, noong wala pang nangyayaring masama kay Dingdong dito, yung atake ko sa kanya, kalog ako. Pinapatawa ko siya, pero hindi naman masyadong OA. Hindi naman masyadong hard."

Base sa script ng One True Love, mas mainit daw ang love scenes nila rito kumpara sa mga eksenang napapanood sa kanila sa telebisyon.

"Well, kasi kahit nakalagay sa script, depende pa rin kay Direk Mac Alejandre ‘yan, e. Ilang beses ko na nakatrabaho si Direk Mac at alam ko at buo ang loob ko sa kanya at malaki ang tiwala ko na hindi magiging bastos yun. Mas kikiligin sila kesa isipin nila na, 'Ay, ganito yun, ganito yan!'"

Pero mas marami ba silang maipapakitang bago ni Dingdong sa pelikula?

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name