Dingdong Dantes and Marian Rivera's next TV project is the TV adaptation of the 1981 komiks-to-movie drama "Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang" which originally starred Vivian Velez and Eddie Garcia.

Photo: Noel B. Orsal

Nagpa-check-up si Dingdong Dantes sa Manila Doctor's Hospital nang masugatan ang kanang kamay sa taping ng Dyesebel. Kaya wala pa siya nang dumalaw sa set nila sa Vermont Park, Marcos Highway, last Wednesday, September 24, ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press. Naabutan namin ang leading ladies niyang sina Marian Rivera at Iza Calzado sa movie nilang One True Love, (a co-production venture ng GMA Films at Regal Entertainment, directed by Mac Alejandre).

"Two weeks pa itong naka-cast," nakangiting wika ni Dingdong nang dumating siya. "Maliit lamang naman ang sugat, pero nagka-fracture kaya kailangang i-cast ang kamay ko."

Biniro siya ng PEP kung may problema ba siya nang gawin ang eksenang ikinabali ng mga buto sa kamay niya. Ibinunton ba niya sa puno ng niyog ang galit niya?

"Hindi naman, siguro, matindi lang ang internalization ko at nadala ako sa eksena kaya napalakas ang suntok ko," nagtatawang sagot ni Dingdong. "E, hindi puwedeng mahinto ang taping dahil malapit na kaming matapos at nasa highlights na ang soap namin, kaya in-incorporate na lang sa story ang pagkakaroon ko ng benda sa kamay. Pero dito sa movie, iniiwasan na lang ni Direk Mac na makita ang kamay ko.

"Pero mahirap ang mga eksena ko ngayon sa Dyesebel dahil halos maghapon akong nakababad sa tubig, underwater scenes ako palagi sa paghahanap kay Dyesebel. Kaya pag-ahon ko sa tubig, pinapalitan agad ang balot ng kamay ko."

PRESSURE WITH MARIAN AND IZA. Tungkol sa One True Love, ayon na rin kay Marian nang makausap ng PEP, marami silang love scenes dahil gumaganap silang mag-asawa ni Dingdong, pero meron ding love scenes si Dong kay Iza. May pressure ba sa kanya ang pakikipagtambal kina Marian at Iza sa movie?

"Yes, may pressure din dahil first time lang naming magtatambal ni Marian sa movie. Kung may love scenes man, siguro higit lang ng konti sa ginagawa namin sa TV, kasi habol namin dito ay PG-13. Wala namang problema sa amin ni Marian dahil matagal-tagal na rin kaming magkasama, sa Marimar pa noon at ngayon sa Dyesebel.

"Saka mas close kami ni Marian ngayon kaysa noong bago pa lang kami nagsisimula. May compatibility na kami, at ganoon din naman kay Iza dahil nakasama ko na siya noon sa Encantadia at Atlantika, dalawang movie na rin ang nagawa namin, ang Moments of Love at Eternity. Kahit matagal-tagal na rin iyon, hindi naman kami nawawalan ng contact nina Iza at ng mga kasama namin sa Encantadia.

May nagtanong kay Dingdong kung natagpuan na ba niya ang kanyang "one true love?"

"Siguro, sa akin na lang iyon.  Basta ang masasabi ko, may inspiration ako na nagpapasigla sa buhay ko ngayon."

GOING TO THE U.S. Balitang tuloy ang pag-alis niya for a U.S. vacation.

"One week lang akong pinayagan ng GMA Network," sagot ni Dingdong.   "October 8 to 15 lang ako mawawala, matagal ko na kasing nasagutan ang best friend kong ikakasal sa States, at first time ko pa lang iyong magbi-best man in real life. 

"Sinamantala ko na rin, isinama ko na sina Mommy at sisters ko. Masaya si Mommy dahil masasarili na rin daw niya ako kahit one week lang. Dito kasi, lagi akong nasa trabaho, halos hindi kami nagkikita ni Mommy. Umuwi man ako sa bahay, matutulog lang ako, pagkagising, aalis na naman para magtrabaho."

May dalawa na silang Centerstage bar and restaurant ng girlfriend na si Karylle, balak daw niyang magtayo ng iba pang business?

"Yes po, isa sanang burger joint ang plano kong itayo, pero pinag-uusapan pa namin ng mga makakasama ko. Siguro next year na iyon magma-materialize."