PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA-7's Wilma Galvante says the network continues business deals with Annabelle Rama

Ms. Galvante also discusses the departure of Lorna Tolentino and the return of Sheryl Cruz.
by Erwin Santiago
Published Sep 28, 2008
"Hindi kami kailangang mag-usap. I am not looking for that moment... Huwag na ‘yan yung gamitin n'yo, hindi na nga pinag-uusapan [yung isyu]. You know. Let's give her peace," says GMA-7 SVP for Entertainment TV Wilma Galvante about talent manager Annabelle Rama (inset).

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling entertainment editors ang lady executives ng GMA-7 sa isang intimate lunch last Friday, September 26, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang mga nakausap namin ay sina Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV; Ms. Marivin Arayata, VP for Entertainment TV; Ms. Lilybeth Rasonable, AVP for Drama; Ms. Darling de Jesus, AVP for Musical & Variety, at Ms. Janine Piad-Nacar, AVP for Games & Talk.

Bukod sa paglalatag ng kanilang lineup of shows for the rest of 2008 at sa unang bahagi ng 2009 (Click here to read related article), nagbigay rin ng pahayag ang naturang executives ng GMA-7, partikular si Ms. Wilma, tungkol sa mga Kapuso stars na umalis at pati na ang pakikitungo ngayon ng network kay Annabelle Rama.

GOODBYE & HELLO. Noong nakaraang linggo ay nabalita na pormal nang nagpaalam si Lorna Tolentino kay Ms. Wilma. Tinanggap na ng aktres ang offer ng ABS-CBN. (Click here to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Ms. Wilma, "On LT, nagpaalam siya. Kasi ang reason niya, gusto niyang gawin yung movie [sa Star Cinema]. Meron daw kinomit sa kanyang movie. ‘Tapos sa series, baka may series siya. She didn't elaborate. But basically she came to me to tell me that she wanted to do this and afterwards, if she could come back. I said to her to do what she feels what's best for her to do. There will always be a room for talents like her, so I kept it open. Hindi naman sinabing, ‘Ay, umalis ka, e!' Movie kasi talaga yung habol niya."

Matatandaang tinanggihan ni Lorna ang offer ng GMA-7 para sa isang role sa Sine Novela na Saan Darating ang Umaga. Si Lorna sana ang gaganap sa role na unang ginampanan ng yumaong aktres na si Ms. Nida Blanca sa pelikula. Si Lani Mercado ang pumalit sa kanya samantalang si Yasmien Kurdi naman ang gaganap sa dating role ni Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mariing sinabi ni Ms. Wilma na hindi lahat ng mga artistang umalis sa poder ng Kapuso network ay malayang makakabalik. Dagdag ni Ms. Lilybeth, "Depende naman kung nagpaalam nang maayos. Kung minsan naman nagpapaalam nang maayos ‘yan."

Kung si Lorna ay nagdesisyong umalis ng GMA-7, ang aktres na si Sheryl Cruz ay nakatakda namang bumalik sa Kapuso network. Pagkatapos gawin ni Sheryl sa GMA-7 ang Mga Mata ni Anghelita ay lumipat siya sa ABS-CBN, kung saan gumawa siya ng ilang proyekto. Ngayon ay balik-GMA-7 siya sa pamamagitan ng isang malaking role sa upcoming series na Luna Mystica, kasama sina Mark Anthony Fernandez at Heart Evangelista.

"Yung kay Sheryl... Okay, this is what I know," simula ni Ms. Wilma. "Nagpaalam din naman ‘yan, e. Si Ate Dolor [Guevarra, Sheryl's manager] naman, nag-usap kami. Ang sabi niya, in the case of Sheryl, parang si Susan [Roces, Sheryl's aunt] yung nag-decide because Susan wanted Sheryl to do the Susan Roces Collection. Kung ano man yung naging resulta nun, hindi na natin yun papakialaman, pero ito lang yung pinanggalingan. So, paano ka naman makakahindi kung mismong ano ang magsasabi sa ‘yo na, ‘Do this first'? Sige, do it.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Si Sheryl, with the projects that we did for her... Okay, ibalik pa natin further back. Nung bumabalik si Sheryl, I met Ate Dolor and Susan in a dinner. ‘Tapos, talagang lumapit siya at ibinilin niya si Sheryl. Sinabi niya that Sheryl has decided to stay...try her mag-TV ulit. Could I help her, sana alagaan. So, sabi ko, yes, and then we did. ‘Tapos maganda yung mga shows [na ibinigay sa kanya], maganda yung rating, nabalik yung career, in short.

"And then afterwards, ‘eto na yung sinasabi nila na ‘she had to do this kasi Susan Roces Collection. Gusto niya talaga ibigay kay Sheryl.' So, okay din, pero sinabi ko rin kay Ate Dolor... I never got to talk to Susan anymore, only to her [Dolor] and na-text ko lang si Grace [Poe Llamanzares, Susan's daughter]. Sabi ko sa kanya [Dolor], ‘I just want you to relay to Susan just to remind her that I did not fail her.' Pinasabi ko lang ‘yon, and it was fine, sumagot naman si Grace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung anuman yung resulta ng mga projects na ginawa niya [Sheryl sa ABS-CBN], history na ‘yon. Now, we know she doesn't have any projects... Meron talagang isang role na bagay talagang ibigay sa kanya [sa Luna Mystica]," lahad ng lady executive.

Naitanong din ang kaso ni Ara Mina, na umalis din sa poder ng GMA-7. Hindi direktang sinabi ng GMA-7 executives kung babalik na sa Kapuso network ang sexy actress, pero mamaya, September 28, sa SOP ay magge-guest si Ara para sa anniversary ng Regal Films. Ayon kay Ms. Wilma, maaari nilang hanapan ulit ng bagay na role para kay Ara, pero hindi pa raw ngayon.

Para naman sa mga nagtatanong na fans ni Jennylyn Marcado, tiniyak ng GMA-7 na may plano sila para sa pagbabalik ng kapapanganak na young actress. Sa isang taon ay gagawa siya ng Sine Novela, katambal ang dating ka-love team na si Mark Herras.

ON ANNABELLE RAMA. Hindi rin nakaiwas si Ms. Wilma nang tanungin siya kung kumusta na sila ng talent manager na si Annabelle Rama. Matatandaang nagkaroon sila ng alitan dahil sa pagsasabay ng first-day showing ng pelikula ng anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez, katambal si KC Concepcion, ang For The First Time, at ang birthday concert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We do not discuss her," sabi ni Ms. Wilma. Pero nilinaw nito na hindi naapektuhan ang relasyon ng Kapuso network sa mga alaga ni Annabelle na nasa kanilang poder, partikular na si Richard.

Sa katunayan, may nakahanda nang next project ang young actor pagkatapos ng Codename: Asero, ang Zorro. Nakatakda ring gawin ni Richard ang Pinoy version ng Koreanovela na Full House. Hanggang 2010 pa ang kontrata ng young actor sa GMA-7.

Sinagot din ni Ms. Wilma ang intrigang nag-isnaban diumano sila ni Annabelle sa birthday party ni Senator Bong Revilla noong September 24 sa C3 Events Place Greenhills, San Juan.

"Hindi kami nagkita Umalis na ako [nung dumating siya], I left early. I think she made sure I wasn't there anymore when she came there," paglilinaw ng GMA-7 executive.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Wilma kung hindi pa ba sila nagkakausap ni Annabelle pagkatapos ng namagitang alitan sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi kami kailangang mag-usap," diretso niyang sagot. "I am not looking for that moment... Huwag na ‘yan yung gamitin n'yo, hindi na nga pinag-uusapan [yung isyu]. You know. Let's give her peace."

Sa kabila ng nangyari sa kanila ni Annabelle, nilinaw ni Ms. Wilma na inaasikaso pa rin siya ng Kapuso network pagdating sa mga proyekto ng kanyang mga alaga. Ang mga humaharap daw kay Annabelle ay ang program managers at si Ms. Marivin Arayata.

Paliwanag ni Ms. Wilma, "Alam mo, ganito ‘yan, when I was still Vice-President, I was handling this, e. Naka-hands on ka dapat sa mga negotiations, sa contracts, ganyan. Nung na-expand na yung department, ‘tapos I was made Senior Vice President, actually, it shouldn't have been part of my detailed job anymore because I should be focusing on content, on the direction of the department... That should be the work of the Vice President already. Pero because of the relationship, kinu-continue ko lang yung ginagawa ‘tsaka mga importante naman, di ba? Pero officially, VP dapat ang nagha-handle no'n. So, walang problema, may nag-aasikaso sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman kay Ms. Marivin, okay naman daw ang business relations nila kay Annabelle. Dagdag niya, "Medyo nag-mellow siya."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi kami kailangang mag-usap. I am not looking for that moment... Huwag na ‘yan yung gamitin n'yo, hindi na nga pinag-uusapan [yung isyu]. You know. Let's give her peace," says GMA-7 SVP for Entertainment TV Wilma Galvante about talent manager Annabelle Rama (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results