PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rose Flaminiano is ready if Nadia Montenegro files complaint against her

Mrs. Flaminiano denies calling Daddy Rollie.
by Roldan Castro
Published Sep 28, 2008
"Balahibo ng pusa, balahibo ng aso, pinagtahi-tahi niya dahil lamang sa walang kapararakan. Puwede ba, keep herself busy. Lumalaki ang mga anak niya. Ayusin niya ang anak niya at pamilya. Hindi ba iniisip ni Nadia, tuwing may gulo, lagi siyang kasama? Hindi ba niya tinatanong sa sarili niya bakit lagi siyang involved? Yun ba ang kaligayahan niya?" Rose Flaminiano criticizes Nadia Montenegro.

Walang problema kay Mrs. Rose Flaminiano kung hindi tinanggap ng korte ang TRO (Temporary Restraining Order) na isinampa niya laban kay Gabby Concepcion dahil 20 days lang ang effectivity nun. Pero tuloy pa rin ang kasong isinampa niya na P22 million for Specific Performance.

Nagulat ang lady-producer dahil nag-leak na ang balitang dinenay ng korte ang TRO kay Gabby samantalang wala pa siyang natatanggap na kopya ng desisyon. Gayunpaman, hindi pa rin puwedeng tumanggap si Gabby ng anumang proyekto na walang permiso ang kanyang business manager dahil may kontrata pa rin sila. Basta't panahon na lang daw ang makakapagsabi kung kailan matatapos ang di nila pagkakaunawaan.

"Inuulit-ulit ko, yung pagtawag sa tatay [Daddy Rollie Concepcion] niya, hindi ko ginawa. Nagkausap kami after ng Music Museum at before ng hearing ni Gabby ng Bigamy at Falsification [of Public Documents cases] sa Manila.

"Ba't naman ako tatawag at itatanong ang ginagawa at tapings ni Gabby sa tatay niya? Alam ko ko naman ang schedule niya," saad ng producer-manager nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Basta ako, ang pakikiramay ko ay buong puso. Hindi man ako nakarating, ipinapanalangin ko ang kaluluwa ng tatay niya. Wala naman kaming pinag-awayan ni Rollie, e!"

Ano ang comment niya sa sinabi diumano ni Nadia na kung sakaling magpadala siya ng bulaklak sa burol ni Daddy Rollie ay itatapon daw ito sa gitna ng kalsada?

"Kahit magpadala ako ng isang daang bulaklak, iba pa rin kung yung puso ko ang buksan nila. Nasa puso ko ang pakikiramay. Kung magpapadala ako ng bulaklak, itatapon naman daw sabi ni Nadia. Mas nauna pa yung salita ni Nadia kesa sa gagawin ko. Kung sabagay si Nadia ang nagsabi niyan, sino ba si Nadia? E, yung mga kapatid, nagsasabi naman na welcome ako, ‘tapos siya ang magsasalita nang ganoon. Sino ngayon ang sumasawsaw?

"Balahibo ng pusa, balahibo ng aso, pinagtahi-tahi niya dahil lamang sa walang kapararakan. Puwede ba, keep herself busy. Lumalaki ang mga anak niya. Ayusin niya ang anak niya at pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ba iniisip ni Nadia, tuwing may gulo, lagi siyang kasama? Hindi ba niya tinatanong sa sarili niya bakit lagi siyang involved? Yun ba ang kaligayahan niya?" sabi pa ni Mommy Rose.

Ano ang masasabi niya sa pahayag ni Nadia sa Startalk na makapal ang mukha niya?

"Mas lalong makapal ang mukha niya. Ang lambi-lambi [parang bilbil sa tiyan] niya. Yung sa akin, mararamdaman pa yung kurot. Sa kanya, manhid na. Parang binabad sa yelo," buwelta ni Mommy Rose.

May sagot din si Mommy Rose sa sinabi ni Nadia na kung si Mommy Rose ay naging ina niya, mas gusto pa niyang maging ulila.

"Dapat talaga siyang maging ulila. Kung naging anak ko siya, hindi siya makakatuntong sa bahay ko. Kung ako ang nanay niya, hindi ganyan ang ugali niya, magiging disente siya at wala akong anak na suwail, kaya hindi siya puwedeng maging anak ko. Huwag akong subukan sa pagiging ina. Bawal ang ganyang ugali sa mga anak ko," sambit pa ni Mommy Rose.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magdedemanda raw si Nadia?

"Nakahanda ako sa demanda niya pero siguradong uunahan ko siya. Yung mga ebidensya, nasa akin. I'm waiting," matapang na pagtatapos ni Mommy Rose.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Balahibo ng pusa, balahibo ng aso, pinagtahi-tahi niya dahil lamang sa walang kapararakan. Puwede ba, keep herself busy. Lumalaki ang mga anak niya. Ayusin niya ang anak niya at pamilya. Hindi ba iniisip ni Nadia, tuwing may gulo, lagi siyang kasama? Hindi ba niya tinatanong sa sarili niya bakit lagi siyang involved? Yun ba ang kaligayahan niya?" Rose Flaminiano criticizes Nadia Montenegro.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results