Since his formal launch last January in ASAP '08, Richard Poon has made his own niche in the local music industry. Certified gold na ang status ng sales ng kanyang album na I'll Take Good Care of You, at dinadagsa ng mga tao ang mall shows at iba pang shows Richard. Katulad na lang ng kanyang fund-raising concert for cancer victims in Olongapo, kung saan napuno niya ang 1,000-seater auditorium. No doubt, Richard has already captured the hearts of Filipino viewers and music lovers.
ADMIRATION FROM SHOWBIZ PEOPLE. Hindi lang ang publiko ang labis na humahanga kay Richard. Marami na ring showbiz people ang nagpahayag ng kanilang admiration sa singer. Naunang nagpahayag ng paghanga sa kanya si Ai-Ai delas Alas, at sa isang recent interview kay Valerie Concepcion, in-admit nitong crush niya si Richard.
Yesterday, September 28, at ASAP '08, Richard admitted na ikinatataba ng puso niya ang nakakarating sa kanyang mga balita.
"Iba ang gratitude ko, iba yung flattery pag may nakakarating sa aking ganyan. Pero relaxed pa rin ako, kasi feeling ko, nagkaka-crush sa akin ang mga tao kasi public image ko ang nakikita nila. Yung crush nila sa akin ay yung napapanood lang nila, when I'm a very different person in private.
"Siguro mas kinikilig ako,
if someone does know me for who I am. Kung sino ako talaga ang magkakagusto sa
akin. Ako naman kasi I'm not hard to please, simpleng tao lang ako."
Nakita na raw niya before si Valerie sa isang special ng ABS-CBN sa Meralco Theater. Kaya nga lang, they were not given the chance to know each other personally. He's open na mas makilala pa nang husto ang aktres kung mabibigyan sila ng pagkakataon.
"She was one of the hosts then, and isa ako sa kumanta. Ayoko namang lumapit para magpakilala, but I'm open na mas makilala ko siya.
"Definitely, alam ng mga tao
na she's very pretty, morena beauty siya and isa sa mga pretty hosts ng Wowowee
along with Mariel and the other girls."
NO GIRLFRIEND. Three to four years nang walang girlfriend si Richard and right now ay hindi pa siya ready for another relationship. Alam niyang hindi niya maibibigay ang oras sa taong makakarelasyon niya.
"Right now I don't have a girlfriend, the last time I had a girlfriend was 2002 or 2003 yata.
"I think kasi kung sinuman
ang babaeng liligawan ko ngayon ay magagalit, kasi wala akong oras. A girl
deserves time, at pag di nila nakuha yun, magagalit lang siya sa akin and
ayokong magalit sa akin ang magiging girlfriend ko."
SARAH'S GOT IT ALL. Inisa-isa sa ni Richard sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga traits na hinahanap niya sa isang babae at sinabing na kay Sarah Geronimo ang lahat.
"Gusto ko yung medyo driven. Okey, yung mabait, magalang, at puwede mo talagang iharap sa family mo. Pero attracted talaga ako sa medyo driven. Like si Sarah, she's very magalang, very humble, and meek. 'Po' siya nang 'po', but pagdating sa stage, may spice siya.
"Dangerous siyang panoorin kaya masarap siyang panoorin. Sabi ko nga sa kanya before, nung nagkaroon kami ng show ng ASAP in Dagupan, di ko pa siya masyadong kilala nun, ‘Alam mo what I like about you, ang lakas ng loob mo sa stage.' That is what I'm attracted to, kasi not all singers are like that, she takes risks, and I like that.
"Sarah epitomizes both
strong and tender. Combination siya nun. Yung iba kasi sobrang strong, yung iba
naman sobrang weak. Pero siya combination of both. But let me make it clear,
it's admiration and respect, and not in a romantic level."
PURE CHINESE. Although he is pure Chinese, Richard speaks Filipino fluently. Nakuha ni Richard ang kanyang talent sa pagkanta from his mom who was a singer in Taiwan. Ikinuwento nga ni Richard ang kanyang roots.
"My mom is a Taiwanese, Chinese naman ang dad ko from Hongkong. Wala akong lahing Filipino but I grew up here. My mom was a singer in Taiwan, mayroon siyang album doon and pumunta siya dito for shows. Ang dad ko naman, dito na sila nag-migrate ng lolo ko. Nag-aral siya sa Mapua [Institute of Technology]. Nagba-basketball siya sa Mapua, nanood siya ng show ng mommy ko, na-in love siya, nanligaw They fell in love with each other and dito sila nagpakasal. Dito na kami ipinanganak ng ate ko na mas magaling pang kumanta kaysa sa akin."
