PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto clarifies report that she is leaving Star Magic

Claudine says she only wants "extra care, extra backup."
by Glen Sibonga
Published Sep 30, 2008
"It's just that parang ang dami-dami na namin. I just needed extra care, extra backup. Like another road manager, dagdag lang for myself lang, for my schedule, ‘tapos publicist, yung ganun lang. Pero yung iiwan ang Star Magic, hindi," explains Claudine Barretto about a report saying that she is planning to move out of Star Magic.

Naging malaking isyu ang lumabas na balita sa ilang tabloid na aalis na sa poder ng Star Magic ang isa sa prime talents nito na si Claudine Barretto at magpapa-manage na diumano sa iba. Hiningan ng komento ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Claudine tungkol dito sa launching ng Star Magic Catalogue 2009 na ginanap last Sunday, September 28, sa Edsa Shangri-La Hotel.

"Actually, wala naman kasi akong contract sa Star Magic. Everybody knows that. Sabi ko, it's not naman na lilipat o ano. Kasi whatever happens, markado ka na talaga na part ng Star Magic. And it's hard, kasi what we have is a relationship like a family," paglilinaw ni Claudine sa PEP.

Pero ano ba ang move na gusto niyang gawin? Kukuha ba siya ng ibang manager to co-manage her?

"Wala, wala talaga," tanggi ng aktres. "It's possible for me to get my own publicist. But to manage, no, not even a co-manager. Kasi parang, even before I got back after giving birth, I just wanted to bring in my own people, yun lang talaga yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba sila nagkakaroon ng problema ng Star Magic?

"I think sa lahat ng pamilya, nagkakaroon ng problema, di ba? Pero not as big as...I don't know kung ano ang naglalabasan."

Ang problema bang ito ang dahilan kaya gusto niyang kumuha ng sarili niyang publicist?

"No, no, no. It's just that parang ang dami-dami na namin. I just needed extra care, extra backup. Like another road manager, dagdag lang for myself lang, for my schedule, ‘tapos publicist, yung ganun lang. Pero yung iiwan ang Star Magic, hindi."

Gaano kaimportante ba sa kanya ang Star Magic?

"Nandito ako today [launching of Star Magic 2009 Catalogue], di ba? I mean, 16 years, di ba? Hindi mo kayang lokohin ang 16 years, e. It's something na talagang beyond family. That's why kahit walang kontrata... So, there are no promises but only loyalty," pahayag niya.

Kuntento ba siya sa mga projects na ibinibigay sa kanya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I'm really very proud kasi here in ABS-CBN, Star Magic, and Star Cinema, they have always given me the best project. Nagpapasalamat ako na they have given me the best teleseryes at mga pelikula. Wala na akong mahihiling pa," saad ni Claudine.

IISA PA LAMANG. Samantala, abala pa rin si Claudine ngayon sa kanyang teleseryeng Iisa Pa Lamang sa ABS-CBN. Maganda ang feedback sa mga manonood ng nasabing teleserye. At ayon kay Claudine ay marami pang dapat abangan sa Iisa Pa Lamang.

"Marami-marami pa. Sobrang dami ng twists. Kaya maraming salamat sa lahat ng suporta n'yo, sa lahat ng nanonood ng Iisa Pa Lamang. Sa lahat po ng gumagaya sa mga lines namin sa Iisa Pa Lamang, in behalf of everybody—our directors, our co-actors, our staff, and crew lahat-lahat-maraming, maraming salamat. Overwhelmed, sobra!"

Extended ba ang Iisa Pa Lamang up to a second season?

"Parang. Pero itse-check pa namin kung kaya pa ng budget. Kasi right now, over-budget na kami, e. Pero hopefully. As of now, parang ilang weeks din ang nadagdag. Pero hindi namin alam kung another season pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang pumupuri sa acting nilang dalawa ni Angelica Panganiban, na gumaganap na isa sa mga kontrabida sa Iisa Pa Lamang, lalo na sa kanilang confrontation scenes. Convincing daw ang awayan at tarayan nilang dalawa. Kumusta naman sila ni Angelica in real life?

"We're very, very close. Even before this project, matagal na kaming close," sabi ni Claudine.

Kamamatay lang ng Daddy Rollie ni Gabby Concepcion, na kasama rin niya sa Iisa Pa Lamang. Nakadalaw ba siya sa burol nito bago man lang inilibing?

"I wasn't able to go to the wake of his dad, kasi nga I was out of town," pag-amin ni Claudine. "But my prayers are always with him and his dad. Nakakalungkot kasi ang dami-dami niyang [Gabby] pinagdadaanan ngayon. Ang hinihiling ko lang bilang kaibigan at katrabaho ni Gabby, yung sana ipagdasal natin siya kasi hindi madali yung pinagdaraanan niya ngayon. Ang tagal niyang hindi nakita ang tatay niya at ganun pa ang nangyari. Ipagdasal na lang natin na maging strong siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa teleserye, ano pa ba ang puwedeng abangan ng mga fans ni Claudine?

"Aside from Iisa Pa Lamang, I will be doing a movie, of course sa Star Cinema. And yung iba, hindi ko pa alam. Actually, about the movie, I really don't know much pa. I cannot tell the details pa, kasi we are still not allowed yet to tell. It will be released next year na.

"I can't tell pa talaga, kasi kunwari there are five na naka-lineup, kung ano ang mauna doon. And wala pa talaga kung sino yung magiging director. Wala pa talaga kung sino yung magiging artista. It's hard kasi mamaya sabihin ko si ganito, ‘tapos hindi pala sa kanya mapupunta, di ba? Kaya mahirap talagang magsalita now," pagtatapos ni Claudine.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's just that parang ang dami-dami na namin. I just needed extra care, extra backup. Like another road manager, dagdag lang for myself lang, for my schedule, ‘tapos publicist, yung ganun lang. Pero yung iiwan ang Star Magic, hindi," explains Claudine Barretto about a report saying that she is planning to move out of Star Magic.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results