May mga humihikayat kay Rafael Rosell na iwan na ang grupo niyang Coverboys. Kung tutuusin daw, siya ang pinaka-senior among its members at may mga nagsasabing hindi na siya bagay pa rito.
But Raf believes otherwise. Alam din niyang ang mga nagku-comment ng ganoon ay may simpatiya sa kanya, o naniniwalang mas bobongga siya kung magsosolo lang talaga.
"I appreciate their concern," sabi ni Raf. "Pero, more than anything, it's the friendship that we have established as a group. Hindi ko basta ipagpapalit yun. Hindi naman ako forever na nasa Coverboys, and there will come a time that I have to go to the next level.
"Pero, sa ngayon, mas gusto ko yung may kagrupo ako, where I can feel that I belong. Suportahan kami rito. Hindi kami nagsu-showbiz-an.
"Personally, kung ako ang tatanungin, kung aangat ako rito, gusto ko, karamay ko rin yung iba sa grupo. Iaangat ko rin sila kasabay ko. That's what I believe. The same way na yung iba sa grupo, ganoon din naman sila. Nagtutulungan kami," sabi pa ni Raf.
IT'S WORK, NOT COMPETITION. Kaya malabong basta iwan na lang ni Rafael ang Coverboys. Kahit nga sa isang banda, maski ang mas junior sa kanyang si Jon Avila ay nabigyan pa ng sarili niyang fantaserye na Kapitan Boom, hindi naman siya nakaramdam ng insecurity.
"I don't think like that, e," sabi pa ni Rafael. "Sa industriyang ito, sabi ng nanay ko, it's really full of competition.
"I love competition. I have done sports na talagang naroroon ang competition, and I'm very competitive, too. Kaya lang, pagdating sa trabaho, I treat it as a profession. Trabaho yun at hindi competition.
"You do what you can do, and you do what you're good at. You do the best that you can do, and what you love doing. With that in mind, there's no competition.
"Kahit naman writer ka, actor, businessman, ang dapat mo lang isipin, be the best that you can be. Bakit mo iisiping makipag-compete?" tuluy-tuloy na sabi ni Rafael.
PATIENCE, NOT ENVY RULES. Naniniwala si Raf na darating ang blessings sa kanya kung mananatili siyang patient.
"There's no envy among the Coverboys," pagdidiin pa ni Rafael. "Isa sa matinding advice na naibigay sa akin when I entered showbiz, the green-eyed monster will really eat me alive.
"I shouldn't allow that to happen. To be honest, naramdaman ko rin yun noong time na wala akong ginagawa, 'tapos, nanonood ako ng TV. Yung mga napapanood ko, nasasabi ko na lang sa sarili ko, ‘Kaya ko rin naman yun, ah.'
"Pero, after a day or two na naiisip ko yun, it's not doing me any good. Hindi ako magbe-benefit doon. Kailangan talagang nagtatrabaho lang ako.
"Walang efforts ang ibang tao. Nasa akin ang lahat ng efforts by thinking negative. I just watched again, and became happy for them."
POLITICS CHANGE. Patuloy na nagpapasalamat si Raf sa magandang opportunities na ibinibigay ng ABS-CBN sa kanya, pero umaasa pa rin siya, na isang araw, mabibigyan din siya ng malaking partida para sa mas matinding challenges sa career niya.
"Pero, alam mo sa industriyang ito, we don't know, but politics change," napakatotoong sabi ni Rafael.
"Basta, magtatrabaho na lang ako at mag-e-enjoy. Let's see what will happen," pagwawakas ni Rafael.