PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo on Jake Cuenca: "Nakakita ako ng someone who really cares for me."

Bea likes the lightness of "Betty La Fea."
by Melba R. Llanera
Published Sep 30, 2008
"It's a friendship na mahirap matagpuan sa show business, something that I will be thankful all my life because nakakita ako ng someone who really cares for me and there's nothing wrong with it," says Bea Alonzo about her friendship with Jake Cuenca.

Tanggap ni Bea Alonzo na maaring para sa iba ay cliché na ang palagi niyang sinasabi na magkaibigan lang sila ni Jake Cuenca. But in spite of people's speculation ay firm pa rin ang aktres sa pagsasabing friends lang talaga ang samahan nila ni Jake.

PEP (Philippine Entertainment Portal) interviewed Bea during the launching of Star Magic Catalogue for 2009 on Sunday, September 28, at Edsa Shangri-La. Sinagot niya ang isyung lumabas na madalas daw napagkikita sa set ng I Love Betty La Fea ang aktor at dinadalaw siya.

"ABS-CBN lang lagi ang location ng Betty La Fea, and most of the time, dun lang talaga kami, so minsan accidentally napupunta siya dun or kaya when he's in the building. Pero hindi intentional na pupunta siya sa set. Hindi ganun.

"It may sound cliché to our people pero sasabihin ko pa rin that we're good friends pero ayokong magsalita nang tapos. Ayokong sabihin na kami na kasi hindi naman kami. We're enjoying each other's company and right now pareho kaming busy. We're both single, so we're both enjoying every minute na single kami. Pareho na nagagawa namin lahat ng gusto naming gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bea even expressed her gratitude and appreciation sa friendship nila ni Jake.

"It's a friendship na mahirap matagpuan sa show business, something that I will be thankful all my life because nakakita ako ng someone who really cares for me and there's nothing wrong with it."

BETTY AS BEA. Marami ang natutuwa sa karakter ni Bea as Betty sa I Love Betty la Fea. Known to be a passionate and dedicated actress, marami lang ang nagtatanong kung hindi raw kaya nadadala ni Bea ang kanyang character as Betty sa ordinaryo niyang buhay, lalo't ito ang madalas na nangyayari sa mga artistang masyadong dinidibdib ang character na kanilang ginagampanan?

"May ganun. Nakita ninyo naman sa fashion show ni Randy Ortiz, di ba? But kidding aside, may ganun pa rin, minsan ‘pag tatawa ako, nandun pa rin yung pagtawa ni Betty na yung mga taong kasama ko, yung mga kaibigan ko magtatanong, ‘Si Betty ba ang kasama namin?'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I'm very happy kasi nadadala ko yung character niya and Betty is very optimistic in life and somehow natutuwa ako na nagiging ganun ang pananaw ko in life."

VERY LIGHT. Unang nakilala at hinangaan as a good dramatic actress, kakaibang karanasan para kay Bea ang role bilang Betty. At kahit nga raw sa set ng nasabing teleserye ay laging in good mood ang lahat dahil na rin light kasi ang istorya ng Betty La Fea.

"Bagong genre for me and I'm really enjoying it, marami pa akong gustong gawin sa character ko kung paano mag-e-evolve yung character ko as the story goes.

"Every taping day namin, I'm looking forward to it. Masaya ang pamilya namin dito and masaya siya in a sense na lighter yung set kasi light yung story, light yung director, so walang nag-iinit ng ulo. Masaya ang lahat."

Isa sa mga artistang nasa cover ng Star Magic Catalogue for 2009, Bea feels this is a great achievement on her part. Dati kasi ay isa lang siya sa mga artistang nasa loob nito, ngayon ay isa na siya sa nasa cover kasama ang mga sikat at pinakaimportanteng artista ng Star Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang nakikita mo na yung evolution and yung development ng career mo. I'm very, very happy," saad pa ng dalaga.

VACATION FOR HER BIRTHDAY. Celebrating her birthday this coming October 17, isang short vacation ang hihilingin ni Bea na regalo para sa kanyang nalalapit na kaarawan.

"Wala pa nga akong plano sa birthday ko, but definitely magkakaroon ako ng very short vacation. I don't know kung ano ang gagawin ko, kung magpapa-party ba ako o magpapahinga or whatever, I'm still thinking about it."

Read Next
Read More Stories About
Bea Alonzo, Jake Cuenca
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's a friendship na mahirap matagpuan sa show business, something that I will be thankful all my life because nakakita ako ng someone who really cares for me and there's nothing wrong with it," says Bea Alonzo about her friendship with Jake Cuenca.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results