Urian Best Actor Jason Abalos thanks Judy Ann Santos for the "inspiration"

Rose Garcia
Thursday, October 02, 2008 @ 01:04PM  |  15908 views

 

"'Eto na, ‘eto na ang panaginip ko, nagkatotoo na! Siyempre, natuwa ako noong pangalan ko ang natawag. Siyempre, kumbaga sa school, ito yung medal ng pagiging artista!" beams Jason Abalos after winning the Best Actor trophy in last night's Urian Awards for his performance in Endo.

Photo By: Noel Orsal













"Mas nauna kasing ipalabas yung Kahit Isang Saglit, nandoon si Cristine. So, inuna na nila yun para siguro mas maganda ang track na napanood muna ro'n si Cristine. After that, siya naman ang lead sa Eva Fonda. Baka siguro next year na maipalabas ang Eva Fonda."

Halos isang taon na rin yata ang lumipas kung next year pa ito ipalalabas?

"Yeah, nag-start kasi kami, April pa. Baka nga kapag lumabas yun, may anak na kami!" biro ni Jason.

Okey lang naman daw siya dahil bago naman kasi ipalabas ang Eva Fonda, hindi naman masasabing nabakante siya dahil may Pieta nga siyang ginagawa. Pero totoo nga bang disappointed siya dahil matagal bago maipalabas ang Eva Fonda?

"Siguro oo, parang... Hindi naman sa na-disappoint, parang gusto mo rin silang intindihin dahil meron silang plano. Hindi mo lang alam kung ano ang plano nila na, at the end, alam mo rin naman na makakabuti pa rin para sa ‘yo, so intindihin mo na lang."

Balitang daring daw ang Eva Fonda at may mga dapat putulin, kundi baka maharang ng MTRCB. Totoo ba ito?

"Actually, wala pa namang inuulit na eksena," sabi ni Jason. "Hindi ko nga lang alam sa editing kung ano ang gagawin nila. Kung magugustuhan ba ng mga MTRCB, ewan ko, sila na ang bahala ro'n. Kami naman, nagte-taping lang, wala kaming ideya. At saka alam naman siguro ng mga directors namin kung papasa ba or hindi."

Gaano siya ka-daring sa Eva Fonda?

"Yung mga love scenes, hindi mo makikita sa typical na soap opera," sagot niya.

Sa palagay ba niya ay kailangan sa career niya ang magpaka-daring?

"Hindi naman. Parang ako, nagkataon lang na yun ang sumunod kong proyekto at kailangan kong gawin, e."

Kumusta naman ang working relationship niya with Cristine Reyes, na sinasabing isa sa pinaka-controversial young actress ngayon?

"Nakakagulat nga. Kasi noong nagsimula kami, wala akong nakitang ganoon sa kanya. Sobrang walang reklamo. Mabait nga siya. Lahat ng ipagawa sa kanya ng director, ginagawa niya. So, parang kabaligtaran ng mga nagiging isyu sa kanya."

Puwede kaya siyang ma-in-love sa tulad ni Cristine?

"Hindi mo naman masasabi kasi, halimbawa ngayon, palagi kaming magkasama. Doon naman palaging may nabubuo, di ba? Siguro wala lang akong...hindi ko iba-block kung anuman ang darating."

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name