PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Valerie Concepcion dismisses "plastikan" issue with Mariel Rodriguez

Valerie also talks about her hosting capability.
by Rommel R. Llanes
Published Oct 3, 2008
"Kung nagpaplastikan lang kami, how can we stand each other naman the whole day ng ilang araw, di ba? Basta alam namin sa sarili namin na hindi kami nagpaplastikan at wala na kaming pakialam kung anuman ang sinasabi ng ibang tao sa pagkakaibigan namin," says Valerie Concepcion about rumors that she and Wowowee co-host are just friendly on-cam.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Valerie Concepcion kahapon, October 2, sa taping ng bagong gag show ng ABS-CBN, ang Banana Split. Nilinaw niya na walang katotohanan ang napabalita na nagpaplastikan lang sila ni Mariel Rodriguez, na kasama niya sa noontime variety show na Wowowee hosted by Willie Revillame.

"Hindi, huh! Grabe naman!" bulalas niya. "Kami nga ang magka-roommates nung mag-show ang Wowowee sa Canada. Kami ang magkasamang nagsa-shopping, ganoon.

"Kung nagpaplastikan lang kami, how can we stand each other naman the whole day ng ilang araw, di ba? Basta alam namin sa sarili namin na hindi kami nagpaplastikan at wala na kaming pakialam kung anuman ang sinasabi ng ibang tao sa pagkakaibigan namin," pahayag ni Valerie.

Kung talagang magkaibigan sila ni Mariel, nagsasabihan ba sila ng mga problema sa isa't isa?

"Nagkukuwentuhan naman kami. Okay kami, girls talk talaga. ‘Tsaka nag-todo bonding talaga kami sa Canada, kasi nga kaming dalawa lang yung magkasama the whole time. Pero hindi ko naman masasabi na yung closeness namin ay gaya ng closeness nila ni Bianca [Gonzalez].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam ko naman na mas close sila ni Bianca, kasi sila, same manager [Boy Abunda] sila. ‘Tapos nagkukuwentuhan talaga sila to the max ng mga personal, alam mo yun? Kami naman, nagkukuwentuhan ng mga small stuff; pero not like problems or whatever. Hindi naman ganoon. Pero okey naman kami talaga," sabi ni Valerie.

Totoo ba ang balitang nagmumura si Mariel at ang madalas niyang murahin ang personal assistant o alalay niya?

"You know, it's ano, e, it's more of like an expression to her. It's nothing personal like parang she's really cursing the PA or whatever. No, walang 'mo' ‘pag nagmumura siya," pagtatanggol pa ni Valerie kay Mariel.

HOSTING CAPABILITY. Maraming nakakapansin na mahusay na host si Valerie sa Wowowee kaya posibleng mapansin siya ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at ma-nominate siya sa kategoryang Best Female TV Host. Kung sakaling mano-nominate nga si Valerie para sa nasabing kategorya, ano ang magiging reaction at mararamdaman niya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Mahihimatay ako pag ganoon!"natatawang sagot niya. "Actually, it would really be an honor for me kasi, kumbaga, parang sandali pa lang ako o bago lang lang ako na nagho-host ng isang program. Pero dun naman sa sandaling yun, ibinibigay ko yung ang 100 percent ko. I really give my best. Kung maa-appreciate yun ng mga tao... Kumbaga, kung mano-nominate ako ng ganoon, sobrang magiging happy talaga ako at baka nga himatayin ako."

Pero sa tingin niya ba ay effective siyang host?

"Hindi ko masasabi ‘yan," sagot ni Valerie. "Dapat ibang tao ang magsasabi, di ba? Kasi kung ako mismo ang magsasabi, siyempe sasabihin ko na magaling ako. So hayaan na lang natin na ang ibang tao ang mag-judge for me."

CRUSH ON JOHN LLOYD. Sa Banana Split ay nag-guest na si John Lloyd Cruz. Sobrang natuwa si Valerie dahil nakatrabaho niya ang award-winning young actor. Crush niya pala kasi ang ka-love team ni Bea Alonzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Simula nung lumipat ako sa ABS, naging vocal ako sa pagsasabi na si John Lloyd ang crush ko nung makita ko siya nang personal. So, gusto ko talaga siyang maka-work noon. ‘Tapos sa Wowowee ko lang siya nakikita ‘pag nagge-guest siya, ganoon. Pero not really sa acting na parang... Sabi ko, baka hindi ako makaarte ‘pag siya yung nakatrabaho o nakaeksena ko. Pero mabuti naman, nakaarte ako. Dream come true talaga para sa akin na nakatrabaho ko na siya," saad ni Valerie.

Sa October 11 na ang pilot episode ng Banana Split. Mula ito sa direksiyon ni Edgar Mortiz. Sa October 18 ay magkakaroon ng show si Valerie sa Zirkoh Timog. Kasama niya rito sina Richaed Poon, K Brosas, Mariel Rodriguez, Jed Madela, at marami pang iba.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung nagpaplastikan lang kami, how can we stand each other naman the whole day ng ilang araw, di ba? Basta alam namin sa sarili namin na hindi kami nagpaplastikan at wala na kaming pakialam kung anuman ang sinasabi ng ibang tao sa pagkakaibigan namin," says Valerie Concepcion about rumors that she and Wowowee co-host are just friendly on-cam.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results