Ang isa sa leading man ng GMA-7 na si Mark Anthony Fernandez ang naupo sa "Love Me, Hate Me, But Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central noong Linggo, October 5. Nakaharap naman sa kanya ang kanyang kaibigan na si Joko Diaz, pinsan niyang si Kagawad Richard Moreno at ang naging leading lady niya noon na si Sunshine Dizon.
For experience kaya raw siya nakaupo ngayon sa lie detector test. Pero aminadong medyo ninenerbiyos daw si Mark, kaya naman umpisa pa lang, "Lie" agad ang resulta ng pagsagot niya ng "No" sa tanong ni John "Sweet" Lapus.
"No" ang isinagot ni Mark nung tanungin siya kung siya ba ang pinaka-pasaway sa sikat na sikat na grupo nila noon nina Jomari Yllana at Eric Fructuoso na Guwapings.
Explain naman ni Mark, "Para sa akin, si Eric ang pinaka-pasaway. Kasi, ako, hindi ako nagta-tantrums, siya mahilig mag-tantrums, palaging nagagalit." Sinundan pa niya ng paliwanag na, "Siguro, kinakabahan talaga ko." Kung bakit daw "Lie" agad ang lumabas na resulta ng lie detector machine.
JEALOUSY ISSUE 1. Sa ikalawang tanong, noong time daw ba na hindi pa sila ikinakasal ng wife niyang si Melissa, totoo raw bang nagselos ito kay Sunshine noong sila ay magkasama pa sa Impostora?
Mark's answer is "No" but again, the lie-detector result was "Lie."
Paliwanag uli ni Mark, "Sa naalala ko pa talaga, parang hindi nga... Generally, parang hindi. So, sinabi ko, hindi."
Sweet asked, kung si Melissa raw ba ang tipo ng misis na selosa?
"Parang more than usual, hindi. Siya pa nga yung gusto akong maging guwapo para pagharap ko kay Sunshine or sa mga leading ladies ko, presentable raw ako," sagot naman ng guwapong anak ni Alma Moreno.
Sey naman ni Sunshine, "Actually, hindi! Wala naman akong nabalitaang ganoon. At wala namang dapat pagselosan. Mark and I are very good friends only. I met Melissa already noong birthday ni Mark and she's very nice."
PAST LOVES. Sa moderate level questions, totoo bang nag-away sila ni Joko Diaz nang tangkain niyang agawin noon si Ana Roces na at that time ay nililigawan ni Joko? Again, after answering "No," lie ang lumabas na resulta.
"May sasabihin po ako, huwag po kayong maglilipat ng channel, mamaya po ie-explain ko po lahat," biro niya. "Break na po kami ni Ela [real nickname ni Ana] noon. Wala pa kaming closure, kumukuha pa ‘ko ng closure."
Ayon naman kay Joko, "Matagal nang tapos ‘yan. Maganda na ang buhay namin ngayon."
Ikalawang tanong under the moderate level: Noong sila pa ni Claudine Barretto, sumagi ba sa isip niyang si Claudine na nga ang babaeng pakakasalan niya?
"No," ang sagot ni Mark na finally ay sinang-ayunan naman ng lie-detector machine.
"Meron akong ibang priorities noong mga panahong yun. Iba pa ang mga plano ko noon. Mga gusto kong gawin."
JEALOUSY ISSUES 2. In the difficult level questions, Sweet called Mark's leading lady in Kim Samsoon na si Regine Velasquez para siyang personal na magtanong nga kay Mark. Regine asked kung kapag magkakasama raw ba sila ng boyfriend nito na si Ogie Alcasid, sumagi ba sa isip ni Mark na baka naiilang si Ogie sa kanya dahil nagseselos ito?
Mark said, "Yes," which yielded the result "Truth."
Si Regine ang nagsabing, "Siguro, parang nahihiya lang siya. Bilang kuya nga niya si Ogie at ako naman, Tiyang...Ha-ha-ha!"
Sey naman ni Mark, "Ako kasi, naiilang ako minsan. Siyempre alam ko, si Ogie, si Ms. Regine, couple. ‘Tapos nagiging Cyrus na ‘ko, si Ms. Regine si Kim. Parang yun na ang tingin sa amin. So, naiilang ako do'n. Kasi, parang nadadala na ng tao sa amin. Pero siyempre, well-understood na yun ni Kuya Ogie at ng maraming tao rin naman."
Then, Sweet asked Regine kung inaamin daw ba ni Ogie sa kanya kung nagseselos nga ito?
"Actually, hindi... Kasi, sinasabi ko naman sa kanya. Sinasabi ko rin sa kanya kung may mga mga ganoong eksena. Sinasabi naman niya na okey lang yun. At saka, ang pangit naman kung pinagbabawalan ka ng dyowa mo, ‘di ba?"
Si Mark naman ang binalingan ni Sweet, "E, si Melissa, nagseselos ba kapag napapanood ang mahabang kissing scenes n'yo ni Regine?"
Sagot ni Mark, "Ay, hindi. Kasi si Songbird...si Songbird talaga sa kanya. Hindi nagiging Kim Sam Soon."
MOMMY'S DEBTS. The second question in the difficult level: Last week na sumalang naman sa lie-detector test si Alma Moreno, was it really true na siya raw ang nagbabayad ng mga diumano'y utang ng mommy niya?
Mark's answer is no and the lie-detector machine agreed. Pero nag-follow-up si Sweet tungkol sa tanong, dahil lately raw, nasa mga diyaryo na naman ang mommy niya regarding that issue. Tanong ni Sweet kay Mark: nakapag-emote ba ang mommy niya sa kanya?
"Hindi siya nag-emote. Sabi niya, parang old issue na binubuksan. I think, siguro, another detraction from her detractors. Pero, hindi siya umiyak. At saka, hindi pa naman umabot na nagbigay talaga ‘ko ng money. Nagbibigay ako, pero, gift lang talaga."
NOW OR NEVER QUESTION. Nang dumating na sa "Now or Never Question," tinanong si Mark ni Sweet, "You've reached a very inspiring status as an artista. Pero, bago mo nakamit ‘yan, hindi naman kaila sa taong bayan ang mga pinagdaanan mo na siyang humubog sa pagkatao mo.
"Sa harapan ng pinsan mo na si Kagawad Moreno, naramdaman mo ba na noong araw ay nagkulang ng pag-aaruga ang pamilya mo sa ‘yo noong panahong ikaw ay naliligaw ng landas?"
"Feeling ko lang, yes..."
And the lie-detector machine agreed on Mark's answer.
Ayon pa kay Mark, "Hindi naging masyadong malinaw. Pero sa tingin ko, kahit walang masyadong salita, nagkaintindihan na rin kami. Like si Papa [ang yumaong si Rudy Fernandez], si Mama, si Richard na rin... Parang ganoon, nagkaintindihan na rin. Parang hindi na kailangang pag-usapan further."
Nagsalita naman si Richard, "Actually, nakatira kami sa bahay ni Lola. Lahat naman kaming magpipinsan, si Lola ang nagpalaki sa amin. At that time, that was a few years na kamamatay lang din ng lola namin. May kanya-kanya kaming pinagdadaanan. Pero pare-pareho kaming nagkikita sa bahay na yun at nagri-release kami ng emotions namin on our own way. But as a family, ang itinuro sa amin ng lola namin, ang pinaka-importante, pamilya. Basta magkakasama kayo, kahit anong damdamin n'yo, malalampasan n'yo."
John asked Mark kung sa palagay raw ba nito, yung mga pinagdaanan ni Mark ang nakapagpatibay dito bilang tao, bilang actor?
"Also, Sweet...kumbaga, yung mga pinagdaanan ko na yun, nakatulong din siya. Nakabuti rin naman. Nakalawak sa pag-iisip ko at nakaragdag sa talino ko."
And the result of Mark Anthony Fernandez's lie-detector test: An even three "lies" and three "truths."
