Dingdong Dantes on relationship with Marian Rivera: "It's getting better habang mas tumatagal."

Rose Garcia
Wednesday, October 08, 2008 @ 10:34AM  |  89 views

 

"Ngayon pa lang, nakaka-miss na kasi noong ending, exciting na lahat ng nangyayari. So, naging very active ang character ng lahat ng tao. Like ngayon, may mga eksenang ganito, di ba? So, ito ang mga things na mami-miss ko, like yung pagte-taping namin sa Palawan kung saan una naming kinuhanan ang mga underwater scenes," says Dingdong Dantes about what he'll miss about Dyesebel.

Photo By: Glen Sibonga













Sa isang linggo niyang pag-alis ngayon, may mami-miss kaya siya rito sa Pilipinas?

"Oo, marami akong mami-miss," sambit niya. "Pero siyempre, mas gusto kong mas okey sa akin dahil first time kong makakasama ang mommy ko na kaming dalawa lang. So, marami akong mami-miss, pero I'm looking forward also sa trip na ito."

Sa pag-alis niya, may halong "soul searching" ba ang gagawin niya?

"No, it's more on ano talaga, sasamahan ko lang ang mommy ko."

Sa palagay niya ba may dapat siyang i-soul searching habang nasa ibang bansa?

"Hindi naman kailangang lumayo para mag-isip. Nandito lahat ng kasagutan," sabi ni Dingdong.

Usap-usapan kasi sa loob at labas ng showbiz na break na diumano si Dingdong at ang girlfriend niya na si Karylle. Si Marian din daw ay tinapos na ang relasyon sa nababalitang boyfriend niya na si Ervic Vijandre.

Ang balita pa ay nagkakamabutihan na sina Dingdong at Marian dahil na rin sa tagal nilang magkapareha sa kanilang mga proyekto. Pero sa ngayon ay wala pang gustong magsalita sino man sa mga taong sangkot sa isyung ito.

NEW SOAP WITH MARIAN. Excited na rin ba si Dingdong na sa pagtatapos ng Dyesebel, sa maikling panahon lang din ay sisimulan na nila ni Marian ang ikatlong soap nila together, ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang?

"Oo! In fact, kanina nag-usap na kami ni Ms. Lilybeth Rasonable [GMA-7's VP for Drama] at in-explain na niya kung ano ang mga mangyayari. So maganda, maganda! Na-excite ako!

Bagamat heavy drama ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, ayon kay Dingdong, "May mix of suspense and a little bit of action. So, ano siya, modern-day problems. Yung matured side naman namin ni Marian ang mapapanood nila. Mas seryoso ng konti, mas totoo. Hindi siya fantasy dahil, kumbaga, one level up in terms of seriousness."
« Prev  1  2  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name