PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Survivor" castoff Emerson Diño defends his behavior on the island

Emerson denies cursing Naak tribemate Vevherly.
by Ruel J. Mendoza
Published Oct 9, 2008
"Kung kilala lang nila kung sino ako, maiintindihan nila ang mga kinikilos ko sa Survivor. Contest kasi ito at kailangan may kanya-kanya kaming diskarte. Nagkataon lang na yung diskarte ko ay napaaga kaya ako ang naapektuhan. Hindi ko naman sila masisisi kung sabihin nila na traydor ako o sinungaling ako. Yun ang opinion nila, e. Tatanggapin ko na lang, pero masasaktan ako," says Survivor Philippines castoff Emerson Di

Nakapanayam din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pangalawang natanggal sa Survivor Philippines na si Emerson Diño sa taping ng The Sweet Life noong Martes, October 7, sa GMA Network Center.

Ang 32-year-old sewing machine technician na taga-Caloocan City ay nabansagan ng maraming televiewers bilang "traydor" at gustong i-manipulate ang dalawang grupo para hindi siya ma-vote out. Pero sa bandang huli ay siya ang natanggal at may mga hindi pa magagandang sinabi ang kanyang mga katribo sa Naak tungkol sa kanya.

Inamin ni Emerson na sobra siyang na-bother sa mga komento na natatanggap niya noong makauwi na siya ng Pilipinas. Noong mapanood nga raw niya ang episode ng kanyang pag-alis sa isla, bumalik daw ang pagiging emosyal niya dahil para sa kanya, wala siyang plano na mang-isa o manglamang ng kanyang mga katribo.

"Kung kilala lang nila kung sino ako, maiintindihan nila ang mga kinikilos ko sa Survivor. Contest kasi ito at kailangan may kanya-kanya kaming diskarte. Nagkataon lang na yung diskarte ko ay napaaga kaya ako ang naapektuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko naman sila masisisi kung sabihin nila na traydor ako o sinungaling ako. Yun ang opinion nila, e. Tatanggapin ko na lang, pero masasaktan ako," pahayag ni Emerson.

Ang hindi nga lang daw na matanggap ni Emerson ay ang paratangan siya ng isang castaway na si Vevherly Gador na minura-mura siya nito noong isang challenge nila. Pinabulaanan ni Emerson ang kuwentong ‘yon ni Vevherly.

"Wala akong matandaan na minura ko siya noong ginawa namin yung isang challenge," giit ni Emerson. "Marami kaming sumisigaw noon at paano niya masasabi na ako ang nagmura sa kanya?

"Ang alam ko lang na time na nagtaas ako ng boses sa kanya was after the challenge. Ang nasabi ko lang sa kanya ay kung ano ba ang problema niya. Malakas yung boses ko kasi may mga sinisisi siya. Noong mapanood ko nga na umiiyak siya at sinasabi niya na minura ko siya, nagulat ako kasi wala akong alam na may ginawa akong gano'n sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kung nalaman ko lang na may sinabi siyang gano'n that time, ipagtatanggol ko ang sarili ko. Kaya siguro ako naging negative sa maraming tao dahil siguro sa mga napanood nila na sinabi ni Vevherly. Hindi ko alam kung nagda-drama lang ba siya para may maawa sa kanya at lumabas na masama ako. Yun siguro ang diskarte niya.

"Kung mabibigyan ako ng isa pang pagkakataon, I will defend myself sa mga maling accusations ni Vevherly sa akin kasi wala akong ginawa sa kanyang masama."

Ikinuwento ni Emerson na tatlong beses siyang pumila sa audition ng Survivor Philippines. Iyon lang daw ang naisip niyang paraan para maiahon niya sa hirap ang kanyang pamilya. Nagbakasakali siya naa suwertehin siya sa pagsali sa contest.

"May negosyo kasi kami na nagsara dahil nawalan kami ng pera. Noong mapanood ko ang audition for Survivor Philippines, naisip ko na sumubok at baka mag-iba ang takbo ng buhay namin. Tatlong beses akong pumila at sa awa ng Diyos, nakapasa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi nga ako nagpaalam nang maayos sa pinagtatrabahuan ko kasi bawal ipagsabi na kasali ako sa show. So, parang na-AWOL [absence without leave] ako hanggang sa tinanggal na ako. ‘Tapos napanood nga nila ako sa Survivor Philippines, doon nila nalaman bakit ako biglang nawala," lahad niya.

Sinusubukan daw ni Emerson na makabalik sa dati niyang trabaho. Pero artista na raw ang turing sa kanya ng dati niyang boss.

"Nakikiusap nga ako na kung puwedeng mabalikan ko ang dati kong trabaho. Sinasabi sa akin na huwag na raw at celebrity na raw ako. Magpa-picture na lang daw kaming dalawa!" sabay tawa ni Emerson.
Read Next
Read More Stories About
Survivor Philippines
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung kilala lang nila kung sino ako, maiintindihan nila ang mga kinikilos ko sa Survivor. Contest kasi ito at kailangan may kanya-kanya kaming diskarte. Nagkataon lang na yung diskarte ko ay napaaga kaya ako ang naapektuhan. Hindi ko naman sila masisisi kung sabihin nila na traydor ako o sinungaling ako. Yun ang opinion nila, e. Tatanggapin ko na lang, pero masasaktan ako," says Survivor Philippines castoff Emerson Di
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results