PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Valerie Concepcion clarifies "sipsip" issue about Willie Revillame

Valerie is on the lookout for a house.
by Glen Sibonga
Published Oct 10, 2008
"I think nakita niya siguro yung love for my work because of my daughter. So, parang lagi niya akong ina-advise noong umpisa pa lang na, ‘O, magtrabaho kang mabuti, para sa anak mo yan.' Ganun. Doon ko siya ni-love. Kasi si Kuya [Willie], para talagang family, kuya talaga," says Valerie Concepcion about Wowowee host Willie Revillame.

On the go talaga ang career ni Valerie Concepcion ngayon. Bukod kasi sa pagiging regular co-host ng Wowowee ay mapapanood na rin siyang magpatawa sa October 11 sa bagong all-female gag show ng ABS-CBN, ang Banana Split. Kasama niya rito sina Cristine Reyes, Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, RR Enriquez, Princess Ryan, at Dianne Medina. Kaya naman wala raw pagsisisi on her part nang lumipat siya sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

"Wala po talagang pagsisisi," diin ni Valerie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during her launch bilang endorser ng energy drink na Energo last October 8 sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Patuloy niya, "Malaki nga po ang pasasalamat ko sa ABS sa pagtitiwalang ibinibigay nila sa akin para maging bahagi ng kanilang mga shows. At saka love na love ko po yung mga shows na ibinigay nila sa akin. Kung araw-araw napapanood n'yo ang high energy ko sa pagho-host sa Wowowee, sa Banana Split naman ay mapapanood n'yo ang high energy naming pagpapatawa nina Cristine, Roxanne, Angelica, and with the rest of the girls."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ISSUE ABOUT WILLIE. Kamakailan ay naintriga si Valerie tungkol sa pagsisipsip umano niya kay Willie Revillame sa pamamagitan ng pagdadala ng ulam araw-araw sa host ng Wowowee.

Nasagot na niya ito sa mga showbiz talk shows at inulit lang niya sa Energo presscon ang kanyang paliwanag na hindi lang si Willie ang dinadalhan niya ng ulam kundi pati ang iba pang co-hosts at staff ng Wowowee. Wala naman daw siyang nakikitang masama rito.

Nakiusap pa nga siya na sana ay huwag nang intrigahin pa ang pagiging close niya kay Willie. Napakabait daw nito sa kanya at sa katunayan ay madalas siyang payuhan nito.

"I think nakita niya siguro yung love for my work because of my daughter. So, parang lagi niya akong ina-advise noong umpisa pa lang na, ‘O, magtrabaho kang mabuti, para sa anak mo yan.' Ganun. Doon ko siya ni-love. Kasi si Kuya [Willie], para talagang family, kuya talaga," lahad ni Valerie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kuya" rin ang tawag ni Cristine Reyes kay Willie, at close sila. Since isa si Valerie sa mga co-host ng Wowowee, na-witness ba niya ang closeness na ito nina Cristine at Willie?

"Oo, na-witness ko," pag-amin niya. "E, kasi si Cristine, sweet din naman na bata, e. Pero yung isyu na naghahabulan daw sila ni Kuya, wala naman akong na-witness na ganun. I cannot speak for it, kasi hindi ko naman yun nakita."

Nakasakay na ba siya sa bagong yate ni Willie?

"Of course!" sambit niya.

Sinu-sino sila?

"Lahat ng hosts, buong staff [ng Wowowee]. Actually, nakapunta na rin ako sa Tagaytay rest house ni Kuya. Nakapag-jacuzzi ako. Pero kasama namin ang buong staff dahil doon ginawa ang Christmas party namin. ‘Tapos, ‘eto naman sa yate, pumunta kami sa Punta Fuego sa Batangas kasi nagkaroon kami ng parang team building sa Wowowee. One day lang yun," kuwento ni Valerie.

Biniro pa ng ibang press si Valerie na siguro kasama na siya sa last will and testament ni Willie dahil lahat daw ng close sa TV host ay kasama doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana!" sabay natawa nang malakas si Valerie. "Sabi ko nga, e, ‘Kuya ano ang ipapamana mo sa akin? Puwede ba yung bahay mo na lang?' E, di ba naghahanap ako ng bahay ngayon."

LOOKING FOR NEW HOME. Speaking of bahay, wala pa rin daw nakikitang bahay na lilipatan si Valerie.

"Wala pa nga po, e. May nakita na kami before kaya lang nagkaroon ng conflict kaya hindi natuloy. Kaya naghahanap ako ulit. I want something na may 3-4 bedrooms, ‘tapos may attic, ‘tapos may closet, para nandun yung sapatos, damit, lahat-lahat. Gusto ko yung malapit sa ABS. Kasi ngayon, malayo yung tinitirhan ko sa Tayuman, Manila, e. Apartment po siya, at since birth doon po kami nagre-rent."

Target daw na halaga ng bahay na hinahanap ni Valerie ay P7 million. Ayaw raw niya ng townhouse, gusto niya ay bahay talaga. Kung matutuloy ang pagbili niya ng bahay, ito raw ang first time na lilipat sila at big move daw ito dahil yung apartment nila sa Tayuman, yun na raw ang tinitirhan ng parents niya simula pa noong magpakasal ang mga ito," sabi ni Valerie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FIONA'S BIRTHDAY. Kinumusta rin ng PEP ang anak ni Valerie na si Fiona.

"Ayun, nag-school na siya, nakakatuwa siya. Nasa Nursery na siya. Magpo-four years old na siya sa October 25. Malapit na yung birthday niya."

So, pinaghahandaan na pala niya ang birthday ni Fiona? Ano ang plano niya sa party nito?

"Tinatanong na nga namin siya kung anong gusto niya sa birthday niya. Gusto raw niya Cinderella yung theme ng party. Iniisip pa namin."

TOP 20 ENDORSERS. Samantala, hindi na rin pahuhuli si Valerie pagdating sa product endorsements. Sa pagdating nga nitong Energo Energy Drink, may total of three active endorsements na siya na kinabibilangan din ng Slenda at Meg clothing. Dati rin siyang naging endorser ng MET.

Swak na swak na endorser si Valerie ng Energo dahil isa siyang perpektong halimbawa ng isang taong always on the go. Kitang-kita naman na kahit marami siyang proyektong ginagawa ay aktibong-aktibo pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging usap-usapan kamakailan yung paglalabas ng YES! magazine ng Top 20 Celebrity Endorsers. Sa unti-unting pagdami ng product endorsements ni Valerie, wish niya rin bang makapasok sa Top 20 list, maybe next year?

"Siyempre, it will be an honor for me. At saka kapag nasama ako doon, ibig sabihin, maraming-marami na akong pera!" sabi ni Valerie sa PEP sabay tawa nang malakas.

So, aware din ba siya sa naging intriga na nagpoprotesta raw ang mga fans ni Angel Locsin, na kasama niya sa management ni Becky Aguila, tungkol sa lumabas na listahan?

"I heard about it, pero wala naman akong maiko-comment. Basta ako, masaya ako para kay Angel sa mga projects na ginagawa niya ngayon. Abangan n'yo may movie sila ni Piolo [Pascual]," pagtatapos ni Valerie.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I think nakita niya siguro yung love for my work because of my daughter. So, parang lagi niya akong ina-advise noong umpisa pa lang na, ‘O, magtrabaho kang mabuti, para sa anak mo yan.' Ganun. Doon ko siya ni-love. Kasi si Kuya [Willie], para talagang family, kuya talaga," says Valerie Concepcion about Wowowee host Willie Revillame.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results