May valid reason naman si LJ Reyes kung bakit siya tumanggi na magsabit ng bulaklak sa Ateneo Blue Eagles team, sa pangunguna ni Chris Tiu, noong Linggo, October 5, sa SOP kasama ng ibang Kapuso female stars did.
Ito ay dahil nag-aaral siya sa La Salle, where she is now taking up Economics and Finance.
"Kasi dapat, ako ang muse ng La Salle. Siyempre, parang respeto ko naman sa La Salle kasi school ko yun, di ba? ‘Tapos, sasabitan ko ang Ateneo?" paliwanag ni LJ nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa compound ng GMA Network Center.
Bakit hindi siya nag-muse?
"Tinanong nga nila ako, kaso hindi talaga ako pupuwede. Gusto ko namang mag-muse. Siyempre, school ko yun. Parang isang honor din naman sa akin yun kung magmu-muse ako ng La Salle. Actually, proud nga ako na tinanong nila ako, e. Sayang nga, e. So, mahiya naman ako, di ba, kung magsasabit pa ko for Ateneo?" pagbibigay linaw pa rin niya.
A DIFFERENT LJ. Sa afternoon soap ng GMA-7 na Una Kang Naging Akin, mapapanood naman daw siya ng mga tao bilang kontrabida.
"Naku, dyusko, sasama na naman ako! E, di ba, bumait na ako? Wala na, masama pala talaga ang ugali ko! Inggitera pala talaga ako!" natatawang biro niya tungkol sa kanyang role.
Ayaw patulan ni LJ ang pang-iintriga na may mga eksenang tila nasasapawan niya si Maxene Magalona.
"Hindi ah, sobra naman kayo!" sambit ni LJ. "Hindi naman... Siguro kasi, yung role ko kasi, yung character ni Liway, masyadong strong lang. So, kapag pinanood mo sa TV, feeling mo, nasasapawan si Maxene. Iba kasi ang character ko, e. Alangan namang kontrabida ka ‘tapos hindi mo ginalingan, di ba?"
Aminado naman si Maxene na pagdating sa crying scenes, medyo hirap siya.
"Actually, mas nakapag-adjust na siya ngayon," sabi naman ni LJ. "Aminado naman siyang hindi niya forte yung drama, yung ganoong pag-arte. Nagulat din siya na sobrang drama talaga. Hindi lang siya sanay na sa isang araw iyak ka nang iyak. Nagulat lang talaga siya, but it takes time naman para ma-adjust ka sa ganoong klaseng role."
Sa aspetong yun, nagsusuportahan naman daw silang dalawa.
"Oo naman! May isang eksena nga na aapihin ko siya. Ang nangyari, api talaga! Isang beses nasampal ko siya at yung sampal ko sa kanya, naging totoo. Nag-sorry ako sa kanya. Mabait naman kasi si Max at alam naman niyang trabaho lang talaga yun."
WORKING WITH HER EX. Sila ni Alfred Vargas, kumusta naman sila ngayong magkasama na silang dalawa sa isang soap?
"Okey naman kami. Walang problema. Sabi nga nila sa amin, ‘Uy, magkakabalikan!' Sabi ko, ‘Hindi, ‘no!' Sabi pa nga sa akin ni Max at saka ni Ate Angel [Angelika dela Cruz], ‘Mabuti at nakakapagtrabaho kayo nang maayos, e, di ba, ex?'





