PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo distances himself from love, focuses on "Gagambino"

Dennis maintains ex-girlfriend Carlene Aguilar had no part in his breakup with Cristine Reyes.
by Archie de Calma
Published Oct 10, 2008
"Tahimik lang talaga ako, at naka-focus kasi ako sa trabaho. Ayoko lang maging masyadong close. Kasi, alam mo na... iwas na lang sa tsismis. Pag sa eksena naman, ibinibigay ko ang lahat. Kung wala lang take, nasa isang sulok lang ako," says Dennis Trillo about how he focuses on his work.

Sa maniwala man o hindi ang marami kay Dennis Trillo, talagang out na muna ang matters of the heart sa mga usapin tungkol sa kanyang buhay ngayon. Naka-focus daw talaga siya sa kanyang career, lalo na't nariyan na ang Gagambino na pagbibidahan niyang muli sa GMA-7.

Si Katrina Halili nga na napaka-sexy na't leading lady uli niya sa nabanggit na bagong teleserye ng Siete, ginawa na raw ang lahat para mapalapit kay Dennis, pero wala itong effect sa kanya.

"Tahimik lang talaga ako, at naka-focus kasi ako sa trabaho!" natatawang sabi pa ni Dennis. "Ayoko lang maging masyadong close. Kasi, alam mo na... iwas na lang sa tsismis. 'Pag sa eksena naman, ibinibigay ko ang lahat. Kung wala lang take, nasa isang sulok lang ako."


Kailangang i-maintain na ni Dennis ang kanyang ruggedly handsome look para sa Gagambino. For a change, matinding action ang gagawin niya rito na pang-aliw, hindi lang sa mga bata, maski sa adults din na manonood nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, ito na muna ang pinagkakaabalahan niya pagkatapos na pumatok sa takilya ang Mag-ingat Ka Sa... Kulam na pinagsamahan nila ni Judy Ann Santos para sa Regal Entertainment.

"Pagdating sa lovelife, hindi naman ako naghahanap," sabi pa ng aktor. "Mas maganda yung dumarating na lang. Sa ngayon, wala pa talaga."

JUST PARTS OF HIS PAST. Ipinahayag ni Dennis sa victory party na ginanap para sa Kulam, sa Imperial Palace Palace, Quezon City, na part of the past na lamang sa buhay niya sina Carlene Aguilar at Cristine Reyes.

"Lahat naman kami, masaya na, e," sabi ni Dennis. "Mabuti nga, tahimik na rin sa wakas.

"Sinabi na nga namin ni Cristine na nag-split na. So, for the record, nag-on na nga kami, pero ngayon, wala na. Kaya sana, paniwalaan na kaming wala na talaga dahil sinabi na namin, finally. Yun na 'yon. Kaya kung may mga maniniwala pa ring mag-on pa rin kami, wala na akong magagawa pa roon," napapailing na lang si Dennis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

EVERYONE'S HAPPY. Dahil sa kanilang breakup, palagay raw ni Cristine, magiging masaya at tahimik na rin si Carlene.

"Ah, ganoon ba? Kaya nga nasabi kong happy na rin ang lahat. Okey na yun. Kung anuman ang kinahinatnan ng relasyon namin ni Cristine, walang kinalaman si Carlene doon. Desisyon naming pareho ni Cristine yun," ani Dennis.

Nakikipag-date na raw sa iba ang ina ng anak niyang si Calix.

"Uy, karapatan niya yun. Wala na kami, and she deserves to be happy. Dapat, dati pa niyang ginagawa yun.

"Kung sa lovelife, kulang talaga ako. Pero hindi ko nga hinahanap. Happy naman ako dahil magaganda ang nangyayari sa career ko. Enough na itong mga nangyayari sa buhay ko para maging masaya ako," sabi ni Dennis.

Read Next
Read More Stories About
Dennis Trillo
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tahimik lang talaga ako, at naka-focus kasi ako sa trabaho. Ayoko lang maging masyadong close. Kasi, alam mo na... iwas na lang sa tsismis. Pag sa eksena naman, ibinibigay ko ang lahat. Kung wala lang take, nasa isang sulok lang ako," says Dennis Trillo about how he focuses on his work.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results