PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo on Heart Evangelista: "Professional, maganda, mabait. Lahat na, e, nandoon!"

Dennis pleaded with the press, don't ask Carlene Aguilar and Cristine Reyes questions.
by Rose Garcia
Published Oct 10, 2008
"Mas lalo ko siyang nakilala, so, mas lalo ko siyang hinangaan dahil masaya siyang katrabaho," Dennis Trillo raves over Heart Evangelista.

Hindi man ipakita ang pagkaumay o direktang sinasabi ni Dennis Trillo sa entertainment press na tigilan na ang paulit-ulit na lang na mga tanong sa kanya tungkol kina Carlene Aguilar at Cristine Reyes, pabirong nakiusap na lang siya na kung puwede nga raw ay iba na lang ang pag-usapan.

Katuwiran niya, past issues na sina Carlene at Cristine, and everyone has moved on.

Kitang-kita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na parang nag-iba ang mood niya when we shifted the line of questioning from the two C's (Carlene and Cristine) na naging bahagi ng buhay niya, to Heart Evangelista na recently ay nakapareha niya for the first time, sa isang Dear Friend episode. Bigla siyang napa-"'Yan! ‘Yan na lang!" nang nakangiti.

LET'S TALK ABOUT HEART. Natuwa si Dennis dahil sa mga nakarating sa kanyang comments na may chemistry pala silang dalawa ni Heart.

"Alam n'yo, looking forward ako na makagawa ng maraming projects na kasama siya. Kasi, marami nga ang nagsasabi, sa mga kaibigan ko at mga nakapanood ng ginawa naming Dear Friend, na maganda raw ang story at may chemistry raw kami sa screen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana nga, manganak pa ng maraming projects," sey pa niya.

Masasabi na ba niyang hindi na siya naiilang sa dalagang former Kapamilya?

"Oo. Kasi dati, although magkasama kami sa S.O.P., naiilang talaga ‘ko sa kanya. Nahihiya akong lumapit. Nahihiya akong kausapin siya. Pero after ng episode ng Dear Friend, mas okey na kami."

Dennis didn't disclose the fact na yung chemistry na nakita sa kanila ni Heart ay puwede rin daw hindi lang onscreen. Aniya, "We'll never know. We'll never know kung ano ang puwedeng mangyari sa future. Although sa ngayon kasi, trabaho muna talaga ang focus ko."

So, posible na ligawan niya si Heart, if given the chance, especially now na sinasabi nga nilang pareho silang single?

"Puwede... Posible yun, pero, ayokong pilitin. Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari, di ba? Sigurado naman na marami pa kaming projects na puwedeng gawing dalawa."

Bumalik ba ang pagkakaroon niya ng crush kay Heart when he finally worked with her?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Mas lalo ko siyang nakilala, so, mas lalo ko siyang hinangaan dahil masaya siyang katrabaho. Professional, maganda, mabait. Lahat na, e, nandoon!"

Yun nga lang, kung sinasabi man ni Dennis na marami pa silang projects na puwedeng pagsamahan ni Heart dahil sa katotohanan na rin siguro na pareho silang Kapuso, siguradong hindi pa ito mangyayari sa ngayon. Meron pa kasing Gagambino si Dennis, kunsaan kapareha niya sina Katrina Halili at Nadine Samonte, habang si Heart naman will start Luna Mystica opposite Mark Anthony Fernandez.

SILENT BUT "DEADLY." Sa huli, we asked Dennis kung sa palagay niya kaya, ang pagiging man of few words niya ang isa sa major attraction niya sa girls?

"Well, hindi naman lahat ng babae gusto yung tahimik na lalaki. Siguro, nagkakataon lang na yung mga natitiyempo sa akin, gusto nila, ganoong tipo. Pero, hindi naman lahat gusto ganoon, e."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mas lalo ko siyang nakilala, so, mas lalo ko siyang hinangaan dahil masaya siyang katrabaho," Dennis Trillo raves over Heart Evangelista.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results