"Yeah, there was a time na financially, I wasn't okay. I'm just lucky na okey yung Dad ko and everything. Siyempre, naubos na rin yung naipon ko. Actually, hanggang ngayon, pag minsan, nakakahingi pa rin ako sa Papa ko. Parang ang hirap din, e. Siyempre nakakahiya rin. Nasanay din ako na I have my own money. Pero naisip ko naman, at least natapos na ‘ko at ngayon, ready na ako ulit to work."
Dugtong pa niya, "Feeling ko nga, mas okey. Kasi, mas naa-appreciate ko ang production staff and everything because I was employed as a regular employee. Ngayon, ang feeling ko, parang ang kapal naman ng mukha ko dati na magrereklamo na late matapos.
"Kaya kapag may mga tao akong nakakatrabaho na nagrereklamo...I feel like, ‘God, if these people only knew,' parang...di ba? Yun, it made me a better person and I appreciate things now.
"First job ko kasi, acting, so, no sense of comparisons. Minsan magrereklamo pa kami na puyat na kami, nag-iinit ang ulo. E, paano yung sa production na mas maaga pa sila sa set at mas late pa silang aalis at wala silang time na matulog? Kaya yun, sobrang I value them."
MARRYING PHASE IS PAST. Napa-"Excuse me!" siya at natatawang sabi na, "Anong akala mo sa akin?!" nang sabihin ng PEP na those days na nag-lie-low siya, we thought, puro lovelife lang ang inatupag niya.
But she admitted na prior to her friend Cheska Garcia's marriage with Doug Kramer, siya talaga yung dating may planong magpapakasal na.
"Yeah, that's true... Pero grabe, 22 pa lang ako no'n, ‘tapos naisip ko na magpakasal na! Ha-ha-ha! Ang kapal ng mukha ko! Parang for how many years, palagi akong nasa marrying mood. Na gusto ko nang magpakasal. Gusto ko nang magpakasal!
"I passed that. Ngayon lang yung sobrang, I'm enjoying my life and I wanna focus on my career and whatever I want to do, I'll stick to it. More on career ako ngayon."
SINGLE BUT HAPPY. Sa ngayon, she's single raw for nine months and she even asked us, while laughing, to congratulate her.
"Wala akong lovelife, but I have a lot of friends."
More on Fil-Am pa rin daw ang kadalasan niyang nami-meet, that's why we told her, parang sobrang attracted talaga siya sa mga Filipino-Americans.
"Maybe because, doon ako lumaki sa States. Kasi, yung only serious boyfriend ko na Pinoy na laki rito, si Diet [Diether Ocampo], yun lang!
"Na-trauma ko sa Pinoy? Ha-ha-ha! Hindi...joke lang! Maybe because yung mga circle of friends ko, mga Fil-Am din."
Right now, LJ is just happy to be back and acting again.





