Isabel Granada plays a shaman or babaylan in the
new GMA-7 show La Lola. Isabel recently went through a very delicate
operation to extract ovarian myoma. She and her husband Geryk Genaski are planning to have their second baby.
Isabel Granada up and well after ovary operation
Saturday, October 11, 2008
01:50 PM
Nagpapasalamat si Isabel Granada na naging maayos ang major surgery na pinagdaanan niya kamakailan.
May tinanggal na myoma (tumor) sa kanyang ovary kaya dumaan daw siya sa mala-caesarian surgery. Para nga raw siyang nanganak sa ginawang operasyon.
Sey ni Isabel, matagal na raw kasi na na-detect na meron siyang myoma. Dinaan daw muna niya sa pag-inom ng gamot at baka gumaling siya. Pero hindi nga raw naging effective ang medication.
"At first, siyempre, natakot ako. Hindi ako sanay na naooperahan. Pero kailangan na kasing gawin iyon or else things will get worse. Gusto pa naman ni Geryk [Genasky, her husband] na magkaroon pa ng isa pang baby, kaya kailangang alisin na yung myoma.
"Sa tulong naman ng mga dasal mula sa pamilya at mga kaibigan, mabilis ang naging recovery ko. Sabi ng doctor ko na okey na ang lahat and I can still get pregnant. Wala naman daw naging complications sa area na iyon.
"After the operation, nagpahinga ako ng almost two months. Hindi muna ako tumanggap ng trabaho. Mabuti na lang at maaga natapos yung last show ko na Kaputol ng Isang Awit before ako naoperahan. Kaya nakapagpahinga ako nang husto."
Tamang-tama lang daw ang pagdating ng La Lola dahil handa na nga raw magtrabaho si Isabel ulit. Nabu-bore na raw kasi sa bahay si Isabel at mas gusto niya yung may pinagkakaabalahan siyang trabaho.
"Hindi kasi ako sanay na nasa bahay lang. Kahit na nga noong buntis ako kay Hubert noon, I was still working. Ewan ko, siguro nasa katawan mo na rin iyon. Madali akong ma-bore kapag nasa bahay lang ako. Gusto ko parating may ginagawa.
"Kaya siguro rin hindi ako tumaba after I gave birth to my first baby. Mabilis ako naka-recover kasi nga sa sobrang active ko. I'm still into sports kasi, kaya hindi ako tabain. Kaya noong dumating ang role na Tala in La Lola, natuwa ako kasi may trabaho na naman tayong pagkakaabalahan."
Isa nga si Isabel sa gaganap na mga babaylan na magpaparusa kay Lalo (played by Wendell Ramos) para maging si Lola (Rhian Ramos). Ang iba pang gaganap na shaman ay sina Jewel Mische at Iza Calzado.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 8): Four new shows make strong impact on the ratings game HOT
- Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca
- Richard Gutierrez and PEP finally find peace HOT
- Angelica Panganiban wants to settle down with boyfriend Derek Ramsay someday
- Sam Milby has separate projects with Anne Curtis and Maja Salvador
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top HOT
-
Fashion and Beauty
FASHION FAD: The thing to WATCH out for!
Join Dimples Romana and Megan Young on their watch-shopping.
-
Controversies
The daughter of QC Mayor Sonny Belmonte hails from the NGO sector.
-
Weddings
Ciara Sotto and her dream wedding with Joe Oconer
Finally, Ciara Sotto walks down the aisle to meet the man of her dreams, and exchange "I do's" with Jojo Oconer.
-
Looking Back
Paulo Avelino admits he almost courted Jennica Garcia
Paulo moves to leading-man status via "Ina, Kasusuklaman Ba Kita?"
Most Popular
- Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."
- Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats
- Pokwang answers some issues about Wowowee
- Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager
- Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish
- PEP EXCLUSIVE: PART I Marlene Aguilar narrates the "violent environment" her son Jason Ivler grew up in
- Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death
- PEP EXCLUSIVE: Part III Marlene Aguilar: "Jason's fan club will change the world."
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top
- Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again
Advertisement


