Superstar Judy Ann Santos (right) took the initiative to patch up a misunderstanding with manager Alfie Lorenzo (left) by going to his house last night and apologizing.
FIRST READ ON PEP: All is well between Alfie Lorenzo and his superstar talent Judy Ann Santos
Sunday, October 19, 2008
03:12 PM
Rating
Noong October 8, Wednesday, pagkatapos ng thanksgiving party na ibinigay ng Regal Entertainment para sa success ng Mag-Ingat Ka Sa...Kulam sa Imperial Palace Suites, dalawang away ang nangyari ngunit isa lang ang nabigyan ng extensive report.
Una ay nang nagsermon ang talent manager at entertainment columnist na si Alfie Lorenzo sa TV crew ng ABS-CBN dahil hindi nito nagustuhan nang hiningan siya ng interview para sa The Buzz at TV Patrol World. Ang nakawang nangyari sa bahay ni Alfie sa may Panay Avenue ang gusto lang itanong ng TV crew ng ABS-CBN ngunit dahil nagkaroon na siya ng experience noon patungkol sa alaga niyang si Judy Ann Santos at Claudine Barretto, hindi siya nagpa-interview at bagkus ay sinermunan niya nga ang mga ito.
Habang nagsesermon si Alfie, ilang malapit na kaibigang manunulat ni Juday na nagpaiwan ang nagtanong pa sa aktres kung ano ang ikinagagalit ng manager niya. Ang sagot daw ni Juday sa kanila, hindi niya rin alam.
Bago umuwi si Juday, nanghingi siya ng kopya ng bagong kontrata niya sa ABS-CBN na pinirmahan na ni Alfie dahil kailangan niya pa raw itong ipakita sa abogado niya. Sumabog na naman ang init ng manager ni Juday at nagsalita na, "Dalawampung taon tayong nagpipirmahan, ngayon kailangan mo na ng abogado?"
Si Alfie ang unang umalis at sa Starbucks sa may Imperial Palace Suites na lang kami nagkita para makuha ng PEP (Philippine Entertainemnt Portal) ang panig niya sa paninermon niya sa ABS-CBN crew dahil hindi naman namin alam na may naging away rin pala sila ni Juday.
Kinagabihan, sa isang presscon sa ABS-CBN, may nag-tip sa amin na nag-away rin sina Alfie at Juday kung kaya't nag-text kami sa talent manager kung may katotohanan ito.
Siguro ay dahil na rin sa kainitan ng away nila noong panahon na yun, nagulat kami sa sinagot sa amin ni Alfie na puno ng pagtatampo at paghihinakit sa kanyang alaga. Kung kaya't sinabi ng PEP sa kanya na pupuntahan namin siya sa kanyang bahay para ma-interview.
Dumating kami sa three-door apartment ni Alfie sa Panay Avenue, ang lugar din ng nakawan ng mga gamit at pera niyang nagkakahalaga raw ng mahigit sampung milyon.
Hindi na kami nagpaliguy-ligoy pa at sunud-sunod ang naging tanong namin sa kanya. Dalawang oras ang naging tanungan namin at lahat ng sagot ni Alfie sa amin ay sobrang ikinagulat namin.
Nang aalis na kami, may huling dalawang tanong kami kay Alfie. Una, kapag isinulat namin ang lahat ng sinabi niya sa amin, malamang na masira nang tuluyan si Juday kaya siya ang tinanong namin kung payag siyang ilabas namin ang interview. Sa amin ibinigay ni Alfie ang desisyon kung ilalabas ito o hindi. Ikalawang tanong, magkakaayos pa ba sila ni Juday? Sigurado naman daw, sagot niya sa amin.
Nagdesisyon kaming huwag na lang isulat ang mga pinagsasabi niya para hindi na rin makatulong sa pagpapalaki ng away nila.
Mula noong gabing yun, October 8, hanggang noong Biyernes,
October 17, hindi nagkita o nag-usap sina Alfie at Juday. Ito siguro ang
dahilan kung bakit nagpa-interview na rin si Alfie sa Startalk noong presscon
ng Gagambino, October 13, at ipinalabas kahapon, October 18, kung saan
nabanggit niya ang ilang mahahalagang impormasyon sa napag-usapan namin. (Click here to read related article.)
Buong umaga ngayon, October 19, tini-teaser na ng Showbiz Central ang isa pang exclusive interview na ibinigay sa kanila ni Alfie tungkol sa gulo nila ni Juday, kung saan may linya ang manager na: "I made her, I can unmake her." Kasunod nito, sumagot na rin daw ang kampo ni Juday tungkol dito at clip ni Beth Tamayo ang ipinakita kung saan sinasabi niyang, "She's [Juday] terribly hurt."
Nag-text ang PEP kay Alfie kung puwede na naming isulat lahat ng napag-usapan naming noong gabi ng October 8 dahil lumabas na rin naman ang interviews niya. Ito ang text sa amin ni Alfie: "Nagpunta na kagabi [October 18] sa bahay si Juday. Nag-sorry na sa akin. Na-scoop ito ng The Buzz mamaya."
Hindi na rin pinayagan ni Juday na mas lalong lumala ang away nila ng kanyang manager kung kaya't siya na mismo ang nagtapos nito sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa manager niya ng mahigit dalawampung taon.
Tuluyan na rin naming pinatay ang isang exclusive sanang tell-all interview ni Alfie patungkol kay Juday.
- Judy Ann Santos says it's no issue if husband Ryan Agoncillo forgets to wear his wedding ring
- Judy Ann Santos understands why they were given limited ad spots on ABS-CBN for her MMFF movie, My Househusband
- Judy Ann Santos on Jolina Magdangal-Mark Escueta wedding: "Happy talaga ako na naitawid ni Jolina nang bonggang-bongga ang wedding nila..."
- Ryan Agoncillo describes "the Judy Ann Santos style" of resolving conflicts
- Judy Ann Santos will support Sharon Cuneta if the Megastar decides to transfer to rival network
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Bianca King says she has introduced rumored boyfriend Dennis Trillo to her mom and lola: " Wala namang problema."
- Kris Bernal and Mark Herras reunite in afternoon soap
- Nancy Castiglione on Vicki Belo and Hayden Kho Jr. split: "I don't really know what's going on."
- MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares on the new SPG rating for TV
- Louise delos Reyes and Enzo Pineda to go on a Valentine date via Skype
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
-
In Focus
John Lloyd Cruz chooses to keep silent about Shaina Magdayao
John Lloyd: "I am indeed better than ever."
-
TV Rating TNS
Three GMA-7 soaps aired their pilot episodes Monday.
-
Fact or Fiction
Ogie and Manilyn share drama moments in new serye, Daldalita.
-
TV Rating AGB
Kapuso programs sweep both daytime and primetime race.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

