"Gusto ko na ngang magbati na kami. Gusto ko wala na akong kaaway. Maganda yung happy. Ayaw ni Pope sa Vatican ng may kaaway! Nag-cleansing-cleansing pa ako ‘tapos may kaaway ako! At saka mas magandang batiin ko na si James ngayon bago mag-Pasko, bago rin mag-showing yung pelikula ko. Ayoko namang maakusahan na ginagamit ko siya sa promo ng movie ko," says Ai-Ai delas Alas about James Yap.

Photo: Glen P. Sibonga

Last Sunday, October 19, inabangan ng mga manonood kung sino ang makakasama nina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez sa The Buzz noong hapon na ‘yon bilang kapalit ng nasuspindeng si Cristy Fermin. At napanood nga ng lahat na si Ai-Ai delas Alas ang naging guest co-host.

"Marami naman yata kaming pinagpilian," ito ang reaksiyon ni Ai-Ai nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set mismo ng The Buzz habang break. "Kanina nabasa ko, ako, si Angel Locsin, si Gretchen Barretto, si... mayroon pang isa... si Charlene Gonzalez."

Pero siya ang napili.

"Oo nga. Ako ang nanalo, beauty queen!" biro ni Ai-Ai.

Noong kinausap ba siya ng The Buzz para maging guest co-host, hindi ba siya na-tense na baka maintriga siya?

"Hindi naman. Kasi sanay naman ako na nagpi-pinch-hit sa The Buzz, e, every time na may nag-a-absent. Ako, panggulo lang naman ako dito sa The Buzz!" pabirong sabi ng comedienne.

Ayaw ring mag-comment ni Ai-Ai tungkol sa suspension ni Cristy Fermin dahil, aniya, hindi naman niya alam ang mga detalye at wala naman daw siyang kinalaman doon. Kaya maluwag sa loob niyang tanggapin ang pagiging guest co-host sa The Buzz. At in fairness kay Ai Ai, sa tuwing nagge-guest co-host siya ay mataas ang rating ng show.

"Oo naman, di ba? Sorry, mataas ang rating ng The Buzz!" pagsang-ayon naman niya.

So, next week ay makikita pa rin ba siya sa The Buzz?

"Sana, sana," sambit niya. "Gusto ko, kasi gusto kong mag-outfit. Gusto kong magtalbugan kami ni Ruffa. Di ba, change outfit ako? Siya nag-change outfit din. ‘Tapos ang taas-taas ng takong! Nahihilo ako sa kanya!"

ON KRIS AQUINO AND JAMES YAP. Kinumusta rin ng PEP kay Ai-Ai ang relationship nila ngayon ng kaibigang si Kris Aquino.

Matatandaang tila nagkaroon ng gap sina Ai-Ai at Kris dahil na rin sa asawa ni Kris na si James Yap. Nagalit si James kay Ai-Ai nang kampihan ng komedyante si Kris sa nangyaring James-Hope Centeno controversy noon. Naintindihan naman daw ni Ai-Ai kung piliin ni Kris na dumistansiya muna sa kaibigan dahil na nga rin sa asawa nito. Pero may communication pa rin ba sila ni Kris?

"Wala pa rin. Pero wala na yun sa akin. Ewan ko lang kay James. Hindi na ako galit. Okay na ako," saad niya.

So, hindi pa rin talaga sila nagkikita ni Kris?

"Hindi pa," pagkumpirma ni Ai-Ai. "Hindi naman kasi ako sa ABS nagte-taping ng Betty La Fea. Sa Quiapo ako nagte-taping. Kaya wala talagang chance."