PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Survivor Philippines" castoff John Lopez once doubted reality shows

John wants Nanay Zita Ortiga to win the first "Survivor Philippines."
by Ruel J. Mendoza
Published Oct 23, 2008
"Ready na nga ako na umakting, e. Pero totoo palang walang script. Akala ko pa nga na may pagbibihisan kami at tutulugan at makakainan na maayos. Yun pala, talagang mamumuhay kami sa island with nothing," narrates the 6th Survivor Philippines castoff John Lopez about his skepticism towards reality shows bfore. He used to think reality shows were scripted.

Nag-audition ang model-auto mechanic na si John Lopez sa Survivor Philippines dahil gusto niyang malaman kung scripted ba ang mga reality shows o hindi.

Inaamin ng Survivor castoff na hindi siya bilib noon sa mga reality shows dahil ang akala niya ay may sinusunod na script ang mga contestants ng show.

"May duda talaga ako sa mga reality shows kaya I want to find that out for myself. Kaya sumubok akong mag-audition for Survivor Philippines at sinuwerte naman na mapili ako as one of the castaways," nakangiting pahayag ni John nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Noong nasa isla na raw sina John, naghihintay raw siya na bigyan siya ng script at naghanap pa raw siya ng magiging tulugan nila at dressing room. Doon nga niya nalaman na totoo pala ang mga ipinapakita sa reality shows.

"Ready na nga ako na umakting, e!" tawa ni John. "Pero totoo palang walang script. Akala ko pa nga na may pagbibihisan kami at tutulugan at makakainan na maayos. Yun pala, talagang mamumuhay kami sa island with nothing. Lahat ng kakainin namin, iinumin namin at titirhan namin ay paghihirapan naming gawin at kunin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa mga nagdududa pa rin sa mga reality shows, ako na'ng nagsasabi na totoo lahat ito. I experienced it with Survivor Philippines at talagang nahirapan kaming lahat. Survival of the fittest ang labanan."

Na-vote out nga si John ng kanyang Jarakay tribe sa episode last Friday, October 17, dahil concerned daw sila sa health nito. Minsan na ngang naitakbo si John sa ospital dahil sa panghihina. Bago nga raw sila pumunta ng Tribal Council ay masama na raw ang pakiramdaman ni John kaya walang choice ang Jarakay tribemates kundi pauwiin na siya.

"Hindi naman sumama ang loob ko because alam ko na they were concerned with what's happening to me physically. Bumaba ang potassium ko sa katawan at masama 'yon. Minsan nanginginig ang mga kamay ko at basta na lang maninigas ang katawan ko.

"Nilalabanan ko lang noong una, pero noong itinakbo na ako sa hospital, yun ang time na hindi ko na kaya. Ang body ko kasi, mas raw muscle than fat kaya mas mabilis akong mawalan ng potassium sa katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero nakabalik pa rin naman ako, pero napapansin na rin nila na parang nagiging weak na ako. Ayoko namang i-drag ang tribe na pababa because of my weak presence. It's better this way na inalis na ako para hindi na sila masyadong mag-alala sa kalusugan ko," lahad ni John.

Ngayon daw ay okey na ang pakiramdam ni John. Bumalik na sa dati ang potassium level niya sa katawan. Pero sinabihan siya ng doctor na huwag magpabaya sa kanyang health dahil puwedeng maulit ang nangyari sa kanya.

"Kaya ngayon, panay ang kain ko ng saging!" tawa niya. "Bananas kasi ang good source ng potassium. Doon sa island naman, saging ang hinahanap namin. May mga banana trees pero wala namang mga bunga. Nauunahan kami ng mga unggoy sa island. Nauubos nila ang mga saging doon kaya wala kaming makuha."

Ngayon ay balik sa modeling at sa kanyang negosyo si John. Wala naman daw siyang inaasahan na anumang offer from GMA-7. Wala naman daw ipinangako sa kanila ang istasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kung may offer ang GMA-7, okey lang. Ready naman ako to try showbiz. Noon pa, may nag-alok sa akin to try showbiz pero nag-aaral pa ako noon and I was into modeling. Kung wala naman, okey din kasi may auto mechanic shop naman ako and I still have my modeling career."

NANAY ZITA SHOULD WIN. Kung may pipiliin daw si John na manalo sa Survivor Philippines, gusto niyang manalo si Nanay Zita dahil mas kailangan daw nito ang premyo kesa sa kanila.

"Para sa akin, si Nanay Zita ang deserving na manalo. Mas kailangan niya ang premyo kesa sa amin. Maasikaso siyang tao at mabuti siyang ina sa mga anak niya. Kung siya ang mananalo, isa ako sa magiging masaya talaga."

Read Next
Read More Stories About
Survivor Philippines
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ready na nga ako na umakting, e. Pero totoo palang walang script. Akala ko pa nga na may pagbibihisan kami at tutulugan at makakainan na maayos. Yun pala, talagang mamumuhay kami sa island with nothing," narrates the 6th Survivor Philippines castoff John Lopez about his skepticism towards reality shows bfore. He used to think reality shows were scripted.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results