PEP sources say Richard Gutierrez-Aljur Abrenica confrontation really happened


 
According to several sources, the reported confrontation between Kapuso stars Richard Gutierrez (right) and Aljur Abrenica (left) at a high-end bar in Makati City was true. Young actress Jewel Mische (inset), say the PEP sources, is also involved.

PEP sources say Richard Gutierrez-Aljur Abrenica confrontation really happened

Erwin Santiago

Rating

Pinabulaanan ng insider ang sinabi ni Richard na sa table niya umupo si Aljur "uninvited." Si Aljur daw ay nakiumpok sa katabing table nina Richard.

 

Sa puntong ito, isang source na naroon ang nagsabi sa PEP na napakasikip daw ng lugar at dikit-dikit ang mga mesa at tao, na uupo, tatayo, iinom, lilipat. At dahil malaki ang grupo ni Richard, sinabi nitong bagamat hindi niya napansin talaga, maaaring sakop nga rin ng mga Gutierrez ang katabing table na inupuan ni Aljur.

 

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng insider, sinabi nito na habang nag-iinuman sa magkatabing mesa ay bigla raw tumayo si Richard. Lumapit ito kay Aljur. ‘Tapos, walang warning daw ay kinutusan diumano ni Richard si Aljur. Dalawang beses daw itong ginawa ni Richard.

 

Nagulat daw si Aljur at napatayo. Sabi ng insider, tiningnan daw ni Aljur sa mata si Richard, pero bago ito makapagsalita, tinanong siya nang pagalit ni Richard: "Sino ka? Ano'ng gusto mo? Babae? Lalake?"

 

Ang tanging naisagot daw ng nawindang na si Aljur ay: "Wala po, sir."

 

Ayon naman sa isang source na customer din doon, nakapagtanong pa si Aljur ng, "Ano ang problema mo?" Na sinagot naman daw ni Richard ng, "Ikaw, ano ang problema mo?"

 

Di naglaon, tumayo si Bubbles, na nasa table nina Richard, at niyakap si Richard. Kumbaga, sabi ng insider, maliksing inawat ng dalaga ang binata.

 

Nang mga sandaling iyon, nag-extend ng arm si Aljur at hinawakan ang likod ni Richard. Kumbaga, sabi ng insider, parang conciliatory gesture.

 

Ngunit sa puntong iyon, ayon pa rin sa insider, nag-walkout si Richard.

 

Nang nangyari ang insidente, naroon daw sina Raymond Gutierrez, JC de Vera, Michelle Madrigal, Rhian Ramos, at ilan pa.

 

ADDITIONAL INFORMATION. Ayon sa isa pang source, habang nangyayari ang insidente ay biglang nawala si Marco Alcaraz, ang kasabay ni Aljur dumating. Pero ang bali-balita ay nagkita na raw ang dalawa at mukhang maayos naman sila.

 

Samantala, isang artistang nakakuwentuhan ng PEP ang nagsabing naroon siya sa Fiamma ng gabing iyon. Ang ganda nga raw ng mga kaganapan doon, parang "paradise" ang atmosphere, dahil nagsama-sama ang mga matagal nang hindi nagkikita. "Wala, nag-text-textan lang kami," sabi niya.

 

Nang tanungin siya kung totoong may "kutusan" at "sakalan" na nangyari, itinanggi niya ito. Sabi ng artista, "Wala, wala akong nakitang ganyan. Nagpe-playfighting lang kami. Si Richard parang judo, ang iba boxing, kung ano-ano. Magkakaibigan kaming lahat."

 

Sinabi rin ng artista na nakita niyang dumating si Aljur na "may mga kasama pero di ko na maalala." Pero wala raw talaga siyang nakita sa sinasabing pananakit ni Richard kay Aljur. Ang nakita niya ay maraming models, foreigners, at kapwa artista doon na nagkakaigihan lahat.

 

Dahil nagbigay na ng statement si Richard, kung saan pinabulaanan niya ang unang report ng PEP, sinubukan din naming kunan ng pahayag ang GMA Artist Center, na siyang namamahala sa careers nina Aljur at Jewel. Pero ayon sa nakausap ng PEP, hindi muna raw sila magbibigay ng pahayag.

 

Nakatanggap din ng impormasyon ang PEP na isang meeting ang ginanap kagabi, October 28, sa tanggapan ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante. Humarap daw sina Aljur at Jewel kasama ang mga magulang nila kay Ms. Galvante upang ilahad ang kanilang panig. Ayon sa aming source, depende raw sa pag-uusap nila kung maglalabas ng official statement ang dalawang StarStruck graduates.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement