So, wala talagang kinalaman si Marian?
"Wala siyang kinalaman. Wala talaga," pagbibigay-diin niya.
Napag-uusapan ba nila ni Marian ang mga isyu ngayon?
"Kumbaga, yung mga pinag-uusapan namin, mga general din. I don't wanna dig too much into it at pag-usapan about it with her because ayoko rin naman na maapektuhan yung ginagawa namin sa trabaho. I don't want her to see that I'm bothered. And I don't want to see that she is bothered also.
"Siyempre, kapag nag-uusap kami, it's always sa setting ng movie, setting ng taping, when we are on the set. Talagang ang objective namin is to work."
Sa palagay ni Dingdong, saan nanggagaling ang impression ng karamihan na tila iba ang sweetness at closeness nila ngayon ni Marian?
"Ako, mas gugustuhin ko na maganda kesa sa hindi maganda ang samahan namin. Mas gugustuhin ko na we progress kesa sa hindi kami nagkakasundo."
Nasulat din na umiyak si Marian after mag-usap sila ni Karylle sa SOP? Totoo ba ito?
"Alam n'yo, alam ko na nag-usap sila. I even know the reasons why, but I don't believe that it [pag-iyak si Marian] happened. Siguro, it's just a mere exaggeration. Hindi ako naniniwala. Pero alam ko na nag-usap sila. Alam ko ang dahilan, at yung usap nila, it was for a good cause. Clearly for a good cause."
STATUS OF RELATIONSHIP. Paano ide-describe ni Dingdong ang relationship nila ni Karylle ngayon?
"Siguro, mas maganda talaga kung isasabay ko na rin ang pag-describe ko run kapag kasama ko siya. Kasi, mas gusto ko rin na kapag ganoon, kasama ko siya," sabi niya.
Ano ang nararamdaman ni Dingdong na tila mas marami ang matutuwa kung sakaling wala na nga sila ni Karylle at maging sila na ni Marian?
"Wala talaga, you can't really please everybody. Merong marami ang mag-a-agree, merong maraming hindi. At the end of the day, papasayahin mo ang mga taong who truly matter without disregarding the feelings of others. Kung kinakailangang kausapin ko isa-isa ang mga tao, gagawin ko. But it's impossible. Sa makakaya ko at magagawa ko sa kanila, gagawin ko."
Masaya ba siya sa lahat ng pangyayari ngayon?
"Hindi, because there are so many misinterpretations. But you know, once the truth is out and once everything has been settled, then I hope things can go on smoothly."





