Ani Dingdong, "Hindi pa kami nagkakausap or nagkikita ni Kay kasi kababalik ko pa lang. Nakarating naman sa akin yung sinabi ni Kay. I don¹t want to say anything muna tungkol sa sinabi niya. I feel na hindi pa ito ang right time. Pero magsasalita naman ako sa tamang oras talaga. Nangako naman ako na I would give an interview para malinawan na ang lahat sa mga nangyayari." (CLICK here to read related article.)
Sa hiwalay na interview ni Butch Francisco kay Dingdong ay tinanong ng Startalk host ang young actor kung nasaan si Karylle. "I don't know," ang sagot ni Dingdong, na noong oras na ‘yon ay katabi naman si Marian.
Hindi ipinalabas sa Startalk ang naturang pahayag na ito ni Dingdong. Pero binanggit ito ni Butch sa ilang entertainment press, kabilang na ang PEP, sa presscon para sa Startalk 13th anniversary noong October 18.
May nakarating ding impormasyon sa PEP na hindi nagustuhan ni Dingdong ang ginawang pagpapa-interview ni Karylle dahil nga taliwas ito sa usapan nilang magbibigay ng official statement.
Ngunit sa huling interview ni Dingdong sa shooting ng One True Love kahapon, October 28, sinabi nitong naiintindihan niya kung hindi naiwasan ni Karylle na magsalita, lalo na't may mga reporters na namimilit sa kanya. (CLICK here for related story.)
OPEN SECRET. Ayon sa highly reliable source ng PEP, halos dalawang buwan nang hiwalay sina Dingdong at Karylle. Dagdag naman ng isa pang source, ang talagang masinsinang pag-uusap ng dalawa tungkol sa hiwalayan ay naganap sa bahay ni Dingdong bago umalis ang binata papuntang Amerika noong October 8.
Sa simula pa lang, ayon sa highly reliable source, alam na raw ng pamilya at ng malalapit na kaibigan ni Dingdong ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Karylle. Maging sa loob ng GMA-7, may mga grupo na ring nakakaalam sa estado ng kanilang relasyon.
Bagamat marami pang detalye ang nakalap ng PEP, marami sa aming sources ang tumangging ipasulat ang kanilang mga sinabi bilang respeto kina Dingdong at Karylle. Ayon sa kanila, magsasalita rin ang dalawa sa tamang panahon at malapit na nga raw itong mangyari.
Sa kabuuan, ayon sa mga kuwentong ito ay noon pa lang daw ay may problema na sa relasyong Dingdong at Karylle. Sinusubukan pa rin daw nilang ayusin ito hangga't maaari, pero sa huli ay nagdesisyon na silang tapusin ang relasyon. Hindi malinaw kung sino ang nakipag-break kanino.
Pero noong September 3 ay sinorpresa pa ni Dingdong si Karylle sa unang performance ng kasintahan bilang Maria sa musical play na West Side Story.
Bumisita rin si Karylle sa penthouse ni Dingdong sa Cubao, Quezon City, nang mag-pictorial doon ang YES! noong September 28. Ayon sa isang source, malabo na raw ang dalawa noon.
Ang napansin ng YES! staff ay ang kawalan ng special gestures, terms of endearment, o private chats sa pagitan ng dalawa. Tuloy ay parang magbarkada ang dating nila. Kumportable si Karylle sa penthouse ni Dingdong, kilala niya ang buong pamilya, at sumama pa siyang magsimba sa pamilya ng binata. Ngunit walang maaaninag na sweetness sa magkasintahan.
THE MARIAN FACTOR. Kung totoo ngang hiwalay na sina Dingdong at Karylle, ang malaking katanungan ngayon ay kung bakit. Dito na pumapasok ang pangalan ni Marian.
Walang duda na kakaiba ang dating at lakas ng pakikipagtambal ni Dingdong kay Marian Rivera—una sa Marimar, na nasundan pa ng Dyesebel. Dahil magkasunod na ginawa ang dalawang top-rating teleserye, mahigit isang taon silang nagkasama sa trabaho. At least three times a week silang nagkikita, at kung minsan pa'y five times a week.
Ngayong tapos na ang Dyesebel, ginagawa naman nila ang pelikulang One True Love mula sa GMA Films, at susundan ito ng GMA-7 primetime series na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.




0

