Malaking hamon na naman sa kakahayahan ni Iza Calzado bilang aktres ang pagsabak niya sa Obra ng GMA-7 para sa buong buwan ng Nobyembre. Apat na karakter ang gagampanan niya sa apat na istorya sa Obra.
Sa direksyon ni Topel Lee, "Sanib" ang unang handog ni Iza, at the same time ay Halloween special ng Obra. Tungkol ito sa isang babaeng sinasaniban ng dalawang espiritu na nakaranas ng malagim na nakaraan. Kasama rito si Ian de Leon na gumaganap bilang asawa ni Iza.
Isang nakatutuwa pero heartwarming episode naman ang "Beauty Queer" directed by Dominic Zapata. Gagampanan dito ni Iza ang isang babaeng galing sa pamilya ng mga beauty queens, pero siya ay desperadong magkaroon ng beauty title dahil lagi na lang siyang "thank you girl" o natatalo sa mga beauty pageants. Dahil nga sa kagustuhan niyang manalo ng title kaya ultimong ang isang gay beauty contest ay sasalihan niya. Kasama rito si Melanie Marquez na gaganap bilang nanay ni Iza at si Carlene Aguilar bilang kapatid.
Isang female boxer naman ang role ni Iza sa "Boksingera" directed by Mark Reyes. Naiipit ang karakter niya sa drama episode na ito sa lalaking kanyang mahal at sa pangarap ng kanyang ama na maging boksingera siya.
Panghuling handog naman ang action episode na "Stella .45" directed by Rico Gutierrez, kung saan isang assassin na gusto nang magbago ang role ni Iza.
Natapos nang gawin ni Iza ang "Sanib" at magte-taping na siya bukas, October 31, para sa "Beauty Queer." Hindi pa nari-reveal kung sino ang makakasama ni Iza sa "Boksingera" at "Stella .45" dahil namimili pa raw ang production, ayon kina Ms. Lilybeth Rasonable (supervising producer) at Ms. Redgie Acuña-Magno (senior program manager).
HORROR QUEEN. Sa presscon ng Obra na ginanap kanina, October 30, sa 17th Floor ng GMA Network, sinagot ni Iza ang katanungan ng mga invited press people kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ready na ba siyang makipagtagisan ng galing para sa title na Horror Queen dahil madalas na siyang napapanood sa mga horror movies at ngayon nga ay sa telebisyon dito sa "Sanib," bukod pa sa nauna na niyang programa noon na E.S.P.?
"Okay lang. Titles are titles. You can give it to me, I can accept them. If you don't want to give it to me, it's okay. Sa tuwing may ginagawa naman akong project wala naman akong title na hinahabol. Ang mahalaga ay ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko," sabi ni Iza.
Ano ang bagong mapapanood sa "Sanib" na iba sa mga nagawa na niyang horror projects?
"Sa E.S.P. kasi before, hindi naman ako napo-possess. Sa Ouija, sandali lang naman ang possession ko doon, e. Dito sa ‘Sanib,' dalawang beses akong mapo-possess, sa bata at saka yung nanay, dalawang karakter. At saka ang maganda pa rito ay first time kong nakatrabaho si Ian de Leon. It's such a pleasure and I'm honored to work with the son of two great actors [Nora Aunor at Christopher de Leon], and Ian is a good actor as well."
Hindi ba siya nakaramdam ng kakaiba doon sa bahay kung saan sila nag-taping, especially sinasabing may multo daw na lumalabas sa haunted house na iyon?
"Sabi ko nga, ‘Ano ba kayo, huwag n'yo na ngang sabihin ‘yan sa akin.' E, lalo na possession-possession pa naman, di ba? E, sa totoo lang, matatakutin talaga ako. Kaya nga ‘pag magbabanyo ako, nagpapasama pa ako, e. Lagi rin akong nagtatabi-tabi po. Pero wala, mababait naman yung mga ghosts kung meron man kasi hindi naman sila nagparamdam sa akin. At saka nagdadasal talaga ako lalo na kapag horror ang ginagawa ko."
BABAENG BAKLA. Ano naman ang gagawin niyang atake sa "Beauty Queer" para magmukhang bading, lalo na't babaeng-babae ang tingin ng mga tao sa kanya?
"Akala n'yo lang yun, ‘no! Bading na bading kaya ako!" sabay tawa nang malakas ni Iza. "Kasi naman you're surrounded by gay people. When I entered the business, not so much. Pero it's day in, day out that you get exposed to the culture. Yung mga makeup artists pa lang sa set kapag nag-uusap na at nandun ka, hindi mo ba maa-absorb yun?"
Masaya nga si Iza dahil pinagbigyan ng GMA-7 na makagawa siya ng comedy via "Beauty Queer." Matagal na raw niyang gustong gumawa ng comedy.
"Pangarap ko talaga yun," pag-amin ni Iza. "Para lang kasing misconception sa akin na pang-drama lang ako at looking regal and serious, e ang kulit-kulit ko kaya, as in super. Nung last presscon ko nga, tinawag akong ‘bakla' ni Dinno Erece [PEP contributor]. Sabi niya sa akin, ‘Bakla ka!' It's just funny that people don't see that side of me kasi siyempre sandali n'yo lang ako nakakasama. Siyempre ‘pag nagtanong kayo ng serious, talagang serious din ang sagot ko. Pero I've always wanted to become a gay icon, parang Rita Gomez, yung ganun.
"Nalilinya kasi ako sa drama, that's why when the opportuniy came about through Obra, I told them, ‘Can I try to do some things na I wouldn't usually do on television.' Nung inisip ko kasi yung Obra, yun ang understanding ko sa kanya. That actors, directors will be given a chance to showcase their other side, yung iba pa nilang kayang gawin.
"Katulad ng ‘Boksingera,' prior to them telling me na meron akong gagawing ganung episode, I took up boxing. Nag-training talaga ako. Mahirap siya. Challenge talaga siya physically, bukod pa doon sa hihingin emotionally noong istorya."
FIRST TIME IN ACTION. First time din daw makakagawa ni Iza ng isang action, na siya talaga yung gagawa ng mga stunts at action scenes. At dito nga sa "Stella .45" ay mararanasan niyang mag-aksyon.
"It's parang Wanted ni Angelina Jolie, na isa akong assassin, so action talaga. Kasi sa Joaquin Bordado, hindi naman talaga ako nag-super action doon. Most ng action scenes kay Robin [Padilla] nakatoka. So, after ng Bordado na-challenge ako. Naisip ko I have to be prepared. Paano kung dumating yung time na I have to do my own stunts? Kaya nagpaturo ako sa isang friend ko na marunong sa martial arts. So, alam ko na ngayon yung difference ng side kick, round house, front kick. Dati para sa akin lahat sila kick lang. Kaya happy ako na may isang action episode ako sa Obra."
CONTRAVIDA ROLE. Apat na characters ang gagampanan ni Iza sa Obra, pero kung siya ang masusunod, ano pang ibang character ang gusto niya sanang gampanan?
"Ang dami pa kasing puwede, e. Like yung something daring. Mahirap din, e. Kasi we all have to adjust to the market. Actually yung iba nga rito, parang suntok sa buwan pa, tulad nung action. Siyempre iisipin mo' pag nagpapalabas ka, ano ba yung gusto ng audience na nanonood doon sa timeslot na yun? Kasi yung sa mga past Obra, ‘pag comedy, it did well. So, hopefully yung ‘Beauty Queer' will do well. But ako kasi, beyond the ratings, gusto ko lang yung at least I got a chance to do the story na alam kong hindi ko naman magagawa doon sa soap ko.
"Gusto ko nga sana yung something bad. I actually offered myself for Sunshine [Dizon] to be her kontrabida for Obra. Siyempre, sabi nila, ‘Ikaw yung susunod, 'no!' Kasi I want talaga, like super scheming, ‘O, wow!'"
Since gusto niyang gumanap ng kontrabida, hindi ba siya nagwo-worry sa magiging reaksyon ng mga tao?
"No, kasi papunta na ako sa mga ganun, e. Kaya nga I took the role sa movie naming One True Love, yung hindi laging inaapi. I'm trying to go to the next level na. Hindi naman siguro magagalit yung mga tao. Kasi my character, hindi naman niya inaapi si Marian [Rivera] or anybody. She probably makes some wrong choices pero all because of love. Pero maganda, we shot some good scenes last night, Dong [Dingdong Dantes] and I. Ang ganda ng eksena. That was an important scene sa pelikula towards the end. So, happy ako about it."
Kuntento ba siya sa itinatakbo ng kanyang career ngayon? Wala ba siyang frustrations?
"Frustrations? Wala naman. It's steady. It's a steady climb for me. And I think that works to my advantage. Kasi mas napag-aaralan ko sa bawat pelikula or experience sa TV show yung mga dapat kong matutunan in acting, in the business itself. So it's not just a shot or rise up to stardom na very sudden that I might not able to handle. Kasi you'll never know how this things work until you're there, di ba? So, sa akin satisfied naman ako. Siguro ang susunod ko na lang gugustuhin ay yung maging gay icon ako," nakangiting pahayag ni Iza.
Samantala, naitanong din kay Iza ang tungkol sa pagpapakasal nila ni ng boyfriend niyang si Jerry. Kailan na nga ba?
"We will get there, but not yet. Because there are certain things pa that I need to do. I'm really excited pa doon sa mga susunod ko pang gagawin at gusto ko pang gawin. I might do a play. So, yung marriage, it might happen pa in the next two to three years, I still don't know," pagtatapos ni Iza.