Marian Rivera chooses diplomacy in near misunderstanding with Boy Abunda

Archie de Calma
Tuesday, November 04, 2008 @ 04:12PM  |  115717 views

 

"Actually, tama yung reaction ni Kuya Boy, kasi hindi ko rin alam talaga na magkakilala sila ni Ervic. It's true na hindi lahat ng kakilala ni Ervic ay kakilala ko, ganoon na lang yun," madiplomasyang pahayag ni Marian sa isyu ng kilala ba o hindi ni Boy ang ex-boyfriend niya.        

 

Photo By: Noel Orsal













Ang sabi raw ni Marian kay Popoy, ang alam daw niyang kakilala ni Ervic ay ang kolumnistang si Joe Barrameda at hindi si Boy.

Pagkatapos ulit ng commercial break, sinagot ni Boy ang sinabi nina Popoy at Marian na hindi kilala ni Ervic si Boy. Sabi niya, hindi raw kawalan sa kanya kung kilala man siya o hindi ng ex-boyfriend ni Marian. Dagdag pa niya, may mga kakilala raw si Ervic na hindi kakilala nina Marian at Popoy.

Ang madiplomasyang sagot ni Marian: "Nag-uusap naman sina Kuya Boy at ang manager ko, at parang biruan lang nila nina Kris [Aquino] yun. Actually, tama yung reaction ni Kuya Boy, kasi hindi ko rin alam talaga na magkakilala sila ni Ervic. It's true na hindi lahat ng kakilala ni Ervic ay kakilala ko, ganoon na lang yun.

"Sinabi ni Kuya Boy kay Popoy na hindi naman daw siya nagtataray at nagpaliwanag lang. I don't mean anything bad, na sinabi kong hindi naman sila [Ervic at Boy] magkakilala personally, dahil siyempre, walang nabanggit sa akin si Ervic." 

THE REAL MARIAN. Parang may lumalabas na impresyon sa publiko na maldita si Marian. Kumalat nga noon na nagtataray raw siya nang wala sa lugar.

"Ayokong patulan ang ganyang akusasyon dahil marami ang nakakakilala sa akin," sagot ng aktres, na mula nang sumikat sa Marimar ay di na nilubayan ng intriga. "Yung matatagal ko nang ka-close, and they'd say, sila mismo, na hindi ako ganoon."

Paliwanag niya, "Nagsasalita ako kung kailangan, at kung feeling ko, nababastos ako, and it's just normal. Alam kong hindi basta madya-justify yun, kasi ang kaibahan ko lang sa ibang tao, may pangalan ako, not for anything else, kaya napapalaki. Pero hindi ako nagtataray nang wala sa lugar.

"Hindi ako affected, basta ba marami ang nagsasabing hindi ako ganoong klaseng tao. Yung mga kaibigan ko ang totoong makapagsasabi kung sino si Marian Rivera, at hindi ko naman mapi-please lahat ng tao."

VIVIAN VELEZ'S ROLE. Mismong ang dating aktres na si Vivian Velez, na unang gumanap sa role na Proserfina sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang—kathang nobela ni Carlo J. Caparas na naisalin noon sa pelikula—ang nagsabing sang-ayon siya sa pag-cast kay Marian sa lead role. Ito ay para sa planong TV remake ng GMA-7 ng Ang Babaeng Hinugot... Ano ang reaksiyon dito ni Marian?

"Flattered siyempre ako," sambit ni Marian. "Kasi Vivian Velez 'yan, na may napatunayan naman as an actress. Kahit hindi na siya active, coming from somebody na hindi ko naman nakikilala pa nang personal, pero sinasabing bagay ako sa role, happy siyempre ako."

Pagtatapos ni Marian, "Ay, salamat talaga! Pero sabi nga ng iba, ang ganda-ganda ni Miss Vivian, especially during those years na dyosang-dyosa ang dating niya. At sana nga, mabigyan ko ng justice yung pagtitiwala sa akin ng GMA-7 at ni Direk Carlo J. Caparas para ako ang pagtiwalaan sa role para sa TV remake." 

Si Dingdong Dantes pa rin ang kapareha ni Marian sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

« Prev  1  2  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name