Roxanne Barcelo says she turned down offers for her to go sexy because she feels it is not for her. "Hindi sa hindi ko talaga kaya, hindi lang talaga ako kumportable," says the ex-PBB Celebrity Edition housemate.

Photo: Noel Orsal

Sa screening ng indie sci-fi film na Xenoa 2: Clash of the Bloods na ginanap sa SM Megamall noong Miyerkules, November 5, marami ang nakapansin sa laki ng ikinaganda ni Roxanne Barcelo. Isa ang dating PBB Celebrity Edition housemate sa miyembro ng cast. Agad nga nitong biro sa showbiz press nang pansinin ang lalong ikinaganda niya, "Ganito yata talaga ang epekto pag nade-depress ka, e!"

NOT FOR SEXY. Pansamantalang nawala sa limelight si Roxanne, at habang hindi raw siya abala sa showbiz, kumuha siya ng crash course sa singing, acting, hosting at modeling. "That time kasi, ang offer sa akin puro sexy roles. Hindi ko kaya, kaya tinatanggihan ko," paliwanag niya.

Ayaw niya ba talagang subukan ang sexy movies?

"I guess hindi talaga yun for me. Marami namang iba riyan na talagang seksi na hindi mo talaga puwedeng i-deny," saad niya.

Baka naman may nagbabawal sa kanya to accept sexy or mature roles?

"Wala naman. Actually sa parents ko [they] are open to it, they trust my decision. Siguro ako mismo, I'm not comfortable na maggano'n-gano'n. Sa iba, maganda siguro talagang tingnan, artistic," aniya.

Open naman kaya siya sa mga sexy pictorials?

"I haven't done a really sexy...kumbaga, naka-two-piece, I haven't done that. Pero kunwari nasa beach, siyempre maggagano'n ka, otherwise hindi pa ‘ko nakakapag-sexy pictorial. I've done siguro mga artsy, for films. Pero di ko masabi na seksi talaga ako. Hindi sa hindi ko talaga kaya, hindi lang talaga ako kumportable."

Sa ngayon kasi, mas mabilis daw sumikat ang isang female star kung magse-sexy image. Ang pananaw naman ni Roxanne dito, "Hindi naman ako do'n sa kasikatan, e. Mas ano ako do'n sa paggawa ng mga bagay na may purpose, hindi lang para sumikat. Kasi, kung ‘yon lang ang hangad natin, mabilis ‘yon, ‘tapos mabilis ding mawala. Kaya gusto ko yung prepared ako, lalo na sa education background ko."

Kumusta naman ang kanyang lovelife?

"Naku, wala muna!" mabilis niyang sagot. "Aaminin ko naman kung may boyfriend ako. Nasa tamang edad na ako, 'wag na tayong magtago."

BATANG BIBO. Abala ngayon si Roxanne sa promotion ng bago niyang show sa GMA-7 titled Batang Bibbo. "It's a partnership between GMA News and Public Affairs saka CDO. Very wholesome yung show at maganda ang ini-impart niyang values," saad niya.

Patuloy ni Roxanne, "Actually, nagbibiruan nga kami. Kasi, habang yung mga kasabayan ko, paseksi nang paseksi at puro mature roles na ang ginagawa nila, ako, pabagets nang pabagets. Sabi ko, it's not really pabagets. Although ang tawag sa akin, parang ‘Ate,' parang pre-school teacher do'n sa show."

Sa bago niyang show, mas maipapakita raw niya ang totoong Roxanne Barcelo.