Veteran showbiz columnist Ricky Lo (main photo) tells what he knows about the breakup between Dingdong Dantes (middle left) and Karylle (upper left). When asked if he thinks Dingdong's onscreen love team with Marian Rivera (lower left) is a factor in the breakup, Ricky said: "Sa palagay ko, kung may factor man, e, konting-konti."

Photo: Noel B. Orsal (Karylle, Dingdong, Marian), File Photo (Ricky)


May pagkaemosyonal ang dating ng segment ng Startalk kanina, November 8, sa naganap na breakup sa pagitan nina Dingdong Dantes at Karylle.

Inumpisahan ito ng Startalk sa pagpapakita ng episode ng show noong April 23, 2005, kunsaan sabay na umamin ng live sa panayam ni Joey de Leon sina Dingdong at Karylle confirming their relationship.

Today, ang tungkol naman sa breakup ng dalawa ang featured episode ng Startalk kunsaan live guest pa ang Philippine Star columnist na si Ricky Lo na siyang pinagtapatan nina Dingdong at Karylle ng tunay na status ng kanilang relasyon.

CONFLICTING SCHEDULES. Tinanong ni Butch Francisco si Ricky kung totoo raw ba na talagang hindi lang mag-swak ang schedule nina Dingdong at Karylle kung kaya't hindi sila nagkasabay at nagkasamang ma-interview o talagang ayaw lang nilang magkasamang mag-guest.

"Hindi mag-swak ang schedule," pagkumpirma naman ni Ricky. "At saka, si Karylle, medyo hindi pa siya reding-ready na magsalita until three days ago."

Tanong naman ni Lolit Solis, "Akala ko ba, sabi ni Dingdong, ang humiling daw na sabay silang magpa-interview sa ‘yo ay si Karylle?"

"Nag-usap silang dalawa, ‘tapos, ang agreement nila, together sila magpa-interview, face to face.  E, nasa L.A. ako noon. Ininterbyu ko yung mga stars ng High School Musical at saka si Daniel Craig of Quantom of Solace.

"Nag-text si Dingdong, ‘Tito Ricky, nasaan ka?' So, I said, ‘I'm here in Beverly Hills, Four Seasons.' Binigay ko yung number dun, tumawag siya. At ‘tapos, sinabi nga niyang, ‘Gusto naming magpa-interview ni Karylle.' Sinabi ko na, ‘October 25, nandiyan na ‘ko.'

"Nag-set kami ng October 26, Sunday. Pagdating ng Sunday, nagkaroon ng root canal si Karylle, so, hindi natuloy ang interview. Na-postpone nang na-postpone. Sabay sila.

"Mauuna yung isa. ‘Tapos sabi ko, ‘Ano ba ‘yan? It's all over the papers already. Kulang na lang ay yung kumpirmasyon n'yo.'

"So, ang nangyari, sa telepono na lang nag-usap. Si Karylle ang nagpa-interview muna as agreed upon by Dingdong and Karylle. Sabi ni Dingdong, ‘Si Karylle muna bago ako.' Then, meron din si Dingdong na lumabas nga noong Wednesday, ang confirmation ng hiwalayan nila."

Tinanong naman ni Butch si Ricky kung base ba sa interview niya kay Dingdong, gaano na raw katagal ang split ng dalawa?

"Sabi niya, yung process daw, matagal. Hindi naman yun overnight na nagising sila, hiwalay na tayo. Matagal daw yung process. They tried to iron things out pero walang nangyari."

Buwan ba ang binilang?

"Buwan...several months. Until last week of September, nag-decide na silang mag-break, irrevocably. Hindi lang cooling-off but talagang breakup. Talagang official. Period."