PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlo Aquino keeps mum about rumor that he is courting Roxanne Guinoo

Carlo returns to Star Cinema.
by Melba R. Llanera
Published Nov 11, 2008
"Mabait si Roxanne, maganda at tahimik. Hindi ko ide-deny na dumadalaw ako sa kanya, pero ayoko munang magsalita ng kahit na ano. Hindi ko naman ‘yan itatago. To be honest, hindi ko alam. Pero malalaman ninyo, promise," says Carlo Aquino.

Bagamat inamin ni Roxanne Guinoo na lumalabas sila ni Carlo Aquino, kasama ng iba pang mga kaibigan, sinabi ng dalaga na hindi pa nanliligaw sa kanya ang aktor.

Nang makausap naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carlo, inamin niyang dumadalaw siya noon kay Roxanne sa set ng Ligaw na Bulaklak. Pero ayaw niyang sabihin kung nanliligaw na nga ba siya sa dalaga o hindi.

"Mabait si Roxanne, maganda at tahimik," umpisa ni Carlo. "Hindi ko ide-deny na dumadalaw ako sa kanya, pero ayoko munang magsalita ng kahit na ano. Hindi ko naman ‘yan itatago. To be honest, hindi ko alam. Pero malalaman ninyo, promise."

Nakarating na rin daw kay Carlo ang kumprontasyon diumano ng dating magkasintahan na sina Roxanne at Jake Cuenca sa Guam.

"Nag-worry ako sa kanya [Roxanne], pero hindi ko alam ang buong istorya, so mahirap pumanig sa anumang side o magbigay ako ng anumang comment. Basta ang masasabi ko lang, sa kahit na anong bansa naman, kahit babae pa o lalake ang sinaktan mo, walang karapatan ang kahit na sino," pahayag ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEST ACTOR. Sa nakaraang Cinemanila International Film Festival ay iginawad kay Carlo ang karangalan bilang Best Actor para sa pagganap niya sa pelikulang Carnivore. Ano ang pakiramdam ni Carlo sa pagwawagi niyang ito?

"Masaya, mas nakaka-inspire kasi, siyempre, bagong karangalan na naman ito. First ko ito sa Cinemanila, so masarap yung feeling," sambit ng batang aktor.

FREELANCER. Inakala ng iba na exclusive star na ng GMA-7 si Carlo, pero nilinaw ng aktor na under Viva Artist Agency siya at wala siyang kontrata sa Kapuso network. Sa katunayan, bahagi pa rin siya ng sequel ng Ang Tanging Ina, na may pamagat na Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, ng Star Cinema (film arm ng ABS-CBN).

"Wala akong contract sa GMA kaya free akong gumawa kahit saan basta may offers at maganda naman yung project. Actually, masaya ako that I'll work with Star again. Ang tagal ko nang hindi gumagawa dito. Ang huli ko nga ay Ang Tanging Ina Part 1 pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maa-assure ko na kung nag-enjoy kayo sa Part 1, mas mag-e-enjoy kayo dito [sa Part 2] kasi presidente na si Mama [Ai-Ai delas Alas]. Mas masaya, mas may damdamin, nakakaiyak. Makikita yung pagiging nanay ni Mama kasi hindi na siya ulit nag-asawa dito. Mas maraming eksena na dapat abangan," saad ni Carlo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mabait si Roxanne, maganda at tahimik. Hindi ko ide-deny na dumadalaw ako sa kanya, pero ayoko munang magsalita ng kahit na ano. Hindi ko naman ‘yan itatago. To be honest, hindi ko alam. Pero malalaman ninyo, promise," says Carlo Aquino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results