FIRST READ ON PEP Aljur Abrenica on Richard Gutierrez: "Hindi po totoo ang lahat ng sinabi niya."


 
"Siguro sa mga nakabasa talaga [ng statement ni Richard], kayo na po bahalang manghusga. Basahin n'yo lang po ng maigi, maiintindihan n'yo po. Hindi po totoo lahat ng sinabi niya," says Aljur Abrenica (in photo) about Richard Gutierrez's official statement about their reported confrontation.

FIRST READ ON PEP Aljur Abrenica on Richard Gutierrez: "Hindi po totoo ang lahat ng sinabi niya."

Erwin Santiago

Rating

"Ayoko po munang magsalita," iwas ng batang aktor.

 

Pero sino ang nagsama sa kanya sa Fiamma Bar?

 

"Si Marco Alcaraz po," sagot ni Aljur. (Si Marco ay naging co-star ni Aljur sa nagtapos nang fantaserye ng GMA-7 na Dyesebel.)

 

Nagkita na ba sila ni Richard pagkatapos ng insidente?

 

"Hindi pa po kami nagkikita," sabi ni Aljur. "Hindi naman po talaga maiiwasan kasi Kapuso din siya. ‘Pag nagkita po kami ni Mr. Richard Gutierrez, natural lang po, nakangiti, naka-smile po ako. Babatiin ko po siya. Pero depende na lang po sa kanya kung ano ang reaksiyon niya."

 

Siya ba ang magpapakumbaba kung saka-sakali?

 

"Actually, ganun akong tao, e. Hindi po ako nakikipag-away. Umiiwas po talaga ako sa gulo. Gusto ko lang po talaga magtrabaho lang nang maayos," pahayag niya.

 

Paano kung siya ang na-provoke?

 

"Pag prinovoke po, iiwas pa rin po ako," aniya. "Pero kung sobra na... Depende po kasi, e. Pero sa akin kasi, kahit batuhin ako ng bato, binabato ko ng tinapay. Lalo lang lalaki ang gulo, e, pag pinatulan mo."

 

May sama ba siya ng loob kay Richard?

 

"Hindi ko po masabi, pero hindi po talaga ako okay," makahulugan niyang sagot.

 

Nagbago ba ang pagtingin niya kay Richard pagkatapos ng nangyari sa kanila?

 

"Ayoko po munang mag-comment," iwas niya ulit.

 

Ano naman ang naging reaksiyon ng mga magulang ni Aljur nang malaman nila ang insidente?

 

"Siyempre, unang-una, nagalit. Nagalit po talaga, pero inintindi na lang po nila," saad ni Aljur.

 

May gagawin ba silang aksiyon tungkol sa nangyari?

 

"Depende po, kung kinakailangan. Pero mapag-intindi po ang parents ko," aniya.

 

JEWEL MISCHE. Dawit din sa isyu sa pagitan nina Aljur at Richard si Jewel Mische, na sinasabing dahilan ng kumprontasyong ng dalawang male Kapuso stars. Nagselos daw kasi si Richard dahil si Aljur ang madalas kasama ni Jewel sa inauguration ng bagong GMA Network Studios noong October 17, o ilang oras bago naganap ang sinasabing kumprontasyon nina Aljur at Richard.

 

Tinanong ng PEP si Aljur kung may namamagitan ba sa kanila ni Jewel.

 

"Ang masasabi ko lang po, e, wala pong namamagitan sa amin ni Ms. Jewel Mische. Kasamahan ko po ‘yan sa StarStruck," sagot ni Aljur.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
1 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement