"Sino ang makakapagsabi na
makukuha pa pala akong endorser ng isang pampaganda? Wala, di ba? Kaya iba
talaga ang naging epekto ng magandang relasyon sa Panginoon," says comedienne Jinky Oda.
The surprising transformation of comedienne Jinky Oda
Thursday, November 13, 2008
09:56 AM
Rating
Masasabing isang milagro ang paputiin mo ang isang taong ipinanganak na maitim. Sa isang tulad ng comedienne na si Jinky Oda, hindi na raw siya umasa noon na mag-iiba pa ang kulay ng kanyang balat. Pero nabigyan ng bagong pag-asa si Jinky at siya ang kinuhang endorser ng GlutaMAX, ang bagong produkto ng YSA Skin Care Corporation.
Noong i-launch si Jinky kagabi, November 12, sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan, ang daming nagulat dahil ibang-iba na ang hitsura niya mula sa nakilala nating si Bale sa sitcom na Okay Ka, Fairy Ko. Ipinakita rin ang before and after photos ni Jinky at kitang-kita ang malaking pagkakaiba sa kulay ng komedyana.
Hindi rin makapaniwala si Jinky sa mga nangyari sa kanya. Never daw niyang naisip na may pagbabago pa na mangyayari sa kulay ng kanyang balat.
"Actually, nagulat ako kung bakit ako ang pinili nila," pagtataka pa noong una ni Jinky. "Kakauwi ko lang from Australia noon at ang taba-taba ko. As usual, negra pa rin naman ako. Noong nilapitan ako para sa product na ito, hindi muna ako na-convince kasi hindi naman ako naniniwala na mag-iiba pa ang kulay ng balat ko. Pero sa naging paliwanag nila sa akin, sinubukan ko na rin."
Tatlong buwan daw ginamitan si Jinky ng mga produktong GlutaMAX at paunti-unti niyang nakita ang resulta. Nag-lighten ang dating dark skin tone niya hanggang sa pumantay na ito. Pinag-diet din siya kaya nabawasan ang kanyang timbang.
Gusto ni Jinky na maging inspirasyon siya ng maraming dark-skinned girls na tulad niya noon. Na may pag-asa pa na maiba ang kulay ng kanilang balat sa paraang mabisa, epektibo, at safe.
THE FATHER OF JINKY'S SON. Kasama ni Jinky na umuwi from Australia ang kanyang anak na si Rickland. Katorse anyos na pala ang guwapong bata. Pero sabi ni Jinky, wala raw hilig sa showbiz ang kanyang anak kahit na may mga gustong kumuha rito. Mas type daw nitong mag-aral na lang.
Tinanong namin si Jinky kung nakilala na ba ni Rickland ang kanyang ama na si Ricky Recto, kapatid ni dating Senator Ralph Recto. Ayon sa comedienne, hindi raw siya nag-attempt na gawin ‘yon dahil alam niyang walang mangyayari.
"Bata pa lang naman ang anak ko, sinabi ko na kung sino ang daddy niya," sabi ni Jinky. "Ayokong itago ‘yon sa kanya. Pero okey naman ang anak ko dahil hindi ‘yon nakasira sa pagkatao niya. Lumaki naman siyang maayos at kahit kaming dalawa lang, maganda ang naging buhay namin."
Nagtatanong ba si Rickland tungkol sa kanyang ama?
"Dati, noong bata siya pero hanggang, ‘Where's my daddy'? lang. Ang sagot ko palagi ay ‘Nandiyan lang'. Noong lumalaki na siya, hindi na niya ito tinatanong. Okey lang kasi choice naman niya kung gusto niyang makilala ang father niya or hindi."
Dinarasal ba ni Jinky na sana isang araw ay kilalanin naman ng ama ni Rickland ang kanyang anak?
"Sino ba namang magulang ang ayaw ng gano'n, di ba? Noong baby pa lang naman ang anak ko, yun na ang dasal ko. Pero may time para diyan, e. May tamang oras for all of that. Ngayon, tanggapin man o hindi ang anak ko, he's still my son at maganda ang pagpapalaki ko sa kanya," pahayag ni Jinky.
Sinabi rin ni Jinky na single at wala siyang lalake ngayon sa kanyang buhay. Naging very active si Jinky sa kanyang spiritual life kaya tama na raw ang kanyang direktang relasyon sa Panginoon Diyos.
"Lahat ng mga katanungan ko sa buhay, Siya ang nagbigay ng sagot. Noong mga panahon na nasa mali akong pamumuhay, Siya pa rin ang nag-lead sa akin sa tama. Kaya malaki ang pagkukulang ko sa Kanya dahil lalapit lang ako kung kelan ako may problema. Ngayon, Siya na lang ang karelasyon ko. Mas maganda ang naging buhay ko.
"Tulad na lang ngayon, sino ang makakapagsabi na makukuha pa pala akong endorser ng isang pampaganda? Wala, di ba? Kaya iba talaga ang naging epekto ng magandang relasyon sa Panginoon," pagtatapos ni Jinky.
- Luis Manzano keeps mum about Mayor Vi's detractors
- All's well that ends well between Vilma Santos and her brother-in-law
- Ralph on his wife's candidacy: "Walang tatalo kay Vilma!"
- Vilma Santos: "I will file my candidacy for the governorship of Batangas."
- Vilma Santos to decide in one week if she will run for governor or not
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Comedian Betong Sumaya named Celebrity Sole Survivor
- Lea Salonga reveals her stand on OPM artists' call for "Filipino first" in the concert scene
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- AGB Nielsen Mega Manila People Ratings (Feb. 7-9): Survivor Philippines final week rule primetime; Eat Bulaga! still the undisputed No. 1 noontime show
- Carl Guevara on playing a ghost in My Beloved: "Parang first day-last day na agad?"
- Beauty queen Danielle Castaño on joining showbiz: "Sobrang I just want to experience how it is like in the industry... not only experience it, like feel that I'm working."
-
Society Watch
Divine Lee supports gender equality and gay rights.
-
Television
AKTV and PBA heighten "Kampihan Na!" campaign for Commissioner's Cup
PBA continues its campaign of asking fans to be more vocal about their support for their favorite basketball teams.
-
Hobbies
Marian Rivera hopes to take culinary classes while working on My Beloved
She prefers to take a full-time school program over a quick crash course.
-
Big Shot
Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
Anne will bring Annebisyosa to different countries in the next few months.
Most Popular
- Gab Valenciano admits to initiating breakup with Isabel Oli: "I just couldn't see her with me. I couldn't see her with a guy like me at this point."
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino's marriage to James Yap is now officially annulled
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

