Dagdag ni Tim, gusto niyang magkakasundo ang lahat at mas maganda kung masaya ang lahat dahil walang tension lalo na kung magkikita-kita sa iisang event.
Ginawang example ni Tim ang pagbabati nina Joey de Leon at Willie Revillame sa Supreme to the Extreme Awards ng Philippine STAR noong October 17. Hindi raw intention ni Tim na magkita ang dalawa dahil alam niya ang naging away nila. Pero it was fate that led the two na magbati na in public.
"That's what I'm saying," sabi ni Tim. "If it's time for reconciliation, it will just happen. Like with Joey and Willie, wala kaming gimik na pagbabatiin ang dalawa. Kusa nilang ginawa 'yon and we were like the instrument kaya nangyari ‘yon.
"Ngayon, it's Ely and Raimund which really made us all happy during the photo shoot kasi walang nag-iiwasan and they were all jiving like old friends again."
Si Tim din ang naging tulay upang magkabati ang dati ring magkaaway na sina Ruffa Gutierrez at Claudine Trillo.
Binibiro na nga ngayon si Tim na "Ambassador of Goodwill" na siya dahil sa ginagawa niyang paraan na magkaayos ang mga magkaaway.
"Maganda ‘yon. We all want to live in a happy world and it's good to know na magkakasundo lahat. Let's stop the fighting and let's all be friends. Hindi dahil sa malapit na ang Christmas, but because it's a good feeling to know na wala kang kaaway and you are friends with everybody," pagtatapos ni Tim.





