After her long romantic relationship with then teen actor Patrick Garcia, na-link naman ang pangalan ni Bianca King sa lead vocalist ng bandang Hale na si Champ Lui-Pio.
Maraming pagkakataon nang naisulat na madalas makita sina Bianca at Champ together at kung ang pagbabasehan daw ay ang sweetness na nakita sa dalawa, it's very obvious na there's something special going on between them.
But when PEP (Philippine Entertainment Portal) interviewed Bianca last November 18 at the premiere night of One True Love in SM Megamall Cinema 9, iwas pa ring magbigay ng kumpirmasyon ang aktres hinggil sa totoong estado ng relasyon nila ng Hale frontman.
"I think hindi na dapat pag-usapan ang mga ‘yan. I think dapat manggaling muna sa mouth namin pareho yung confirmation na di pa rin namin parehong ginagawa. Ito yung topic na di dapat pinag-uusapan, kasi parang mas marami pa akong gustong pag-usapan na iba.
"Ako,
I won't deny that he's been present in my life. Pero kung anu't ano pa man yun, it's not worth discussing. Basta, abangan na lang ang susunod na kabanata,"
natatawang pahayag pa ng Kapuso star.
CAREER IS PRIORITY. Dagdag pa ni Bianca, kaya wala pa rin namang kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa kung ano talaga sila ay dahil na rin sa pag-aalaga nila sa kanilang sari-sariling career.
"Marami
siyang fans na girls. Mas magandang tingan, mas magandang pag-usapan sa isang
lead vocalist ng banda na single, na...‘type namin siya, crush namin siya.' Saka
we have set our priorities. Sa ngayon, importante ang trabaho namin."
Hindi naman itinatanggi ni Bianca na ang katulad ni Champ ay isang boyfriend material.
"He is boyfriend material. He is a very likeable person. Maraming tumitingala sa kanya because of his pleasant personality.
"Other
people might think na ‘pag nasa banda ka, you're weird, di ka normal. But si
Champ, normal lang siyang tao and yun ang appeal nga sa kanya. Kaya niyang
i-detach ang sarili niya sa career niya at yun ang maganda sa kanya."
NO COMMENT ON JEN-PAT. Kahit matagal nang wala sila ni Patrick ay di pa ring maiwasang hingan ng reaksyon si Bianca sa mga isyung kinasasangkutan ng aktor. Isa na nga rito ay ang kinauwian ng relasyong Patrick-Jennylyn Mercado, kung saan nauwi ito sa paghihiwalay at di pagkakasundo. In fact sa birth certificate nga ng baby ni Jen na si Alex Jazz ay di nilagay ni Jen ang pangalan ni Patrick bilang ama.
"My
heart really goes out to the child. Ako, I'd rather not to comment or air
my part, kasi di naman ako close o involved sa issue na ‘yan. Yung concern ko
is sana maging maganda ang future ng bata."
STILL NO TO SEXY ROLES. Nag-pose na for FHM si Bianca, pero sa kabila nito ay sarado pa rin si Bianca in accepting sexy and daring roles lalo't may scholarship pa siya sa university na pinapasukan.
"Recently,
I got a scholarship in La Salle, College of Saint Benilde. I'm taking up Film
making. Ideally three years lang siya, now I'm on my third year. Dapat lst year
tapos na ako kaya lang na-delay ako ng kaunti kasi nag-underload ako. I signed
a contract with them na aside from maintaining extra high grades, kailangan may
good moral values."
JUST A NORMAL STUDENT. Sa ngayon nga ay nagpa-practicum si Bianca sa set ng Luna Mystika and she admitted to PEP na sobrang ine-enjoy niya ang ginagawa niya as a normal student.
"Nag-o-OJT [on job training] ako ngayon sa Luna Mystika. Mas uncomfortable pa nga sila [production people] kaysa sa akin, kasi mas feel ko na gumagawa ng mga maliliit na bagay like nagtatawag ng artista, nag-a-I.D.
"May
mga nagsasabi sa akin na i-cheat ko na lang daw, madali lang naman daw ipa-sign
yun, pero ako kasi gusto ko siyang ma-experience. Saka ayokong masabihan
na kaya ko natapos yun [subject] kasi mayroon akong kakilala. Ayoko ng ganun."
Bianca played the role of Dingdong Dantes's sister in One True Love, katatapos lang din gawin ng aktres ang Iskul Bukol.
